Since we're now on our senior year as high school students. I took an exam para makapasok sa mga schools sa Manila. Naghihintay na lang ako sa results kung makakapasok ba ako o hindi. Pero one thing's for sure. It'll either be La Salle or Ateneo.
This maybe my last year here kung tuluyan na nga akong sa Manila mag-aaral.
Nakaschedule ako ngayong pumunta sa La Salle. Hindi para makita sila Ricci pero para sa final interview ng mga naga-apply na student manager ng Green Archers.
Kasama si Juliane siyempre. Wala nga lang si Rich dahil busy daw. Ewan 'ko ba don. Mabilis ang naging byahe at nakarating agad kami ng Taft.
Naligaw pa nga yata kami kakahanap 'dun sa building na pagiinterviewhan. Kung pwede lang waze dito ginawa 'ko na. Sobrang laki kasi!
Sumama yung magjowa ni Ricci at Brent dahil baka daw maligaw kami. Tama sila, pero nakakaloka eto na naman tayo sa issues dahil may kasama na naman yung dalawa.
Pagkarating namin dun sa office. May nga nakapila pa na hindi pa yata naiinterview. Yung iba nga halos kiligin pa nung makita sila Ricci. Akala yata nila isa sila sa mga magiinterview. Medjo nanlumo naman yung itsura nila nang umupo sa tabi 'ko si Ricci.
Kinakabahan ako. Pakiramdam ko lalabas yung puso ko sa rib cage ko. Hindi ako mapakali. Nakakaloka! Ano ba 'tong pinasok ko?!
"Chill." He patted my shoulders." You can do it!" He cheered for me. Umacting pa siya nang parang cheer leader ko siya.
"Tumigil ka nga Ricci! Bakit ka ba nandito?" I sighed. Kinakabahan talaga ako!
"Siyempre susuportahan ka." Nanliit yung mga mata ko sa kanya. "Kinilig ka na naman eh. Sinasabi ko na nga ba."
Bigla namang umupo si Brent sa kabilang gilid ko. Itong mag jowang 'to eh. Hindi kaya sila magtabi no? Nagmumukha akong MH eh.
Feeling 'ko din mapupunit na yung labi ko kakakagat ko dahil sobrang kinakabahan na talaga ako! Hindi ko na din mabilang kung ilang beses ko nang nasabi yung "kinakabahan ako!".
"I like it when you bite your lips more," Nilingon ko si Ricci sa tabi ko. May sakit ba siya? Baka may nakain 'to.
"H-ha?" Siyempre traydor yung puso ko imbis na lalong kabahan dahil ako na ata yung susunod. Kinilig naman. Bwisit talaga!
"Hindi ka nagmumukhang anemic. Ang putla putla mo kasi eh! Diba Brent?"
Tignan mo! Ang ganda na nung banat niya nung una eh. Manlalait pa pala sa dulo. Sinamaan ko siya ng tingin. Nakakainis eh!
"Kyle sigurado ka bang kumain ka na? Baka biglang mag collapse ka nalang dun sa loob," Ani Brent. "Pwede namang sa susunod ka nalang interviewhin."
"Ano ka ba! Sayang pang gas papunta dito. Okay lang talaga ako." Nag sign pa ako ng promise dahil baka hindi maniwala yung dalawa sa sobrang paranoid.
"Edi ihahatid ka namin." Pinilit ko sila na maniwala. Kung ano ano pa kasi naiisip!
"Sige. Aabangan ka nalang namin dito baka kasi mag collapse ka talaga. Ang putla mo eh."
Isa pa talaga Ricci! Tignan mo! Jackpot ka na sa akin eh.
"Ang issue niyo dahil maputla ako ano?" Iniwan ko sila dun sa sofa dahil tinawag na ako sa loob.
Ngumiti ako at nagsimula nang mag interview. Kahit sobrang kinakabahan ako nasagot ko naman ng maayos yung mga tanong nila. Prepared kaya ako! Tsaka hindi naman sila nakaka pressure na magtanong. Nagjo-joke pa nga eh. Sila kasi yung mga lumang Student Managers ng Green Archers dati kaya medjo kilala ko sila.
YOU ARE READING
The Epitome Of Me
FanfictionI met the love of my life today. I met fans today. He smiled at me. They were sweet. We took a picture. I took a lot of pictures. I hugged him. So many of them were hugging me. I told him he was my world. Some of them say nice things. I wanted to b...