17

269 3 0
                                    

Kinulbit ako ni Juliane kaya napalingon ako sa kanya. Ayan na naman siya sa mga pakulbit kulbit niya.

"May pogi, lingon ka."

Lumingon ako. Nakita ko sila Ricci nakaupo. Nagkatitigan kami pero saglit lang. Hindi ko nga alam kung sakin ba talaga siya nakatingin o naimagine ko lang 'yun.

"Geh tama yan." Inirapan ko siya.

Hindi ko siya pinansin ng magsimulang tumugtog yung banda sa harap. Sila yung laging nagpeperform dito. Kaya dumadami yung customers dito sa resto gawa nila tsaka ni kuyang nags-spoken word poetry.

Magaalasais pa lang kaya konti pa lang yung tao tsaka Friday ngayon. Buti nga at pinayagan kaming pumunta pa dito sa Makati dahil naka break kami sa school ngayon. Buti na lang. Pagod na ako eh.

Napalingon ako sa gawi nila ng magtawanan sila. It's been a week simula nung huli ko siyang nakita at nakausap. Nung retreat pa yung huli tapos hindi pa naging malinaw yung usapan namin.

Tinignan ko si Juliane na busy sa phone niya. Parang lagi na ngang may kausap eh. Ayaw naman niyang sabihin sakin.

"Labas lang ako." Paalam ko na magpapahangin lang. Tapos... Tapos... Nagulat ako kasi paglabas 'ko. May lalaking nakahood na gumulat sa akin.

"Kyah pembarya kyah," Napatalon talaga ako at siguro natural na sa akin ang manghampas 'pag nagugulat. Kaya naman nahampas ko siya sa mukha kaya naalis yung hoodie na nakaharang sa mukha niya.

"Gago ka ba?!" Napasigaw ako dahil leche siya! Lakas talaga manggulat kahit kelan.

Tumawa siya ng malakas. Nakakahiya! Hindi ako sure ah pero parang narinig ko yung binulong niya habang naglalakad ako palayo sa kanya. "Cute mo kaya."

Shit ka talaga Ricci. Bahala ka sa buhay mo.

Dala yung cupcake na kinakain ko sa loob kanina dumeretso ako sa mga upuan sa labas. Makikita mo mula dito yung city view ng buong lugar. Ang ganda niya. Aakalain mo nga namang kahit gaano kapolluted ang hangin sa Maynila ay may ganitong ganda pala.

Napalingon ako sa kumuha nung cupcake sa kamay ko at isinubo iyon sa bibig niya. Bastos talaga.

Ngumiti siya bago ibinalik yung cupcake. Buti naman at naisipan niya akong tirhan. Habang inuubos ko yung cupcake na kinagatan niya. Which means ma laway na niya. Slight eww. Bigla niyang nilapit yung kamay niya sa bibig 'ko at pinunasan yung icing na nasa gilid.

"Namiss kita." Napanganga ako ng slight lang. Baka kasi may pumasok na langaw sa bibig ko 'pag super nganga naman ako.

"Oh? Geh." Tumawa ako ng onti. Ang cute niya lang kasi kapag binabara ko siya. Hindi ko din alam kung bakit.

Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko ng mag-vibrate ito. Pagbukas ko nakita ko yung text ni Juliane sa akin. Siguro nagtataka kung nasaan na ako.

Juliane

Hoy. Nasan ka na? Baka humarot ka na ah nawawala din yung isa.

Nag reply din naman ako.

To Juliane

Busy. Nakain dito sa labas.

Hindi na siya nagreply ulit.

Pilit namang sinisilip ni Ricci yung phone ko kaya nilalayo ko ito sa kanya. Ano siya? Chicks?

The Epitome Of MeWhere stories live. Discover now