/07/

80 5 0
                                    

-Heindrich-

"Ano ang girlfriend?"

Nagdire-diretso lang ako ng lakad. "B-bakit mo naman naitanong?"

"Ang sabi kasi sa akin ng babae doon kanina, kung girlfriend mo ako." Sumabay siya sa akin sa paglalakad. "Hindi ko naman alam kung ano ang girlfriend. Ano iyon?"

"Don't mind what the sales lady told you." Pero sadya talaga siyang makulit. Pinipilit niya na sabihin ko sa kanya kung ano ang girlfriend. "Parang..ano..magkasin..m-magkaibigan, magkakilala gano'n-hindi ko alam! Okay? H'wag ka na magtanong."

"Ahm.." Tumango-tango siya. "Kung ganoon, simula ngayon girlfriend mo na ako at girlfriend kita." Natisod ako nang marinig ko ang sinabi niya. Napatingin ako sa kanya na parang isa siyang malaking joke. I covered my mouth, preventing my laugh. Ignorante. Hindi ko na lang siya sinagot.

"Saan naman tayo ngayon pupunta?" Halos takbo na ang ginagawa niya. Sinasadya kong lakihan ang hakbang ko para mapagod siya kakasunod. I smirked. And I'm enjoying this. "S-sandali..lang H-hein." Good, hinihingal na siya.

"Bilisan mo," wika ko. Naramdaman kong may nakahawak sa damit ko kaya napatingin ako sa likod. "Anong.."

"Hay! Nakahabol din," tuwang tuwa niyang sabi. "Bakit ba ang bilis mong maglakad?!" galit niyang sigaw sa akin. Bipolar. Ngayon galit naman siya.

"A-alisin mo nga ang kamay mo sa damit ko!" Pilit kong inaalis 'yung kamay niya sa damit ko kaso hindi siya bumibitaw. Gusot na tuloy.

"Ayaw ko."

Hindi na ako nakipagtalo dahil nandito na kami sa tapat ng Supermarket sa loob ng Mall. Kailangan ko ulit punuin ng Ramen ang cabinet sa kusina, tss. Pinaiwan ko muna ang mga bitbit ko. Halos tumagal nga kami sa counter kung saan iniiwan ang gamit dahil ayaw iwanan ng Black Lady.

"Waah! Ang daming pagkain!"

Tumakbo siya sa mga naka-display na pagkain. Nagulat pa ako nang kumuha siya ng isang chip at waring bubuksan. Lumapit agad ako at inagaw ang hawak niya. "Are you crazy? H'wag mong buksan, hindi pa 'yan bayad!" Ngumuso lang siya. Aish.

"Ramen!" Niyakap niya 'yung mga Ramen na naka-display. Tumingin naman ako sa paligid. Nakakahiya kapag nakita akong may kasamang baliw. Napailing na lang ako. Kumuha ako ng maraming Ramen. Sinamahan ko na rin ng cup noodles. Then, chips and drinks. Hindi na ako bumili ng karne o gulay. I don't cook. Ramen lang. And I prefer delivery foods.

"H-hein? Hein?"

Inis naman akong lumingon. "What–bakit ang dami n'yan?" Napanganga na lang ako. Ang ibang Ramen na yakap niya, nalalaglag na dahil hindi na kasya sa mga braso niya.

"Meron na tayo dito. Bakit ka pa kumuha?

"Kulang pa iyan!" Kulang? Ang dami na ng nasa braso niya! "Tulungan mo ako!" Wala na akong nagawa. Tsaka 'yung ibang Ramen, kailangan talagang bilhin kasi durog na dahil nilaglag niya. Sakit sa ulo.

Pagkatapos kong mailagay sa basket ang lahat ng kailangan, dumiretso na agad ako sa counter. Kapag may nakikita kasing pagkain na naka-display 'yung Black Lady, nilalagay niya lahat sa basket. Mauubos ang pera sa account ko.

Katulad ng pinamili niyang damit, ako rin ang nagdala ng grocery.

"Uuwi na tayo. In case na if you asked me again where...is she?" I looked around. Nasaan 'yon? T-teka, naliligaw ba 'yung Black Lady? Ilang minuto yata akong nakatayo lang dito sa tinigilan kong pwesto. Not until I realized na..wala nang Black Lady! I grinned.

I walked faster as I looked around if there's a glimpse of her. Baka nandito lang siya sa paligid, kapag nakita ko magtatago talaga ako. Agad akong pumasok ng kotse at itinambak ang mga pinamili sa likod. I sighed in relief. Naiisip ko pa lang na hindi na siya makakabalik sa condo unit ko, parang nanalo na ako sa Lotto. Wews.

I drove my way to Uncle's house. Ano namang ipapaliwanag ko kapag tinanong ako kung bakit hindi ako pumasok kanina? Bahala na.

"Let me hug you, Heindrich." I stood frozen as I stared at Uncle's Drei, widened his arms. Nilapitan niya ako at tinapik-tapik sa balikat. Tumingin ako sa tatlo na nakanganga lang sa pangyayari. Tinignan ko sila and they just shrugged.

"Err, Uncle? Anong meron?

"Nothing. I'm just happy for you. Finally, sa anim na taon mo sa Luxien Briar, ngayon ka lang um-absent?" Sabay-sabay kaming apat na napasapo sa ulo.

"Anong drama 'yan Tito?" tanong ni Render.

"Yeah. Mas nakakapagtaka nga Dad na um-absent siya." Hinila ako ni Kai at pinaupo sa couch. Pinalibutan nila akong tatlo at sinakal. Tsk.

"Bakit ka absent kanina?" Pilit kong inaalis mga braso nila.

"Tell us the truth, may kasama ka kanina sa condo unit mo right?"

"Magsalita ka Rich!"

Sinamaan ko sila ng tingin. Paano ako makakasalita nito, sinasakal nila ako! "I..c-cant...b-brea..th.."

"Huh? Anong sabi mo?"

I used my full strength to escape from their arms. Nung nakawala ako, hinawakan ko ang leeg ko sabay umubo. Tingin ko bumakat ang mga braso nila. I glared at them. "You all going to kill me? Paano ako makakasagot, eh hindi na nga ako makahinga dahil sinasakal niyo ako!" sigaw ko sa kanila.

"Woah! Did I heard it right? Sinigawan tayo ni Rich!" Dayan exclaimed.

"Aba, ngayon lang nawala ang pagiging cool mo, ah." Inakbayan nila ako. Inis ko namang inalis agad iyon. These guys are crazy!

"So, tell us. Bakit ka absent kanina?" Bumalik sila sa dati nilang pwesto na parang walang nangyari.

"T-tinanghali ako ng gising. May pinuntahan din ako," I lied.

"Are you sure?" Kai asked, not convinced. "Sino 'yung babaeng narinig ko sa phone call?" dagdag niya.

"B-babae? Sinong babae? Baka 'yung sa katabi kong unit. May tinanong lang sa akin." Tinitigan ko si Kai para makumbinse siya na nagsasabi ako ng totoo kahit nagsisimula nang tumulo ang mga pawis ko.

"Finally! You're an adult now my neice. Um-absent ka para mamasyal, right?" Nandito pa pala si Uncle. Hindi namin siya pinansin.

Tumingin ulit ako sa kanilang tatlo. "Fine! B-bahala kayo kung ayaw niyo maniwala, okay? I'm going. Gabi na rin," agad kong iniwas ang tingin ko sa kanila.

"What? Uuwi ka na? Maglalaro pa tayo, bruh."

"Bukas na lang. I'm tired. Bye Uncle," I said as I waved my right hand. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makalabas ako sa bahay. Nararamdaman ko pa rin ang sakit ng leeg ko. Mabuti nang umalis dito baka hindi pa ako tigilan ng tanong. Tumingin ako sa langit. Madilim na. Nagsisimula nang magpakita ang mga bituin. Sumakay na ako ng kotse at umalis.

Nasaan kaya 'yung Black Lady ngayon? Siguro naghahanap pa rin 'yon doon sa Mall. Tanga pa naman. Wait, ano bang pakialam ko?

Habang kinukuha ko ang mga grocery, napansin ko ang mga karton na katabi nito. Nandito pa pala itong mga pinamili niya mula sa PERA ko. Dinala ko na rin pataas. Pero ano naman ang gagawin ko sa mga damit na 'to? Kung iregalo ko na lang kaya kay Shane? Kaso puro itim nga pala ito. Hindi niya type ang mga ganitong klase at kulay ng bestida.

Kahit marami akong bitbit, ayos lang. Atleast walang Black Lady! Humalakhak ako sa isip ko. Bago ako pumasok ng tuluyan sa unit, tinignan ko muna ang paligid baka makita ko na lang na naand'yan pala 'yung Black Lady.

Clear! Pumasok na ako.

"Bumalik ka na Hein!"



Nabitawan ko ang mga plastic bag na hawak ko.

The Black LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon