-Heindrich-
"Vampires?"
Muntikan nang matapon ang iniinom na tsaa ni Uncle. Umupo siya kaharap namin at inayos ang salamin atsaka nagsalita.
"Sinasabi mong si Yesha ang pakay nila dito?" I nodded. Kung hindi si Yesha, sino o ano naman ang iba nilang pakay dito?
"I don't think so," bulong ni Uncle pero narinig ko pa rin. "Naramdaman mo rin na hindi sila ordinaryong bampira, hindi ba?"
Tumango ulit ako at inalala ang naramdaman ko kanina. Nakakakilabot.
"It means hindi lang sila basta bastang bampira lang," wika ni Uncle sa seryosong tinig. "They are Pure-blooded Vampires."
Bumalot na naman ang katahimikan sa buong sala. Pure-blooded Vampires? So, may sadya talaga sila dito dahil hindi naman sila nanakit ng mga tao.
Kaya pala naramdaman ko na ang lakas ng aura nila. Biglang sumikip ang dibdib ko. Ibig sabihin kung hindi dumating si Shawn at Yesha kanina ay delikado talaga ako dahil alam nilang nakita ko sila.
"Sa tingin ko ang isa sa kanila ay witch." Napatingin kaming lahat kay Shawn. Witch? I shifted my gaze to Yesha. Blangko lang ang reaksyon niya.
"Kaya sila biglang nawala sa kakahuyan dahil may isang nagcast ng magic spell."
Napabuga ako ng hangin atsaka napasandal sa upuan. Inutusan ba sila ni Garagov?
"Si Hein ang pakay nila."
Napaayos ako ng upo at tumingin kay Yesha. What?
"M-me? B-bakit naman ako ang pakay nila?" tanong ko at tumawa ng pilit. The hell. Wala naman akong atraso ah.
"No, hindi si Heindrich."
"Woah! Yeah Uncle's right!" Itinuro ko pa si Uncle at ngumiti. Napataas tuloy ang kilay niya. Narinig ko namang napatawa si Shawn.
Tumikhim muna siya bago ulit nagsalita, "As what I've said, hindi si Heindrich ang pakay nila dito. Sa tingin ko ay may hinahanap silang ibang tao."
"Kung ganu'n sino?" Bakit ba ang seryoso masyado nitong black lady na 'to.
Uncle just shrugged. "No one knows."
"Pero malay niyo 'di ba, baka si Heindrich nga ang pakay nila. Kaya umuwi na kayo. I have something to discuss with Shawn."
I rolled my eyes. Bakit dinagdagan mo pa Uncle?
Palipat-lipat ang tingin ko sa aking pinapanuod at kay Yesha na nakadungaw sa bintana. Medyo hinawi niya ang kurtina kaya kita ko sa labas ang kabilugan ng buwan.
Hindi rin ako maka-concentrate sa pinapanuod ko. Hindi ako sanay kapag ganito ang kinikilos niya. Masyado siyang tahimik.
Tumayo ako, dahan-dahang lumapit sa kanya at ginulat siya.
Napakamot ako sa ulo. Hindi man lang nagulat. Hindi rin naalis ang tingin niya sa labas ng bintana.
"Tsk. Ano bang sinisilip mo d'yan? Wala d'yang susulpot na ramen," biro ko. Sa wakas ay nalipat din ang tingin niya sa akin. Akala ko ay sasagot siya sa akin pero bumalik lang ang tingin niya sa labas ng bintana. Ano bang problema niya?
"Gusto mong ramen? Ipagluluto kita."
Lihim akong napangiti nang tumayo siya at pumuntang kusina. Sinundan ko siya at kumuha ng ramen sa drawer.
"Don't mind it kung ano man ang nasa isip mo. If something's happen tonight, you will protect me right? You're my guardian, remember?"
Kung ang inaalala niya ay 'yung nangyari kanina, wala dapat siyang ipag-alala. Sinabi naman ni Uncle na may iba silang pakay dito.
BINABASA MO ANG
The Black Lady
Fantasy"Balita kasi na may gumagalang babae na nakabestidang itim at may belo kapag Full Moon." Nagsimula ang lahat sa kwento ng Uncle ni Heindrich. Simula pa lang, hindi siya naniniwala. "Lady in black dress and black veil doesn't exist," aniya. Ngunit an...