3

698 9 0
                                    

Lumipas ang Sabado at Linggo ng napakabilis... Buti nalang completion nalang kami ng mga grades kaya wala na gaanong gagawin.

Sumabay pa ang foundation week ng school. I'm Broke!! Panigurado lahat ng ipon ko mauubos ngayong linggo.

"I CAN SEE FREEDOM GUYS!!!" Sigaw ni Mico dahilan para lalo kaming mag ingay.

Bukod sa bazaar at puro pagkain, may mga rides din kaso ang mamahal ng tickets!!!

"This is farewell class, see you around! Enjoy your last days at school!!" Pagtatapos ng adviser namin. Hindi ko Alam kung maiiyak ba ako o ano, kasi mamimiss ko sila kahit na ang gugulo naman namin.

"Nonood kayo Night Sky Cinema mamayang gabi?" Tanong ni Shie.

"Di ako pinayagan... Kayo?" Nakakawalang gana na din naman pumunta... Umasa naman daw kasi ako.

Eto kasi yon...

Tuesday ng hapon, trip ko magpapansin kila Kuya JV. Pero halos lagi ko namang trip. Hahaha.

"King Captain!! Can I invite you at school for the activities. I know you'll have fun!!"

Kilig na kilig ako ng makita Kong typing siya. HAHAHA. And I did not expect his answer.

"If I have time..."

NALOKA AKO BES!! Wednesday morning I know that he can't make it. I saw his tweets and everything. He's very tired.

So I said something to explain that I would understand if he can't make it and asked if he would be free any other day.

Masisisi ko ba sarili ko kung aasa pa din ako?

Then I received the most heartbreaking reply in my life. HAHAHA. OA na naman eh. Pero kasi umasa ako kaya masakit. I do not blame him ha kasi ako yung umasa pa din kahit na Alam ko naman na busy siya at imposible na makapunta yon dito? Simpleng invite, punta agad??

"He can't make it..." Malungkot Kong sinabi kila Rysh. They knew na ininvite ko si Kuya JV they even expected he would really come. Pinepredict pa nga nila yung pwedeng mangyari eh.

For that day nawalan ako ng gana na iChat or magpapansin sa kahit sino. Hahaha. Ang OA ko na naman. Literal. Naka mute notifications ko sa messenger. Peaceful na nga eh. Hahaha.

And so I decided na makapunta sa concert sa gabi, Friday. Last day of school. Matutuwa ba dapat ako??

As far as I know, may rave party na magaganap sa concert. It would be fun madaming banda ang pupunta to perform.

I already bought tickets for that night. Thursday palang ha. Excited ako. Hahaha.

"Ano nang balita kay bebe JV mo??" Tanong sakin Ni Ross. Tss. Di ata sila sanay na Hindi ko pinaguusapan si Kuya JV.

"Ewan ko..." Sinabi ko yon ng Di ko sila tinitignan. They stared at me like I was lying na Hindi ko Alam kung anong meron kay Kuya JV.

"Wow, ikaw? Walang alam sa whereabouts Ni JV? That's new.." They laughed at me. Inirapan ko lang sila.

Hindi ba pwedeng break muna sa pag fafangirl? I wanna enjoy my last days at school with my friends and as much as possible not thinking about JV or even Ricci. Kahit mahirap. Huhuhu.

Gusto ko na mag Friday for the concert. At parang nagkatotoo nga. Its already Friday. 1 pm and were here at the soccer field.

"Nafifeel ko na yung party mamaya!!!!" Pasigaw na sabi Ni Shie samin. Buti nga pinayagan kaming lahat eh. Panong Di niya mafifeel eh nagseset up na ng sound system sa over sized field ng school.

The Epitome Of MeWhere stories live. Discover now