"Ayos ka lang ba Kyle?" Tanong ni Juliane. Kunot noo ko siyang tinignan. She was putting her make up as I was getting my things ready."Alam mo ba kung nasan si Dev?" Tanong 'ko. Kanina ko pa siya hindi nakikita. Actually, ilang linggo na simula nung nakabalik kami ng Maynila.
"Hindi ko alam. Baka busy." 'Yan lang ang nasagot niya.
Busy? Hindi siya nagpaalam sa akin na aalis siya. Hindi niya sinabi kung saan siya pupunta. Ang huling kita 'ko pa sa kanila ay yung araw ng operasyon 'ko. Bigla bigla naman kasing nawawala eh.
Tinatawagan at tinetext ko siya pero hindi siya sumasagot. Mukhang nagpalit na ng number. Mine message ko siya sa mga social media accounts niya pero wala pa rin. Ni-seen nga wala akong natanggap eh.
Kyle Nicole Perez : Dev. Magparamdam ka naman oh.
I scrolled through my last message to him. Pero wala talaga. Kahit seen. Nakakainis siya.
"Nakakainis 'yun. Bigla biglang nawawala. Kukutusan ko talaga 'yun kapag nakita ko 'yung." Sabi 'ko.
Kinuha ko ang phone ko sa lamesa nang may tumawag. It displayed Ricci's name sa caller id.
"Game's gonna start soon. Are you coming?" Tanong niya.
Tinignan ko si Juliane at sinenyasan niya ako na tapos na siya sa kung ano mang ginagawa niya.
"Yeah. Papunta na."
Ibinaba niya ang tawag at inilagay ko ang phone ko sa bag 'ko. Pagkababa sa lobby ay sinalubong kami ni kuyang driver. Pwede naman ako na langg drive or si Juliane kaso hindi kami pinayagan ni Rich.
Nginitian ko siya at iginiya niya kami sa kung saan ang kotse. Gaya nang dati, minsan sumasama sa loob si Kuya Nestor para makanood ng laro pero minsan naman nasa labas lang siya.
"Kuya Tara na po sa loob." Ngiti kong aya sa kanya.
"Ah Mam hindi na po." Nakangiti niya akong tinanggihan. "Dito na lang po ako maghihintay sa inyo."
"Sure ka Kuya?" Tanong ni Juliane.
"Baka mabagot ka dito Kuya eh." Dagdag 'ko. Pero hindi talaga nagpatinag si Kuya at ayaw niya talaga sumama sa amin.
"Kayo na lang ho ang manood. Kailangan ko po kasing tumawag sa pamilya ko sa probinsya." Ngiti nito.
Matagal na sa amin si Mang Nestor kaya hindi na bago sa kanya ang pagsama sa amin ni Juliane. Lalo na kapag manonood ng mga laro. Kaya gustong gusto ko na si Mang Nestor ang kasama dahil hindi ka mababagot kapag kasama siya. Laging may jokes tsaka lagi siyang nakangiti.
Malaki na rin ang naitulong niya sa amin lalo na sa akin kaya sinagot na namin ang pagpapa-aral sa kaniyang anak na magkokolehiyo na sa pasukan. At dahil malayo ang eskwelahan sa probinsya nila dito na sa Maynila mag aaral yung anak niya. Tuwang tuwa si Mang Nestor noong nalaman niya. Lalo na't may makakasama na siya dito sa Maynila.
Kumaway kami ni Juliane kay Mang Nestor bago pumasok. Mag uumpisa na ang laro dahil naguumpisa nang pumasok ang mga players sa court. Kasabay noon ang pagtitilian ng mga nanonood. The crowd was divided into two colors— blue and green. Your typical Ateneo-La Salle crowd.
Kumaway ako kay Ricci nang makita siya na nag aayos sa may bench. Nginitian niya naman ako pabalik.
"Hindi mo lalapitan?" Tanong ni Juliane sa akin.
Isa isang pinakilala ang mga players. Mas lalong naghiyawan ang mga nanonood. Tumatayo at tumatalon talon rin sila kaya medyo dumadagundong sa arena.
YOU ARE READING
The Epitome Of Me
FanfictionI met the love of my life today. I met fans today. He smiled at me. They were sweet. We took a picture. I took a lot of pictures. I hugged him. So many of them were hugging me. I told him he was my world. Some of them say nice things. I wanted to b...