/35/

36 3 0
                                    

Hello! Here's the update :) enjoy reading. And thank youuuu

– Arang

***

West Barkonville

"Lyndon sinasabi ko sa'yo, tigilan mo na ang kahangalan mo."

Pinipigilan lamang ni Rebecca ang pagsigaw sa kanyang nag-iisang anak, si Lyndon.

"Anong kahangalan Mother?" Kung seryoso si Rebecca ay patawa-tawa lang si Lyndon sa isang tabi.

"You think na hindi ko alam? You're planning something!"

"Something like what Mother? I don't get you."

Napahawak na lamang sa kanyang noo si Rebecca habang masama ang tingin sa anak.

"Sige magmaang-maangan ka pa! Pinaplano mong sundan si Althea sa East, am I right my son?"

Naglaho ang ngiti ni Lyndon at tumingin siya ng seryoso sa ina.

"B-bakit ko naman susundan si Althea doon?" sagot niya atsaka idinako ang tingin sa labas ng kastilyo.

"Because you care and you love her! Kilala kita Lyndon. Ngayon pa lang ay huwag mo nang balakin ang pinaplano mo dahil hindi ako papayag. Narinig mo naman ang sinabi ni Lord Garagov, hindi ba? Susuwayin mo ba ang utos niya?"

Hindi alam ni Rebecca kung anong nagustuhan ng kanyang anak sa isang Dhampir lamang.

Inis na lumingon ulit Lyndon sa kanyang ina. "I don't care Mother! Gagawin ko ang nais ko at walang makakapigil sa akin."

"Lyndon!" Ngayon ay galit na galit na si Rebecca.

"Buong buhay ko ay lahat na lang ng nais niyo ang sinusunod ko!"

"Dahil iyon ang makakabuti sa'yo!"

"Hindi na ako bata! Kaya ko nang magdesisyon sa sarili ko. Now, I'm going to leave and don't you dare to stop me, Mother!"

Masakit man para kay Lyndon na nasagot niya nang gano'n ang kanyang ina ay umalis na siya ng silid at iniwan ang gulat na gulat na si Rebecca.

He's done with his mother. Hindi niya alam kung bakit gano'n ang kanyang ina. Ngayon ang gusto lamang niya ay makalayo kung saan walang pipigil sa kanya.

'Buo na ang desisyon ko. Tutulungan ko si Althea.'

"Can we join?"

Kahit hindi siya lumingon ay alam niya kung sino ang nagsalita. At ngayon ay sinasabayan na siya ng mga ito sa paglalakad.

"No," mabilis niyang tugon.

"Okay. Sasama pa rin kami."

Napatigil siya at tiningnan sina Bea at Farida. Seryoso ang kanilang mukha.

"Delikado doon. Mapapahamak kayo," mariin na wika ni Lyndon na may kasamang pag-aalala.

"Sa tingin mo ikaw hindi ka mapapahamak doon?" sagot ni Farida at tinaasan pa siya ng kilay.

"Isa pa, kung marami tayong tutulong kay Althea ay mas mapapadali ang trabaho niya at makakabalik na siya sa kastilyo. And, Althea is our friend. Nag-aalala rin kami sa kanya Lyndon, hindi lang ikaw."

Tumitig si Bea sa mata ni Lyndon para makumbinse ang binata. Napabuntong-hininga na lamang siya.

"Fine. May magagawa pa ba ako?" Kahit tutol talaga si Lyndon sa kagustuhan ng dalawa ay pumayag na rin siya.

Napangiti naman ang dalawa. Ngiting tagumpay.

"So, anong plano? Kailan tayo aalis?"

Tumingin siya ng seryoso sa dalawa.

The Black LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon