1

1.6K 17 6
                                    

If there was one word to describe my life, maybe not the whole but most of it, I would think of only one word.

Fangirl.

I've been to many kinds of stages of fan girling before. From the worst to the best. And I can say i'm pretty much experienced too.

"Psh. Aasa ka lang ulit diyan, Kyle. Tigilan mo na."

Sinesermonan ako ni Juliane isang hapon sa school. Tinignan ko lang sila ng masama at nagpatuloy sa ginagawa.

Nagtweet kasi si Ricci. So ayun, binaha ko ng replies baka sakaling kahit i-like niya lang yung tweet ko sa kaniya o di kaya yung nagtweet ang i-like niya. Charot!

Siyempre asang asa na naman ako. Sa dinami dami ng followers nito ni Ricci Paolo Uy Rivero, alikabok lang yata ako sa mundo nito e.

Hindi ko nga alam paano ba to nag umpisa basta nakita ko lang yung picture niya na pakalat kalat sa news feed ko tas ayun inistalk ko siya. Tas andito na ako ngayon.

Magt-three years na akong hopia sa kaniya. Diba ang galing? Ang consistent ng ate mo. Nakakaloka.

Ang masaklap pa 'dun hindi ako makanood ng games nila live kasi taga Laguna pa ako. Ang layo layo tsaka hindi naman ako pinapayagan nila mama.

Kung titignan ang summary ng fangirling life ko, andun ako sa mga hopia pa rin.

But looking at the brighter side of things, napapansin naman ako nila Kuya JV at Kuya Rasheed sa twitter. Like ng mga tweets ko sa kanila ganon. Siyempre solve na solve na ako don! Hahangad pa ba ng iba? Ayos na 'yun.

Kaya lang talaga may isang hindi pa talaga napansin sa akin.

Siyempre si Ricci. Hmp.

Tatlong taon ko na siyang tinu-tweet ng "Good morning! Have a great day ahead. Smile always! :)" at Goodnight tweets. Parang jowa na nga e. Kaya lang wala talaga, kahit like ganon.

Kinagabihan ay ginawa ko ang mga bagay na nasanay na akong gawin for three years. Ang itweet siya ng goodnight. I mean, sila. Nakasanayan lang. Kahit hindi mapansin, ayos lang. Na-immune na yata ako sa rejections at sa kakaasa.

Ginisinh kaming lahat nila mama umagang umaga. Aalis daw kami. Hindi ko alam kung saan ang punta pero magbihis daw ng maayos at maganda.

Medjo naging busy kasi sila ni Daddy lately sa work kaya bihira na kami lumabas. Kasama yata si Kuya Rich. Isa pa 'yon e.

Simula noong nagtrabaho na siya sa firm nila Daddy ay hindi ko na rin makausap. Nakakabulok sa bahay lalo na nung summer pero dahil may pasok na, ayos lang. At dagdag stress na rin dahil sa schoolworks pero kakayanin naman.

Noong nabalitaan ko na sa Alabang kami pupunta parang nabuhayan ang dugo ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi minsan nagagawi sa Alabang sila Ricci? Tsaka iba aura ng mga tao doon.

Kaya naman kada aalis kami naiisip ko na makikita ko mga idol ko. Na hindi lang hanggang sa phone screen ko sila makikita o di kaya sa tv. Hopia na naman diba.

Sorry not sorry pero ganon talaga eh. Mahirap yata talaga kapag naattach ka na ng bongga. And i can say the hardest part of fangirling is being on the sidelines.

The Epitome Of MeWhere stories live. Discover now