/34/

35 4 0
                                    

-Heindrich-

"Bakit ba hindi mo ma-gets?''

"Ano nga ulit kasi ang paraan?"

Napasabunot na lang ako sa buhok ko at pinipigil ang mainis sa black lady na 'to. Kung hindi ko lang 'to Guardian daw kuno at kung hindi lang 'to Witch—"Kung hindi lang ako Witch at hindi mo Guardian, anong gagawin mo?"

Sinabi ko sa kanya na alam ko na Guardian ko siya.

Napabitaw ako sa ballpen na hawak ko.

"Could you please stop reading my mind?"

Ito pa ang isang creepy sa kanya, she could read my mind! What should I do?

"Matututo ka rin na makabasa ng isip katulad ng angkan mo," sabi niya.

"At matututo ka ring isarado ang isip mo para hindi mabasa ng ibang may kakayahan na makabasa ng isip. Pero sa ngayon, magdusa ka!" Pagkatapos ay tumawa siya na para talagang isang mangkukulam. Nakakakilabot.

Bumalik ulit kami sa dati na parang walang nangyaring yakapan noong isang araw. Aish, siguro nga sira lang ang ulo ko nang mga oras na 'yon. Nakakainis din siya. Hindi siya sa akin in-love eh samantalang sinabi niyang in-love siya sa akin noong...kailan ba 'yon? Bakit ko naman iisipin pa 'yon? Tsk.

"Enough! Go back to your seat and paper and find the answer on that question. Magdusa ka!" panggagaya ko at tumayo para kumuha ng inumin at makakakain. I smirked. Nakita ko kasi ang mukha niya na parang iiyak na.

"And don't you dare read my mind. Wala kang makukuhang sagot," dagdag ko.

Nagtataka ba kayo kung ano ang ginagawa namin? Remember the Special Exam, malapit na siya. Two days na lang magsisimula na ang Special Exam. Panibagong ranking na naman. But I'm so confident with myself.

Ngayon, nagpapaturo si Yesha sa mga subject at mga question na papasok sa exam. Remember when we had our quiz? Then, naka-perfect si Yesha no'n. Binasa lang pala ang nasa utak ko kaya naka-perfect siya! Takang-taka pa ako sa kanya nu'n. Pilya talaga. Ngayon ay tinutulungan ko siyang magreview. Don't get me wrong. Take note: tinakot niya ako para tulungan siya.

Naknang. Saan ka naman nakakita ng Guardian na nananakot imbes na protektahan ka? Ibang klase.

I told her na h'wag niyang gamitin ang pagbabasa ng isip kapag Special Exam na. Masama 'yon. Pumayag naman siya and she's willing to learn. Ang kapalit, tutulungan niya rin ako kapag lumalabas na ang symptoms. Malamang! Guardian ko siya kaya obligasyon niya na tulungan ako. Walang kwenta.

"Hoy Yesha, tapos ka na?'' tanong ko pagkabalik mula sa kusina. Hindi ko siya tinatawag na Ameera dahil sabi nga niya ay mas gusto niya ang Yesha na bigay ko. Napangiti ako ng lihim.

"Hindi pa!" Paiyak na 'yung boses niya. Pinipigilan ko lang ang matawa. "Ituro mo nga kasi sa akin ulit!"

"Ayaw ko. Ang LG mo, alam mo 'yon?"

"Kami na lang ang magtuturo sa'yo Yesha!"

Sabay kaming napalingon sa pinto kung saan nagmula ang boses. Napakunot ang noo ko. The three idiots.

"Ano namang ginagawa niyo rito? I don't remember na inimbitahan ko kayo dito sa unit at wala rin akong maalala na nagbigay akong permiso na pumasok kayo dito."

Ang kaso, dedma lang ako. Dumiretso si Dayan at Render kay Yesha at tumabi sa kanya. Wala na akong nagawa. Sa susunod papalitan ko na talaga ang password ng pinto ng unit ko.

"Don't disturb her. Hayaan niyo siyang sagutin niya 'yan."

Si Kai naman ay pumuntang kusina, naghahanap 'ata ng food sa ref.

The Black LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon