20

223 2 0
                                    

Paano kung isang araw magbago ang lahat? Gaya ng flavor ng ice cream na lagi mong kinakain. Dati ayaw na ayaw mo sa chocolates tapos ngayon ayaw mo na ng ibang flavor bukod sa chocolates. O 'di kaya naman sa pizza na laging mong kinakain. From Hawaiian to Pepperoni. Madaming pwedeng magbago. Some just like the snap of a finger everything can turn upside down.

"Sure ka? Ayaw mo na ng fries tapos gusto mo na ng pizza??"

Tumango ako. Change huh?

Tulad nalang ng nararamdaman 'ko. One day I want it the next time I don't.  Sabi nga nila, Wanting something now won't mean you'll want it forever.

Saan nagsimula? Sa picture ni Ricci na nakita ko kanina sa timeline 'ko. Sakto online siya, pwede 'ko siyang kausapin pero hindi 'ko ginawa. Hindi 'ko alam kung bakit. Yung wala nang lakas ng kabog ng puso sa tuwing makikita ko yung pangalan niya. 'Di kaya naman yung simpleng pagtweet niya lang. Dati parang aatakihin ako sa puso sa tuwing maabutan 'ko siyang online.

May nag iba eh. Hindi 'ko alam kung matatanggap 'ko ba. Kasi parang ang hirap i-let go ni Ricci at nung mga nararamdam 'ko para sa kanya.

"Mukhang mas malalim pa sa dagat ang iniisip mo ah."

Nilingon 'ko si Juliane na kumakain. Na naman. Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa room. Para sa huling klase kay Ms. Alison.

Nagulat kami nang nag announce na ng day of presentation si Ms. Alison regarding her questions na matagal as in sobrang tagal bago niya ipapresent. Sakto naman na matatapos na ang school year na ito.

Ang buong akala 'ko ay magiging mababaw lang ang aming mga sagot. Dahil ano bang alam namin sa Love diba? Pati na rin yung nakapaghanda yung mga kaklase ko ng kaniya-kaniyang sagot. Parang mga nobela pa!

Expect the unexpected huh?

Nagsimulang tawagin ni Ms. Alison ang mga lalaki. Aleigh came first. He walked to the front then pulled out a piece of paper na naglalaman ng sagot niya.

"How do we know that it is love?" 'Yan daw ang pangunahing tanong na kailangang sagutin.

"It is love when, all you see is nothing but her. Kapag siya laging gumugulo sa isip mo." That was the highlight of Aleigh's answer na siyang tumatak sa amin.

"You'll know when it is love when you hate her for no reason why. But you still wanted the moments na magkasama kayo. Contradicting lang ba." Dev got me shookt. Malay ko ba na banyan kalalim ang words of wisdom niya.

Tumayo ako nang ako na ang tawagin. Huminga ako ng malalim bago nagsalita.

"Some say, love is when everything turns slow at siya lang yung nakikita mo the first time you met him or her." Bumuntong hininga ako bago nagpatuloy. "Love is when sa kanya na umiikot yung mundo mo. Pero for me, love has no definition. It has no meaning. Only us, only you can describe what it is. From what you feel."

---

Tatlong sunod sunod na araw hindi ako makalabas ng bahay.  Kung kailan naman malapit na yung bakasyon saka naman ako nagkakaganito.

Buti na lang medjo okay na ako. Hindi tulad nung una na hindi ako makahinga tapos sobrang taas pa ng lagnat ko.

Papunta kami ngayon sa condo para ayusin yung mga gamit dun. Dun kasi kami mags-stay ni Rich. Tsaka may dinner daw kasama sila Ricci bago magstart yung basketball season ng UAAP. Lulubus lubusin na daw nila yung nakakalabas labas pa sila.

Tsaka ko lang naisip na hindi pala kami gaanong nakakapag usap ni Ricci nung mga nakaraang araw.

Sa isang restaurant slash bar kami nagpunta. Dun na lang daw magkikita kita. Kasama ko si Juliane tapos akala ko naman may ibang lakad si Rich. Yun naman pala sasama din sa amin.

The Epitome Of MeWhere stories live. Discover now