-Heindrich-
"Shylene Alajar, Grade 9 students, was last seen at the Convenience Store. Bumibili siya ng inumin at walang kasama. Pauwi na siya sa kanila ng gabing 'yon," wika ng Detective na nasa crime scene ngayon.
May dumating agad na ambulansya at mga Police kanina kaya hindi masyadong napalibutan ang bangkay nung babae. Isinakay na ito sa ambulansya at dinala sa Morgue para magsagawa ng autopsy.
Ngayon ay ang trace na lang ng katawan nito ang naiwan sa crime scene at ilang bakas ng dugo mula sa katawan ng biktima.
"Ngayon, tinutukoy pa namin kung sino ang suspek. But I don't think ang suspek sa pagkamatay ng isang binata kahapon na si Cuarzon at ang suspek sa pagpatay sa dalaga ngayon ay pareho," paliwanag ni Detective Garzon kay Uncle. Nabasa ko ang apelyido niya sa kanyang suot. Sa tingin ko ay nasa 30's pa lang ang edad niya dahil batang-bata pa ang itsura, matangkad at matipuno ang katawan.
"Babalitaan na lang po namin kayo Sir kapag lumabas na ang result ng autopsy." dagdag na wika nito saka umalis na.
Naiwan naman kami dito na hindi nagsasalita. Si Uncle ay parang may malalim na iniisip. Napakalma na ang ilang estudyante at hindi na lumikha pa ng gulo kaya bumalik ang klase sa normal.
Ngayon lang may nangyari na ganito dito sa paaralan at sa buong East. Ang dati bang tahimik at payapang bayan ay magulo na?
"You should head back to your designated room. Babalitaan ko na lang kayo," sabi sa amin ni Uncle at tumalikod na. Sinunod naman namin siya at bumalik na.
Ngayon, tahimik ulit ang buong klase, may ibang pinag-uusapan ang nangyari kanina. Wala pang dumadating na instructor namin para sa susunod na subject.
"Hi Yesha." Napatingin ako sa isang classmate namin na lumapit kay Yesha. Kumuha ito ng upuan at umupo sa harapan niya. I remember her, siya ang laging nakakasagutan ni Kai. Pero ang alam ko ay crush siya ni Kai dati.
"Agnes, what are you doing to Yesha? Please, leave her alone," wika ni Kai. Hindi ko na sila pinansin at dumungaw ulit sa bintana.
"Wala pa akong ginagawa sa kanya, so shut up. You're the one who should leave us alone."
I heard Kai clicked his tongue. Oops, loser.
"I'm Agnes nga pala."
"Hello Agnes! Naalala kita."
"Oh, that's good to hear."
Tinignan ko ang kalangitan at madilim 'iyon. Mukhang nakikisabay ang kalangitan sa nangyayari ngayon.
"What do you think? Nang dumating ka lang dito ay nangyari na ang mga kababalaghan sa lugar na 'to. Hindi kaya ay may sumpa ka?"
Napalingon ako. Tumigil din sa pagkukwentuhan sina Kai sa likod. Ang ibang nasa loob ay napatigil din sa kanilang ginagawa at lumingon sa direksyon namin, sa direksyon ni Yesha. Si Shawn at Shane din ay napatigil at humarap dito.
Biglang umingay ang buong klase at ang pinag-uusapan na, ay si Yesha.
"Anong pinagsasasabi mo Agnes? Lumayo ka nga kay Yesha," sabi ni Kai.
"Stop that nonsense Agnes. Huwag mong guluhin si Yesha," sambit naman ni Render.
"Why? Tinanong ko lang siya, what's wrong with that? May posibilidad na may sumpa nga siya, right? Yesha?" Tahimik lang si Yesha at hindi ko mabasa ang eskpresyon niya. Nagbulungan ulit ang buong klase.
'Oo nga 'no? Dumating lang sa school 'yang si Yesha at pinagkaguluhan na dahil sa ganda ay nangyari na ang mga ito'
BINABASA MO ANG
The Black Lady
Fantasy"Balita kasi na may gumagalang babae na nakabestidang itim at may belo kapag Full Moon." Nagsimula ang lahat sa kwento ng Uncle ni Heindrich. Simula pa lang, hindi siya naniniwala. "Lady in black dress and black veil doesn't exist," aniya. Ngunit an...