/41/

38 2 3
                                    

-Heindrich-

"Hein!"

"Y-Yesha?"

"Run! Umalis ka na dito."

"No, I will go with you. Hindi kita hahayang maiwan dito."

"Just go Heindrich! Iligtas mo ang sarili mo."

"Hindi! Yesha? Yesha!"

Ring...Ring

Napabalikwas ako. I looked through my window and it still dark outside. Ibinaling ko naman ang tingin ko sa phone ko na kanina pa tunog nang tunog.

Pagtingin ko sa oras, alas-tres pa lang ng madaling-araw. I sighed when I saw a registered name appeared on screen.

"What?" inis kong sagot.

I heard a low giggle. Sa inis ko ay pinatayan ko siya ng phone at bumalik ulit sa pagkakatulog.

Pero hindi ko pa man naipipipikit ang mata ko ay tumunog ulit ang phone ko.

"Argh! Ano?"

"Gising ka na Hein?"

"Hindi! Doppelganger niya lang 'to," I answered sarcasticly in a low voice. Medyo paos pa ang boses ko.

Ang aga-aga niyang nang-i-istorbo.

"Kung gayon nasaan si Hein? Ibalik mo si Hein!" Ewan ko sa'yo! I hung up and continued my sleep.

Simula nang turuan ko siya kung paano gamitin ang phone na binili ko para sa kanya ay hindi niya na ako tinantanan. Laging tinatawagan ang phone ko kahit text. Lakas din mang-trip ng mangkukulam na 'yon.

I was about to close my eyes when I heard the door of my room creaked open. Pumikit agad ako.

Kinakabahan ako. Baka pinasok na kami ng kung sino. Inihanda ko na rin ang sarili ko kung sakali man na masamang loob ang pumasok.

O baka naman vampire?! Shit.

"Hein?"

Nakahinga ako ng maluwag nang mapagtanto kong si Yesha lang pala ang pumasok. Pumikit lang ako at nagkunwaring tulog.

Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko kaya kinabahan ako.

I heard her let out a deep sigh.

"Akala ko hindi si Hein," bulong niya.

Wait, kaya ba siya pumasok sa kwarto ko ay para tingnan kung ako nga ang nandito at hindi doppelganger na sinabi ko kanina sa kanya? I chuckled.

"Hein, gising ka?"

"Hindi," pilyo kong sagot.

"Ah akala ko gising ka." What? Pft. Tanga talaga.

Ilang minuto na mula nang lumabas siya ng kwarto ko. Hindi na rin ako makatulog kaya bumangon na ako.

Tiningnan ko ang phone ko at bumungad sa akin ang napakaraming message.

Black Lady

Hayn!

Hulaan mo kung sino ako?

Hain?

Hein?

Thu 12:34AM

Rawr. Bampira ako. Awoooo

HUs DiS?

Thu 01:56AM

Hein!

Hein!!

The Black LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon