/04/

73 9 0
                                    

-Heindrich-

I'm just staring at her for almost 10 minutes after she ate ALL my Ramen. Siguro naman pwede ko na siyang tanungin dahil busog na siya. Tumikhim ako. "Ngayon na busog ka na, baka naman pwede na kitang tanungin, right?"

Okay, no response. Sisimulan ko na nga lang ang pagtatanong. "Who are you? What's your name? How did you get here?" Teka, baka nabigla siya sa sunod sunod kong tanong dahil nakatitig lang siya sa akin.

"Anong pangalan mo, miss, ate, manang or whatever?" Hinihintay ko siyang magsalita ngunit mukha yatang pepe ang kaharap ko ngayon pero hindi, narinig ng dalawang tenga ko na nagsalita siya kanina. Or I think she doesn't want to speak?

"Hindi ko alam kung ano ang pangalan ko." Oh, salamat at nagsalita rin. Pero- "What?!" Hindi niya alam ang kanyang pangalan?

"Saan ka nakatira?"

"Hindi ko alam."

"Relatives? Kamag-anak o pamilya?"

"Hindi ko alam."

Huminga ako ng malalim. May amnesia ba siya? This is bad. Kailangan ko siyang dalhin sa Police Station but how? Hindi rin siya matutulungan kung hindi alam ang kanyang pangalan, kung saan siya nakatira at kung sino ang mga kamag-anak niya.

Should I take her to Uncle's house? Mukhang hindi magandang ideya. Oo nga pala, may mga itatanong pa ako dito.

"About last night, paano ka nakapasok sa condo unit?"

"Naglakad ako papasok," seryoso niyang sagot habang nilalaro-laro ang buhok. Wait, pigilan niyo ako. Hahanap ako ng maibabato. Nagtanong ako ng maayos tapos iyan ang sagot niya?

"Alam kong naglakad ka para makapasok, tss. What I mean is kung bakit nandito ka? Hinabol mo pa ako kagabi then sinundan hanggang sa makarating ako sa unit. Nakapasok ka pa dito. How did you do that? Bakit mo ako hinabol?"

"Ah, naisipan ko lang."

Napatayo ako. "H-hoy seryoso akong nagtatanong kaya sagutin mo rin ako ng maayos!" I exclaimed.

Nakakuha lang ako sa kanya ng matalim na tingin. Dahan dahan naman akong napaupo. Okay, last na talaga itong tanong. Pagkatapos nito, sisipain ko na siya palabas.

"Bakit mo ako kilala? T-tinawag mo rin akong Hein kanina." Nakatingin lang siya sa akin. Sana naman makakuha ako ng matinong sagot ngayon.

"Marunong akong magbasa." Napapikit ako at napasabunot sa ulo. "Ano naman ang kinalaman ng pagkamarunong mong magbasa kung bakit mo ako kilala?" Aish. Kalma Rich. Masama ang pumatol sa babae.

"Ayan oh." She pointed her lips at me. Napagaya tuloy ako sa kanya dahil ngumuso rin ako. Ano ba tinuturo niya?

"Ayan sa iyong suot." Napatingin ako sa suot ko. May name tag na nakakagay sa left side ko - Heindrich W.

"So, binasa mo lang 'to? Ito lang? Eh bakit tinawag mo akong Hein?"

"Pinaikli ko lang dahil ang hirap banggitin ng H-Hein..d..drich—Heindrich! And don't call me Hein again."

So that's it? Takang taka ako kung paano niya nalaman ang pangalan ko, binasa lang pala niya sa uniporme ko. Speaking of uniporme, hindi pa ako nagpapalit simula kagabi? Hindi pa rin pala ako naliligo. Kasalanan 'to ng black lady.

"May tumutunog. Sa 'yo ba iyon?" Huh? Ah, ang phone ko. May tumatawag. Tiningnan ko kung sino.

Si Kai.

Sinagot ko naman.

"Yow," walang gana kong simula. "(Yo yes yes yow!) Yo, 'sup? (Yow, what's up man?)" Tinignan ko ang phone ko. Siraulo ba 'to?

The Black LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon