/26/

41 4 0
                                    

-Heindrich-

"Yesha, come closer. Baka nandito pa ang suspek," sabi ko at naging alerto sa paligid.

Tumingin ako sa taas kung may CCTV, mabuti merong nakakabit na isa. Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at tumawag sa Police pati na rin kay Detective Garzon.

"Hein paano kung nandito lang ang suspek? Hahanapin ko siya."

She was about to leave but I pulled her.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? It's dangerous! Tingin mo ba ay kaya mo 'yung suspek? Hintayin na lang natin dumating ang awtoridad." Hindi na siya pumalag pa.

Hindi naman nagtagal ay may narinig na akong sirena ng ambulansya. Dumating na rin ang mga Police kasama siyempre si Detective Garzon.

"Heindrich and Yesha, right? Mabuti walang nangyari sa inyo,'' bungad sa amin ng Detective pagkalapit. Sinilip niya rin ang bangkay at umalis na.

May mga Police na pumasok sa elevator at in-inspeksyon ang kaawa-awang bangkay ng guard. Hindi ko alam kung saan pumunta si Detective Garzon pero nakita ko siyang papalapit sa amin at dismayado ang kanyang mukha.

"I checked the CCTV footage but sadly, sira ito."

Walang kwenta. Nasaan ba 'yung owner nito?

"Pero sa front gate at parking lot, meron," Detective Garzon added. Hinihintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"May nakita akong babae, nakasuot ng itim na bestida. We couldn't recognized her face dahil nakatalikod. Pumasok siya sa gate and I don't know what's next. Hindi ko nakita ang guard sa tapat ng gate o parking lot."

Isang babae na nakasuot ng bestidang itim. Tumingin ako kay Yesha na ngayon ay parang malalim ang iniisip. Naalala ko lang nung unang encounter namin.

"Pinagtatanong-tanong na ng mga Police sa mga nakatira dito kung may gano'ng babae ang nakasuot na dito rin nakatira. Sa ngayon, you need to come with us, Heindrich and Yesha sa Police Station upang magbigay ng detalye sa nangyari."

Tumango lang ako.

"Anong nangyari dito Yesha? Heindrich?"

Lumingon naman kami sa nagsalita.

"Agnes!"

"Miss Imperial? What are you doing here?" tanong sa kanya ni Detective Garzon.

"Napadaan lang ako Detective dahil nakita kong may mga sasakyan at Police sa labas ng unit nina Heindrich. May mga tao rin na nakikibalita and reporters. By the way, are you okay Yesha?"

"Oo, ayos lang kami. Dumating kami dito na nangyari na ito," sagot sa kanya ni Yesha.

"Maiiwan ka na namin Miss Imperial, umuwi ka na. Pupunta pa kaming Police Station. Heindrich, let's go?"

Kahit tinatamad pumunta sa Police Station dahil pagod na rin kami ay sinundan pa rin namin si Detective Garzon.

May itinanong lang sa amin ng ilang katanungan ang Police at pinauwi na rin kami.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko sa bulsa kaya kinuha ko ito. Tumatawag si Uncle.

"Oh? (Heindrich, where are you right now?) Police Station, pauwi na rin kami. (Walang nangyari sa inyong masama?) Don't worry Uncle, safe kami. (That's good to hear. Umuwi na kayo at mag-inga-what? Kausap ko pa si Heindrich!)"

Kumunot naman ang noo ko. May iba kasing nagsasalita sa background.

"(Hello? Rich! Si Yesha? Ayos lang ba siya?)" Napatingin ako sa phone ko. Si Kai. Wow, si Yesha agad ang kinamusta.

The Black LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon