Gaya ng sabi nila, you don't make decisions when you are angry, sad, or even happy. Para walang regrets kung bakit ginawa mo iyon. I guess that was true. I was regretting being an open book.
Its been almost a week simula nung opening party. And I felt like may pinagtataguan ako. Ang hirap nga e, magkaklase pa naman kami!
Tch, stupid.
"So, sino magkakatabi?" Juliane said. Pasakay kami ng school bus papunta sa retreat house somewhere in Batangas. Dahil uneven kami nagkasundo na lang kami na unahan nalang kung sino magkakatabi.
Balita 'ko din na may kasabay kami na school sa retreat. I'm not sure kung anong school at kung ka-grade level ba namin. Hindi 'ko na lang pinansin dahil feeling 'ko lalagnatin ako. Bwiset.
Para akong nanalalamig na naiinitan. Bad trip talaga. It was not the good time to get sick. Dapat mag eenjoy ako sa retreat tapos ganito.
I sighed. Pilit kong pinipigilan ang tuluyang pagsakit ng ulo 'ko. Although feeling 'ko medjo mainit na ako. Putek, hindi ko talaga maisip na sa sobrang hot ko literal na nagiinit na yung katawan ko.
Dahil medjo hindi maganda yung pakiramdam 'ko nahuli ako sa pag akyat sa bus. Ang ending wala akong katabi ni isa sa kanila. Nasa may gitnang part kami ng bus. Nagkasundo kami na magkakalinya na lang kami.
Paupo na sana ako nang makita ko si Dev three seats away from me. Sobrang swerte naman. Nag iwas agad ako ng tingin nang magtama ang paningin namin. Ewan 'ko ba. Parang nawala na ng tuluyan yung pride 'ko dahil dun sa nangyari nung opening party.
Mas lalo pang sumakit yung ulo ko ng naisip ko 'yun. Ano ba yan! I closed my eyes and tried to sleep habang naghihintay. But I failed. Nagising din agad ako nang nagsisigawan yung mga kaklase 'ko sa bus.
"Ma'am! Sino ba yung hinihintay natin? Kanina pa eh, 'pag tayo nahuli." Aleigh shouted. Gosh, Aleigh talaga sobrang lakas ng boses.
"Yung mga students nga ng La Salle, hindi ba't sinabi ko sa inyo na kasabay natin sila?"
My eyes lit up ng narinig ko yung 'La Salle'. Shit, totoo? Bakit parang feeling 'ko nawawala na yung sakit ng ulo 'ko. I decided to go back to sleep after that.
Naramdaman ko na lang na may tumabi sa akin kaya naalimpungatan ako. Nanliliit ang mga mata kong sinilip kung sino ba iyon. Laking gulat ko na lang na si Ricci na pala 'yon!
Umayos ako ng upo habang inaayos niya yung mga gamit niya. He settled down while plugging in his earphones. Bad trip. Nakalimutan ko pala yung earphones ko. But it seemed like he knew just what to do.
Kasabay ng buntong hininga niya ang pagtugtog ng Middle sa phone niya. Everyone else was falling asleep kaya hindi kami gaano napansin.
Halos makatulog ako sa balikat niya kung hindi niya lang napansin na medjo hindi maganda yung pakiramdam ko. Pinainom niya din ako ng gamot.
"Uhm, Thanks. Sila Brent?" Tanong ko sa kanya. He was wearing his famous pink hoodie. Lagi naman.
"Nasa kabilang bus silang lahat, ako lang yung nahiwalay.." He sounded upset. Pwede naman siyang magpalipat ah?
"Bakit hindi ka nagpalipat?" Then he stared at me. Gosh, don't you ever look at me again like that Mister Rivero.
"Okay lang, tsaka kung hindi ako andito edi hindi ka nakainom ng gamot..." Haaay nako, he made me feel na parang ang swerte swerte ko pa dahil andito siya...
"Tsk. Ang presko. Wooh!" Sabay paypay 'ko sa sarili 'ko na tila naiinitan ako.
"Akala ko ba may sakit ka? Matulog ka na nga lang. Ingay mo eh." I glared at him. But on my peripheral vision I saw Dev looking at us. Agad akong nag iwas ng tingin.
YOU ARE READING
The Epitome Of Me
FanfictionI met the love of my life today. I met fans today. He smiled at me. They were sweet. We took a picture. I took a lot of pictures. I hugged him. So many of them were hugging me. I told him he was my world. Some of them say nice things. I wanted to b...