"Patirahin mo ako rito."
Para akong binuhusan ng isang baldeng tubig.
"A-aray!" Napadapa siya sa sahig dahil bigla akong tumayo. Teka, hindi ko naman yata matatanggap ito. Gusto niyang patirahin ko siya dito? Gusto niyang tumira dito? Dito sa unit ko?
"Seryoso ka ba? Sa tingin mo papatirahin ko dito sa unit ang taong hindi ko kilala?!"
"Oo." Wow, confident ah.
"At bakit ko naman gagawin 'yon? A-akala mo ba m-matatakot ako sa'yo?" Mas nakakatakot yata kapag kasama ko ang black lady na 'yan sa unit ko.
"D-dahil..dahil..wala akong tirahan!" sigaw niya. What? Nagulat pa ako nang bigla siyang yumakap sa akin.
"Hein! Parang awa mo na, patirahin mo ako dito sa 'yong tirahan!" Pilit ko namang tinatanggal ang pagkakayakap niya sa akin.
"A-ano ba..bitaw nga. Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, huh?" Tumaas ang mga balahibo ko nang yakapin niya ako.
"Patirahin mo ako dito."
"Ayaw."
"Titira ako dito."
"Nope."
"Ayaw mo?"
"Sobra."
"Titira ako dito."
"Hindi."
"Sige."
Huh? Tama ba ang narinig ko? Napangiti naman ako ng malaki.
"Good. Ngayon layas ka na."
"Sige. Hindi kita papatulugin gabi-gabi. Sisiguraduhin ko rin na kapag nandito ka sa iyong tirahan, mararamdaman mo lagi na may panganib. Magpapakita rin ako sa iyong panaginip!" Gulp. Heh, akala ba niya matatakot ako?
"Asahan mong mangyayari ang lahat ng sinabi ko ngayon sa'yo," ngumiti siya sa akin na nagpataas lalo ng balahibo ko. I don't know if this was nust my imagination pero biglang humangin sa loob kahit wala kulong at sarado naman ang mga bintana. Wala ring butas na mapapasukan ng hangin.
"Paalam Hein!" Tumalon-talon pa siya na parang bata habang papalabas.
Totoo kaya sinasabi ng babaeng 'yon?
Bakit ako matatakot?
Tss.
Siya pa may ganang bantaan ako? Heh.
"S-sandali!" Napapikit ako.
"Bakit?" Lumingon siya sa akin na nakangiti ng malaki.
I avoided her gaze. "P-pumapayag na ako."
Labag ito sa loob ko. Para akong pinaamin sa kasalanang hindi ko naman ginawa.
Lumingon ako sa kanya. "Pumapayag na ako na dito ka tumira. A-alam mo na, h-hindi sa.. sa dahil natatakot ako sa b-banta mo. Why would I? Kawawa ka kasi. Nagmamakaawa ka na. Kulang nalang lumu-hey!"
"Yuhoooo! Dito na ako titira!" Ang ginawa niya, tumakbo siya akin at yumakap na nagbigay lalo ng kilabot sa akin. Parang isang drum na 'yung nararamdaman kong kilabot sa kanya. Pero teka, pansin ko nakakarami na 'to ng yakap. Pagkatapos ay sumayaw-sayaw siya ng weird na step paikot sa sala.
I shook my head in disbelief. Ngayon, may makakasama na akong baliw sa unit ko? Argh. Sumasakit ang ulo ko.
***
Ilang minuto yata akong tulala lang habang nakatingin sa kanya bago magsalita. "Kung wala kang tirahan, ilang araw kang nasa labas lang?"
"Ako? Hmm.." Inilagay niya 'yung hintuturo sa pisngi niya na parang nag-iisip. May isip pala 'to?
"Mga tatlong araw." Three days? Wait, kung three days siyang pagala-gala lang sa labas, that means, she and her dress..?
"H-hindi ka pa naliligo at hindi ka pa rin nagpapalit ng damit mo?!" Simula pa kahapon, wala akong nakikita na may dala siyang bag. Tanging ang belong itim (anong meron sa belo?) lang ang dala niya na ngayon ay nakapatong sa balikat niya.
"Ligo?" She shifted her gaze to her dress and sniffed. "Ayos pa naman. Mabango pa." What? Nanliit ang mata ko. Anong ayos d'yan? Makakasama ko sa unit ko ang babaeng hindi pa naliligo at nagpapalit ng damit? Tapos kung makayakap pa sa akin..aish kadiri.
Nanahimik na lang ako. Kung titignan, tamang tama sa kwento ni Uncle kahapon ang deskripsyon niya sa black lady sa babaeng nandito ngayon sa unit ko. Black veil, black dress, long hair and full moon pa kagabi. Kinikilabutan ako kapag naiisip ko.
Enough with my thoughts. Black lady doesn't exist.
I looked at my wristwatch. "Saan ka pupunta?" Tumayo kasi ako. Hindi ko siya pinansin at pumunta sa aking silid. Kinuha ang susi ng kotse.
Pagkalabas ko, nakaabang siya sa akin. Napakunot naman ang noo ko.
"Saan ka pupunta?"
"B-bakit?" Lumalapit na naman siya. "L-lalabas! I don't want to spend my whole day here with you." Right. Aalis na lang muna ako dito kesa naman makasama ko ang black lady na 'to. Kanina pa rin ako nakakaramdam ng gutom. Ang magaling kasi na Black Lady, inubos ang Ramen ko.
"Hindi mo ako isasama?" Siusundan niya ako.
"Ayaw nga kitang makasama 'di ba? Bakit kita isasama? M-magpahinga ka na lang dito o kaya..k-kahit anong gawin mo. Feel at home!" Ibinuka ko pa ang kamay ko na parang welcome na welcome talaga siya tsaka humalakhak ng pilit.
Lumabas na ako ng unit bago ko pa marinig ang sasabihin ng babaeng 'yon at bago pa ako mabaliw ng tuluyan. Dumiretso ako sa parking lot kung saan nando'n ang kotse ko. Paano ko ito sasabihin kay Uncle and kina Kai? Na may pinatira akong iba sa unit ko–mali! Let me rephrase that. Paano ko sasabihin kina Uncle na may TUMIRA sa unit ko?
Okay, I must stop thinking about that. Sasabihin ko rin kay Uncle, just in case matulungan ako na umalis ang Black Lady na 'yon sa unit ko. But not now. Ang dapat ko munang unahin ay ang tiyan kong nagwawala na dahil sa gutom.
"Mukhang malalim ang iyong iniisip." May naramdaman akong paghinga malapit sa leeg ko. Tumaas lahat ng mga balahibo ko. Ang unang pumasok sa isip ko ay hilahin ang ulo ng nagsalita at baliin. Pero hindi natuloy ang balak ko nang makita ko sa rearview mirror kung sino 'yon.
Nanlaki ang mga mata ko. "A-anong ginagawa mo d'yan?"
I turned at my back then I saw the black lady smiling at me.
BINABASA MO ANG
The Black Lady
Fantasy"Balita kasi na may gumagalang babae na nakabestidang itim at may belo kapag Full Moon." Nagsimula ang lahat sa kwento ng Uncle ni Heindrich. Simula pa lang, hindi siya naniniwala. "Lady in black dress and black veil doesn't exist," aniya. Ngunit an...