/46/

39 3 1
                                    

-Heindrich-

Isang linggo na ang nakalipas simula nang may nangyari kay Agnes. She's perfectly fine now, naghilom na ang mga sugat niyang natamo, thanks to my Mom's help.

Yesha and I were busy these past few days. She taught me a lot as my 'Guardian' about my powers and anything. Torture sa akin ang mga nakaraang araw. I had to endure her deathly glares everyday.

"Hein!" Nalipat ang tingin ko kay Yesha na malaki ang ngiti habang papalapit sa akin. Ano na naman kaya ang problema nito? She was smiling, a miracle.

Umupo siya sa tabi ko at pinakita sa akin ang phone niya. "Naghahanap ako ng pwedeng ipang-regalo. Ang sabi kasi sa akin ni Dayan, kapag pasko dapat nagbibigay ng gift."

Sinilip ko naman ang phone niya. Nagse-search nga siya sa Google. Siguro si Dayan din ang nagturo sa kanya.

"Tinuruan nga ako ni Dayan maghanap dito sa website na 'to,'' she said happily. She read my mind again. "Tulungan mo akong maghanap ng regalo," she added.

I frowned. "Bakit hindi ka na lang ulit magpatulong kay Dayan?" tanong ko at ibinalik ulit ang paningin sa pinapanuod ko. Tutal, close naman sila.

"Gusto ko ikaw ang tumulong sa akin."

Napa-iling na lang ako. Bibili ng regalo eh bukas pasko na. Ibang klase.

"Para sabihin ko sa 'yo, porke't Christmas eh obligado mo na bumili ng gifts. Okay, sabihin na natin ang Christmas ay araw ng pagmamahalan at pagbibigayan pero...ba-bakit gan'yan ka makatingin?"

Napaatras ako sa kinauupuan ko. Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil napansin kong nag-iba ang tingin sa akin ni Yesha. Ang creepy! Nakangiti pa siya.

"Ta-talaga? Ang Christmas ay araw rin ng pagmama...halan?" Inilagay niya ang ilang hibla ng buhok niya sa kanyang tenga atsaka nag-formed ng heart gamit ang kanyang kamay habang nakatingin sa akin.

Parang tumigil ng isang minuto ang pag-ikot ng mundo.

"Ki-kilabutan ka nga!" sigaw ko. Hinaplos-haplos ko ang magkabila kong braso dahil parang nagsitaasan ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya.

"Kung ganoon eh 'di magmahalan tayo Hein!"

I almost choked, sa sarili kong laway. She's really crazy. "Bahala ka nga d'yan. Maghanap ka ng sarili mong gift. Ikaw naman ang magbibigay, hindi ako."

"Ayaw mo ng gift?" tanong niya sa malungkot na boses. "Okay. Ang bibigyan ko na lang ay si Agnes, Kudric, Shawn-teka! Kudric?!" Napaayos ako ng upo.

Bibigyan niya ng gift ang batong 'yon? Ano ba ang relasyon nila sa isa't isa?

"Oo si Kudric bibigyan ko. Bakit?" inosente niyang tanong.

"Hindi pwede!"

"Bakit naman hindi pwede?" She glared at me.

"Ka-kasi.." bakit nga ba? Basta, ayaw kong bigyan niya ng regalo ang lalaking 'yon.

"Ang sabi mo nga ako ang magbibigay ng gift, hindi naman ikaw! H'wag ka nga makialam." Aba't!

"Hindi pwede kasi wala nang epekto kung magbibigay ka ng gift," sagot ko. Napatigil naman siya.

"Huh?" she furrowed her brows.

I cleared my throat before I answered, "Wala nang epekto kung magbibigay ka pa ng gift. It's already 24th of December and tomorrow is Christmas day. Ano pang sense kung magbibigay ka ng regalo? Ma-malas na raw kung magbibigay ka pa kapag malapit na ang pasko." Okay, ganda ng palusot ko.

The Black LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon