-Heindrich-
I put my two hands inside my pocket. Naglakad ako papunta sa Black Lady na nakikipagkilala sa kung sino-sino.
"Hoy Black Lady," I pulled her. "Crazy. Huwag ka ngang lumapit at makipagkilala sa kung sino-sino. They would think you're crazy."
"Bakit ba? Gusto ko lang naman sila makilala!" Napaatras naman ako dahil ang sama na naman ng tingin niya. Siya pa ang galit!
"At t-tsaka..Hein? Black Lady na ba ang pangalan ko at hindi na Yesha?" malungkot niyang tanong sa akin.
"Yesha!"
"Lady Gaga!"
Crap. Nand'yan na sila. Sabay kaming lumingon sa paparating na tatlong ugok. Si Dayan at Render, ibinuka pa ang kamay at yayakapin 'tong Black Lady sa tabi ko kaya agad ko siyang iniwas. They glared at me.
"Yesha, what's up? Nagustuhan mo ba ang paaralan?" nakangiti na tanong ni Kai.
"Oo! Ang ganda! Hihi. Saan ba ang magiging room ko?" Oo nga, hindi ko natanong kay Uncle kung anong grado at room nito?
"Let's go. Ihahatid ka namin," aya ni Dayan.
"Talaga? Sige!'' Ayon, sumama na siya du'n sa tatlo. Tsk. Sumunod na lang ako dahil hindi ko rin alam kung saan ang room niya.
Habang naglalakad kami ay maraming mata ang nakatingin. Nakakaagaw atensyon naman kasi dahil tawa nang tawa 'yung tatlo. Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila dahil nasa likod lang nila ako.
'Who is she? Bakit ang lapit niya sa apat?'
'Nakita ko na kasabay siya kanina ni Heindrich.'
'Wow, btch.'
Lumingon ako kung saan galing ang boses na 'yon. Sakto na nakatingin sila sa akin and I glared. I don't remember that I give them a permission to talk behind my back.
Nagtaka naman ako kung bakit sila tumigil sa paglalakad. Sumilip ako sa unahan and I saw Shane and Shawn approaching us. Siyempre, magkasama na naman sila. Hindi ko alam kung may nagagawa pa ba 'tong President namin dahil lagi niya kasama si Shane tss. And oh by the way, they looked like a sibling.
Lumapit ako kung saan nandoon ang Black Lady. They turned their gaze at me.
"B-bakit tayo tumigil? Tara na sa magiging room ko!"
"Hein," bati ni Shane. Tumango lang ako. Then after that, kina Kai naman siya bumati.
"I'm worried. I thought you're sick or what. May inasikaso ka lang pala sabi sa akin ni Shawn," wika ni Shane. Si Shawn sa tabi niya, tahimik lang at nakatingin sa katabi ko.
"Yeah, may i-inasikaso lang ako," I answered.
"Ah, inasikaso si Yes-" Siniko ko si Kai sa tiyan. Napayuko naman siya. Daldal.
Dumako rin ang tingin niya sa katabi ko.
"Who is she? Siya ba 'yung usap-usapan dito sa campus na kasama mo Rich?" tumingin sa akin si Shawn tsaka sa Black Lady ulit. Akala ko nawalan na siya ng boses, tss.
"Hello! Ako si Yesha, Yesha Fuentes!" Ayan na naman siya sa friendly attitude niya. I don't know pero natawa sa kanya si Shawn. Tss, anong nakakatawa du'n?
"Hi Yesha, my name is Shawn. Nice to meet you," inilahad niya ang kamay sa harap ng Black Lady pero hinawakan niya ito habang sinusuri katulad ng ginawa niya kay Uncle. Shawn laughed at her. Bakit ba 'to tawa nang tawa
BINABASA MO ANG
The Black Lady
Fantasy"Balita kasi na may gumagalang babae na nakabestidang itim at may belo kapag Full Moon." Nagsimula ang lahat sa kwento ng Uncle ni Heindrich. Simula pa lang, hindi siya naniniwala. "Lady in black dress and black veil doesn't exist," aniya. Ngunit an...