-Heindrich-
"Saan tayo pupunta Hein?"
Tinatahak namin ang daan papunta sa Sentro ng East kung saan nandoon ang mga pamilihan. Kakaalis lang namin sa school. Anong magagawa namin, eh pinaalis kami ni Uncle.
"Sinabi mo kagabi na wala nang stock na ramen sa unit. Kaya bibili tayo ngayon," sagot ko at ipinagpatuloy ang pagmamaneho. Kahit sawa na ako sa ramen, tss.
"Yey!" Gumawa na naman siya ng mga weird moves gamit ang kamay. Hindi ko alam kung may epilepsy ba siya o ano.
Habang nagmamaneho ay pinagmamasdan ko ang paligid.
Napakapayapa.
Kakaunting sasakyan, walang mga usok at bihira lang makakita ng tao sa daan. Pero akala ko ay mananatiling payapa ang East.
Ngayon ay may mga krimen nang nangyayari na dati nama'y wala.
Pagkarating namin ay agad kaming dumiretso sa loob ng Mall at hinanap ang Grocery Store.
Kumuha agad siya ng maraming ramen. Hinayaan ko na lang. Kaligayahan niya 'yan. Ako naman ay kumuha rin ng ibang makakain, drinks at iba pang kailangan.
Nang mabayaran ay lumabas agad kami. Napatingin naman ako sa mga naka-display na damit sa isang Boutique Shop. Then, lumipat ang tingin ko sa damit na suot ni Yesha at napakunot ang noo.
Seriously? Hindi siya nagsasawa sa ramen, hindi rin siya sa nagsasawa sa pagsuot ng itim na bestida. Kahit nasa unit lang siya, pantulog, paglabas ay bestidang itim ang suot niya.
"B-bakit ka gan'yan makatingin sa akin Hein?" Napaatras siya at itinakip ang dalawang braso sa dibdib. Lalo tuloy kumunot ang noo ko.
"Tara. Sa loob," wika ko at hinila siya.
Pinagpapawisan na tinitignan ko ang mga damit na naka-display habang hinahawakan ito at ibinibigay kay Yesha.
"I-ito..b-bagay sa'yo 'to? 'Ata." Inilapit ko sa kanya at sinukat 'yon sa katawan niya. Wait, ang weird.
"H-hindi pala. What about this??" Kinuha ko ang kulay puting damit na malaki na aabot na 'atang tuhod niya kapag sinuot.
"Hindi?"
Ibinalik ko sa lagayan 'yung damit at napakamot sa ulo. Tinignan ko ang ekspresyon niya, wala man lang reaksyon at sa tingin ko ay nababagot na siya.
"Ako na lang ang pipili ng damit ko Hein! Ayos ba 'yon?"
Agad akong umiling. I'm sure, itim na namang bestida ang pipiliin niya.
"Ako na! Maghintay ka lang d'yan," sabi ko at tumikhim.
May nakita naman akong...okay, what's this? Paldang maong at may ternong kulay rosas na damit at may butas sa magkabilang bahagi ng manggas. Hindi ko alam kung may tawag dito basta iyon na 'yon.
Idinikit ko iyon sa katawan niya. I smiled a bit. Sa tingin ko ay bagay sa kanya.
"Isukat mo sa loob."
Pinagmasdan naman niya ang ibinigay ko sa kanya. Maya-maya, tumingin siya sa akin at..ang sama ng tingin! A-anong ginawa ko?
"Sinasabi mo bang magsuot ako ng butas na damit?"
Then, pinakita niya sa akin 'yung damit na may butas sa itaas ng manggas.
"H-hindi! Desinyo sa damit ang sinasabi mong butas," agad kong sabi sa kanya pero sa tingin ko ay hindi siya kumbinsido.
"Sigurado ka?" Itinaas niya ang damit at pinagmasdan ulit iyon.
"Yes. Kaya isukat mo na sa loob 'yan."
BINABASA MO ANG
The Black Lady
Fantasy"Balita kasi na may gumagalang babae na nakabestidang itim at may belo kapag Full Moon." Nagsimula ang lahat sa kwento ng Uncle ni Heindrich. Simula pa lang, hindi siya naniniwala. "Lady in black dress and black veil doesn't exist," aniya. Ngunit an...