/11/

63 3 0
                                    

-Heindrich-

Tumakbo agad ako papunta sa room ko nang bumukas ang elevator. Dali-dali kong in-input ang password ng unit.

"Black Lady?" I roamed around. Napakunot naman ang noo ko. Bakit ang daming Ramen na nakakalat? May mga basura at..what's this? Her dress? Tumungo ako para pulutin ang damit na nakasalampak sa sahig, I guess, it was not a good idea na iniwan ko siya rito.

"Black Lady!" tawag ko ulit dahil wala akong marinig na kaluskos o ingay. I sighed in relief. Wala pa sila. Kailangan kong itago ang Black Lady kapag dumating na sila dito.

Napagdesisyunan ko na sumilip sa kusina dahil baka nandoon ang Black Lady, nag-iimbentong magluto ng Ramen. Tsaka nakaramdam din ako ng uhaw. Habang papalapit ako, nakaramdam ako ng kaba. Inaalala ko na baka nagkalat na naman siya ng mga...the hell?!

Natuod ako sa kinatatayuan ko nang makita ang senaryo na naabutan ko sa kusina. Halos pigil din ang ang aking hininga nang makita ko na may hawak na kutsilyo ang Black Lady at masamang nakatingin sa tatlong tao na magkakayakap. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila ako napansin. T-tsaka bakit may kutsilyo?!

"Anong nangyayari dito?" Sabay-sabay silang lumingon sa akin.

"RICH!" At sabay-sabay din tumakbo papunta sa akin 'yung tatlo. They hide at my back.

"W-who is she?!" natatarantang tanong ni Kai.

"B-black Lady ba siya?"

"T-teka nga, pwede bang paki-alis ng mga kamay niyo sa damit ko?" Hindi ko na alam kung sino ang nakakapit sa balikat ko at kung sino ang humihila ng T-shirt ko.

"Woah woah Rich!" Sinundan ko naman ng tingin ang itinuturo ni Dayan.

"H-hoy Black Lady! A-anong gagawin mo?"

"Hein! Lumayo ka sa mga pangit na nilalang na iyan." What? Agree ako na mga pangit silang nilalang pero bakit ako lalayo? Hindi ko alam na nakikitakbo na rin pala ako sa kanilang tatlo. Sinong hindi mapapasama kung hinila ka nila? Tsk. Nakarating kami sa sala, sa kusina at sa sala ulit. Nagpaikot-ikot kami du'n. Sumisigaw pa si Kai, Dayan at Render habang tumatakbo.

"B-black Lady! Bakit may hawak kang kutsilyo? Bitawan mo 'yan!"

"Rich gusto pa namin mabuhay! Aaahh!"

Naririndi na rin ako sa tatlong 'to. When I felt exhausted, tumigil na ako sa pagtakbo at hinarap ang Black Lady. Iniharang ko pa ang kamay ko at pumikit nang papalapit na siya. Sasaktan niya kaya ako?

"Hein, anong ginagawa mo?" Agad akong napamulat. Nakita ko 'yung tip ng kutsilyo, malapit na sa mukha ko.

"Ibaba mo 'yan!" sigaw ko sa kanya. Nakakatakot talaga siya. "Why are you holding that? Papatay ka ba?! Pinapakaba mo ako."

"Rich, should I call the police? B-bakit may nakapasok na Black Lady sa unit mo?" Hindi ko napansin na nasa likod ko na pala 'yung tatlo. Bakit ba lagi silang nasa likod ko?

"Lumayo ka sa kanila! Masasama silang tao. Hindi ba sinabi mo sa akin kanina na kapag may pumasok dito na ibang tao, masasama sila kaya kagatin o kainin ko," she said as she glared at them. Itinaas pa niya ang kutsilyo na hawak niya kaya nataranta kami.

"N-no! They're my friends. Hindi sila masasamang tao, mukha lang." Narinig ko pa na umalma 'yung tatlo sa likod ko. Kinakabahan talaga ako sa hawak niyang kutsilyo.

"Sabagay, mukha nga silang masasamang tao. Pero ano ang f-frie..frinds?"

"Friends. Kaibigan, malapit sila sa akin."

"B-black Lady ba talaga 'yan Rich?" tanong ni Kai sa nanginginig na boses.

Lumingon ako sa kanila. "I will explain later. Pumunta tayo sa bahay niyo." Nalipat naman ang tingin ko sa mga kamay nila. "Pwede na kayong bumitaw sa akin." then, tumingin ulit ako sa Black Lady.

The Black LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon