/42/

31 2 1
                                    

-Heindrich-

"I'm Farida Xavia."

Napalingon ako sa nagsalita, isang babae. Sa tansa ko ay kasing-pantay lang ng height niya ang height ni Yesha at aakalain mong isa itong Europhian doll dahil bukod sa kulot nitong buhok na hanggang balikat ay kapansin-pansin ang itim nitong lipstick at kulay itim din na make-up sa ilalim ng mata niya na hindi ko alam kung anong tawag.

"Mess up with me and you'll be de-ouch! L-let's be friends," pilit itong ngumiti kahit ang tatalim ng kanyang mga titig.

"Hello, I'm the handsome Lyndon Laurea."

Biglang tumili ang ilan sa mga kaklase ko.

I heard Dayan groaned. "Handsome? Yuck!"

Pinagmasdan ko ang nagpakilalang Lyndon. Nakataas ang ilang hibla ng buhok nito at may isang hikaw sa tenga, napansin ko rin ang maliit nitong tattoo sa bandang leeg. Sa postura at pananalita pa lamang niya ay mahahalata mong isa itong playboy.

"Hi!"

Sunod na nagpakilala ang isang babaeng tuwid ang buhok na lampas balikat, matangkad at may hawak na isang lollipop.

"My name is Bea Sarkis. I'm 17 years old and this is my brother," itinuro niya lalaking nasa tabi niya, "Kudric Sarkis."

Lahat kami naghihintay na magpakilala ang ipinakilalang Kudric pero para itong tanga na walang emosyon ang mukha habang nililibot ang tingin sa loob ng silid na para bang may hinahanap.

Kung hindi pa ito siniko ni Bea ay hindi siya magsasalita.

"What she said," he said shortly.

Kai chuckled. "Seriously?"

Pinaupo sila sa bandang likod.

Nagpatuloy na ang klase samantalang walang pumapasok na iba sa utak ko kundi ang naramdaman ko kanina. Biglang sumakit ang ulo ko at nakaramdam din ako ng kakaiba, isang panganib.

Napatingin ulit ako sa bracelet na suot ko na ngayon ay bumalik na sa normal na kulay. Ang ipinagtataka ko ay kanina naging kulay itim ito.

Nilingon ko si Yesha. Wala naman nangyaring masama sa kanya pero bakit naging kulay itim kanina ang suot kong porselas?

Peke ba 'to?

Pero isa lang ang sigurado ako.

Pagkapasok na pagkapasok pa lang kanina ng apat ay naramdaman ko na agad na may kakaiba sa kanila.

Nandito kami ngayon ni Yesha sa Cafeteria. Hinila ko siya baka kung saan na naman pumunta. I ordered a slice of pizza and milk tea for me, and a slice of cake and hot choco for her. Wala naman ditong ramen kaya wala siyang magawa kahit maghanap siya.

"Bakit kasi walang ramen dito?" reklamo niya.

"Nagrereklamo ka pero 'yung cake mo paubos na,'' sagot ko at ngumiti sa kanya ng pang-asar.

Bigla siyang tumawa na ikinatulala ko. Ngayon ko lang narinig ang tawa niya. Hindi ko alam pero ang sarap sa tenga ng tawa niya. Aish! Napa-iling ako at ipinagpatuloy na lang ang pagkain bago pa ako masiraan ng ulo sa mga sinasabi ko.

"Hein, may naramdaman ka bang kakaiba kanina?"

Napa-angat ang tingin ko sa kanya at tinitigan siya sa mata.

"You felt it too?" Bigla akong kinabahan. May alam siya.

She nodded as she pursed her lips.

"Anong ibig sabihin no'n? May mangyayari ba?" Hindi siya sumagot.

The Black LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon