11

271 2 0
                                    

Kyle Nicole Perez and Dev Angelo Gomez are now friends.

202 likes, 115 hearts, 10 sad

I woke up from that. And this.

Juliane Altamirano : Hoy! Ano 'to. Tsk, tsk.

Shie Buenaventura : Kyle ang bilis mo eh!

Aleigh Ruiz : Kuya takbo!!

Kyle Nicole Perez : Nyeh nyeh, Aleigh! Shut up.

Natatawa pa din talaga ako sa mga kaibigan ko! Ang OA kasi sila din naman ah friends na sa Facebook. Masyadong big deal eh. Bakit pa kasi nauso yang friendship sa Facebook?

"Sabay ka na sakin. Nag day off si Manong may sakit yung anak niya."

I nodded at sumunod nalang kay Rich palabas ng bahay. Edi walang susundo sa amin pauwi? Sa bagay pwede naman mag commute pauwi.

"Mom will get me later, mauuna ako sa iyo umuwi ate."

Sumunod na lang ako sa gusto nilang mangyari. I guess I'll have to go alone mamaya. Hindi naman ako pwede magpasundo kay Rich at busy siya masyado. Ayoko namang makaabala pa sa kanila.

Tsaka baka gabihin din ako mamaya dahil pinatawag kaming Infinite pati yung Chivalry, yung main school publication, ng mga Admins ng school. Hindi ko lang alam kung tungkol saan yung paguusapan. Medyo nakakakaba dahil hindi naging maganda yung huling meeting namin.

"Pwede bang hindi na lang tayo pumunta? 'Pag nakikita or naririnig ko pa lang yung pangalan nung  maarteng Editor In Chief ng Chivalry kumukulo na 'yung dugo ko eh!!"

I guess everyone in school hates her. Ako medyo lang, ayoko lang makipag deal sa kanya. There are far better things na pwede kong pagtuonan ng pansin kaysa 'don sa Nikka na 'yon.

Sobrang daming tao sa auditorium. Parang mga langgam tapos ang iingay pa. Hiwa-hiwalay ang mga grupo. Mula sa mga magkakaibigan hanggang sa mga teachers.

Katabi namin sa table sila Nikka. Kaya naman badtrip agad si Juliane umagang umaga. Hindi na nga nakilos eh, nakaupo lang tapos may kung anong tinitignan sa phone niya.

Everything is set. Hinihintay na lang namin yung Go Signal ng mga teachers para magsimula nang magpa enlist yung mga students.

Kadalasan kasi yung mga napupubta sa amin yung mga walang magawa lang. Tapos sa kalagitnaan ng school year hindi na na-attend. Kaya nahihirapan na kami maghanap ng recruits.

Ang pinaka madaming sumasali ay sa Chivalry, Varsity team, Dancing at Singing club. Hindi na kami magugulat kung iilan lang ang sasali sa amin.

Tatlo lang yung nagpalista mga mukhang barumbado pa. Dalawang lalaki isang babae. Malay ba namin baka hindi 'to umattend sa meeting next week kaya hinayaan na lang namin. Babalik na sana kami sa office nang may lumapit sa amin na isang babae. Tama lang yung height, curly hair, reading glasses with her books on her hand.

"Hi!" She waved at us. Kami kami na lang yung magkakasama dahil sila Ate Rianne ay aayusin pa daw 'yung gagawing meeting mamaya.

We greeted her back. Wasted na yung mga kasama ko. Pagod na at gutom pa. Hindi naman nasayang yung efforts namin pero nag expect kasi kami na madami din yung sasali sa amin. I guess we tried our luck for today.

The Epitome Of MeWhere stories live. Discover now