12

312 4 0
                                    

Saturday morning, maaga kaming nagising— I mean sila. It took me up to thirty minutes to fix myself and they were so annoyed. Hindi ko daw ba kayang bilisan yung pagkilos ko. Pagkagising ko ay andun na silang lahat sa bahay. I was about to sit with Mom and Dad frmor breakfast nang bigla nila akong hilahin. Matatraffic na daw kami kung kakain pa ako. Nagpaalam na din kami kila Mama and good thing andyan si Juliane, she already packed my clothes and its already in the car.

Malaki naman yung sasakyan ni Rich kaya nagkasya kaming lima. Rich was driving and Juliane was on the front seat. Ipapasunod nalang daw ni Shie yung sasakyan niya sa driver mamaya para daw pag uwi hindi na hassle kay Rich maghatid sa kanila. They were neighbors and kami lang ni Juliane yung nahiwalay sa kanila.

We dropped by a fast good chain to eat. Hindi ko nga alam kung bakit nagmamadali talaga sila. Kakain din naman kami mamaya, sumama lang kasi talaga sila para maggala tsaka kumain.

I told Ricci that we'll be visiting Riley today and he said na sabihan ko lang daw siya kung anong oras. And I don't know kung saan sila nakatira, Bahala na mamaya.

Nasa express way pa lang kame and the travel to Manila was smooth. Hindi gaanong traffic dahil umaga pa lang. Pinalakasan ko kay Juliane yung stereo dahil gusto ko na may music habang nabyahe.

Ilang oras pa nang tawanan, asaran at kung ano ano ang lumipas bago kami makarating sa condo ni Tita. It was big enough for all of us. Si Rich naman dun ata sa bahay nila matutulog. Buti nga hindi nagtatampo si Tita dito eh, hindi kasi kadalasang umuuwi sa kanila tapos lagi pang nasa amin.

First time kasi nila Shie kaya dali dali nilang inikot yung buong unit. Para ngang bahay na ito eh. Well this building is high end kaya mahahalata mo na mayaman lang talaga ang makakakuha ng mga ganito.

Up until now hindi pa ako nasasanay sa mga mamahalin, high end or anything na marangya. Kahit ba na malaki naman ang kinikita nila Papa hindi naman kami yung tipong nagsusumigaw ng karangyaan kapag nakikita mo. We just love being simple.

Tsaka sabi nila mama, matutong makuntento sa mga bagay na meron ka. We should collect memories not things, kaya tuwing magbabakasyon kami lagi lang travel kasi daw mas mahalaga yung mga memories, moments na magagawa mo kasama ang mga taong mahal mo kaysa sa mga materyal na bagay na makukuha. Because in the end when we die, hindi naman natin masasama yung mga materyal na bagay na meron tayo. Only those things in our hearts will remain, and that's memories with the people we love.

"Mall muna tayo tapos bukas punta tayo dun sa resto bar sa Makati. Kelan niyo pala pupuntahan si Riley?"

I looked at Juliane. Siguro magma-mall muna kami tapos nun saka na namin pupuntahan si Riley. Isa pa we need to buy him a gift. We promised.

Magtatanghali na nang umalis kami. They were all so exhausted. Yung driver na ni Tita yung pinag drive namin. Hindi na rin naman sumama si Rich dahil may aasikasuhin pang kung ano. We were all minors kaya hindi pwede na isa sa amin ang magdrive. Rich said na susunod daw siya after an hour or two. Kikitain na rin daw niya si Ate Yan doon.

"Tingin mo magugustuhan ni Riley?" Shie asked me. She suggested na itong ice cream cake tapos mga candies, chocolates na naka box yung ibigay namin. Bundle kasi 'to sa isang shop kaya ito na lang yung binili namin.

"Yes. As long as it's food."

Bumili din kame ng mga pendants, bracelets sa isang bazaar para sa amin tsaka kila Tita Abi. Lahat naman sila bibigyan namin eh, it was Mom's idea kaya binigyan ako ng pera. May sarili naman akong pera pero mas madami yung binigay ni Mommy eh mura lang naman yung mga binili namin.

Ate Yna came at lunch nasa food court kami. We are eating Korean food dahil bigla kaming nag crave ni Juliane. We can be random at times. Wala pa din si Kuya Rich sabagay I know he's busy.

The Epitome Of MeWhere stories live. Discover now