/33/

29 3 1
                                    

-Heindrich-

As usual, nakatingin lang ako sa bintana habang nagsasalita sa unahan ang instructor namin. Marami ang natuwa sa pagbabalik ko, at 'yung iba ay nagtaka kung bakit nawala ako ng ilang araw.

Lumingon ako sa likod ko at nakita doon ang black lady na katabi ni Render habang tahimik na nakikinig sa unahan.

I'm annoyed. She ignored me and now, she avoided me. Nagulat ako kanina nang hindi siya tumabi sa akin. Naiinis ako dahil hindi ko alam kung bakit ganito siya sa akin? Eh, kung tutuusin ay ako ang may karapatang magalit sa kanya dahil naglihim siya.

"Chill. Baka akala ni Yesha na galit ka sa kanya," bulong ni Kai na kakalipat lang sa tabi ko.

"What?" Ako? Magagalit sa kanya? Err, yeah. Noong una pero ngayon hindi na.

Tumingin ulit ako sa likod at nahuli kong nakatingin siya sa akin tapos umiwas agad siya. Nahuli ko na, umiwas pa. Napailing na lang ako at napangiti.

Ngayon, nandito kami sa bahay ni Uncle Drei. Inabutan ako ni Uncle ng baso na may lamang wine. I checked the glass at inamoy ang laman nito.

Uncle Drei chuckled. "Hindi 'yan dugo Heindrich." Napakunot naman ang noo ko. Amoy wine nga. Napaamoy din tuloy sa kanilang mga baso 'yung tatlo. Teka, baka 'yung mga iniinom namin dati dito sa bahay nila, hindi kaya dugo 'yon?

"Are you serious Heindrich? Bakit naman ako magpapa-inom ng dugo sa inyo." The hell? Nakakabasa rin ba si Uncle ng isip? Tumingin ako sa kanya at nagkibit-balikat lang siya. Ang creepy talaga.

"Huwag mo nga basahin ang nasa isip ko, Uncle."

"Woah! Nakakabasa ka ng isip Tito?"

"Yeah, I can read minds," cool na sagot ni Uncle. Psh.

"Cool! E 'di nababasa mo ang bastos na utak ni Dayan?" tanong ni Render kaya napatawa kami.

"Langya ka. Walang bastos sa utak ko, ikaw bastos!" At nagsapakan na silang dalawa.

"Kamusta Heindrich? Sinabi na ba nila lahat sa'yo??" Tumango ako sa kanya atsaka uminom sa hawak kong baso na may lamang wine.

"So you knew everything even your true identity." Napatingin ako kay Uncle.

"Anong true identity?" Naibaba ni Uncle ang hawak niyang teacup. "Hindi pa?" Nagtataka ang mukha na napahawak si Uncle sa kanyang baba. Miski ako nagtataka. May hindi pa ba sinasabi sa akin sina tanda..Lolo?

"Ano ang totoo kong pagkatao-I think, it's better na hindi mo pa alam. Malalaman mo rin, soon. Siguro ay sinadya na hindi nila sabihin sa'yo." Huh? Teka, mas naguguluhan ako e.

"Baka Rich hindi ka naman talaga bampira?" Napalingon naman ako kay Render. Nakikinig pala silang tatlo sa usapan namin ni Uncle.

"Kasi si Dracula ka!" Tapos nag-apir sila ni Dayan atsaka tumawa. Pinaningkitan ko sila ng mata. Nakakatawa 'yon?

"Uncle, how about Kai? Kapag nag-18 ba siya, magiging vampire na rin siya?"

Nakita ko na napaayos ng upo si Kai.

"No. I don't want to," he murmored. I grinned.

"Wait for your turn," pang-aasar ni Agnes. I forgot, kasama rin namin si Agnes. Ginantihan naman siya ni Kai ng masasamang tingin.

"Kaiyen? To be honest, I don't want him to become one. I want him to be normal." What? Sana all!

Napatayo naman si Kai at madramang lumapit kay Uncle Drei.

"T-talaga ba Dad?" Para kaming nanunuod ng teleserye.

"Yes son. Ipinangako ko sa Mommy mo na magiging normal ka." Tapos nagyakapan na 'yung dalawa. Ang weird talaga ng mag-ama. Napa-iling ako. Kadiri.

The Black LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon