Truly, God's plans were far better than my will. Hindi ko sukat akalain na aabot ako sa ganito. Before, i just dreamed of getting noticed by him. I never dreamed of having him.
Which i guess was so much better.
A sudden movement made me woke up. Hindi ko agad naimulat ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin. But i see his face staring directly at me.
Ilang segundo ang lumipas para makita ko siya ng malinaw. Then i saw a tear fell of his cheeks. Kumunot ang noo ko dahil doon. Hinawakan ko ang pisngi niya at pinalis ang mga luha.
"Naiyak ka ba?" Umiling siya.
He chuckled a bit before helping me get up. Inayos ko ang pagkakalagay ng oxygen mask ko. At nakita ko siya na pinupunasan ang mga luha niya.
Luh. Anong nangyari sa kaniya?
"Uy. Okay ka lang ba?" He sat in front of me. He held both of my hands.
Ang sinag ng araw na tumatama sa kaniya ay tila ba kalkulado. Lahat sakto. It highlighted his facial features. His eyes. His siopao cheeks. His pouty lips. And i guess this is going to be the last morning i would wake up seeing his face first thing.
He sighed deeply making me so confused. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa kaniya. Nanatili lang siyang nakaganon. Hidni gumagalaw at nakatingin lang sa akin. Luh.
I think he's making my heart skip a beat again.
"Ang weird mo. Uy." Ako lang yung nagsasalita sa aming dalawa. He was not saying a single word. Nakatingin lang siya sa akin!
"May dumi ba ako sa mukha?" Shocks. Baka may kulangot akong nakalabas. O di kaya panis na laway! Yuck! Hala.
Kinapa ko yung mukha ko sa pag asang walang kahit anong dumi sa mukha ko. Gosh. Nakakahiya.
"Wala." He laughed a bit. Finally! Nagsalita rin siya!
"I'm just memorizing your face. So that i won't forget every single bit of it." He said.
"Kahit yung acne ko?" Bwisit! May pimple kasi ako sa may noo. Nakakainis naman oh. Ngayon niya pa naisipan mag ganiyan. Kung kelan may lumitaw na pimple. Argh!
"Kahit yung acne mo." He smiled.
Naramdaman kong nag init ang pisngi ko. He cupped my cheeks. Mukhang nanggigigil na naman siya.
"Namumula ka na oh." His smile was wider. "Kinilig ka ba?"
Luh parang sira 'to. Kainis.
We heard a knock on the open door and we both looked who is it. Si Kuya Rich! Hala! Nakita niya kaming naka ganoon? Nakakahiya. Ang sarap magpalamon sa lupa.
"Breakfast is ready." The way he said that was his usual voice. Cold and calm. Agad din siyang umalis. Parang hindi niya kami nakita.
Mas lalo yata akong namula dahil doon. Nakakahiya kay Kuya!
Tumayo si Ricci at inalalayan ako palabas ng kwarto. Wala si Juliane. She left early daw. Tinawagan ni Jacob. Mukhang may aasikasuhin.
We started eating breakfast and no one was saying a word. Sobrang awkard. Eto yung mga panahong sana andito si Juliane. To break the ice.
"I'll be back by dinner. I have plans for today." Kuya Rich left afterwards. Kaming dalawa lang ang naiwan dito.
Nanatili kami sa sala at nanonood lang ng tv. Kumakain. Ang simple pero yung puso ko parang sasabog sa saya. Na biglang malulungkot kapag naiisip ko na aalis siya. Ang roller coaster.
YOU ARE READING
The Epitome Of Me
FanfictionI met the love of my life today. I met fans today. He smiled at me. They were sweet. We took a picture. I took a lot of pictures. I hugged him. So many of them were hugging me. I told him he was my world. Some of them say nice things. I wanted to b...