24

176 3 0
                                    


Everyone was so busy preparing for Tita Abi's surprise birthday bash. Parang eighteenth birthday niya 'yung naging style. Sobrang ganda dahil reyna ba naman ng mga Rivero, edi malamang bongga talaga.

I was admiring the whole design of their garden nang biglang may naramdaman akong papalapit sa likod ko. Nilingon ko ito at nakita si Ricci na pawis na pawis.

His white v-neck t shirt embraced his muscles. Mula sa balikat nito hanggang sa may tiyan. Oh Gods. Bakit ba ganyan 'yan? Hilig magpakita ng topless o hindi kaya ay nagsusuot ng mga damit ma nagdedepina lalo ng kanyang katawan.

Napabuntong hininga ako dahil hindi ko na ata kakayanin kapag lumapit pa lalo siya sa akin. Kahit ba na ilang beses ko na siyang nakitang topless, hindi talaga ako masasanay. Baka bigla nalang akong sumabog sa sobrang kilig kapag kaharap ko siya. Iisipin pa niya na patay na patay ako sa kanya. Feeling pa naman 'din 'yun minsan!

"You okay?" Pinunasan niya ang pawis niya sa mukha at tumabi sa gilid ko.

Onti na lang talaga ay magdidikit na yung mga katawan namin. And God knows kung gaano ako nagpipigil!

"'Wag ka ngang dumikit sa akin," Inirapan ko siya. I tried. Hindi naman kasi talaga ako marunong. "Ang lagkit lagkit mo kaya."

But instead lalo pa siyang dumikit sa akin. What the hell? Hindi mo talaga maintindihan 'tong si Ricci eh. Hindi pa ako titigilan hangga't hindi din ako nahahawaan ng kadugyotan niya. Buti na lang ay tinawag siya nila Kuya Prince na magbihis at mag ayos na dahil maya maya lang ay uuwi na sila Tita Abi at Tito Pao.

Nanlaki ang mga mata 'ko nang makita ang mga damit 'ko na nakakalat sa kama ng guest room nila Ricci. Yung mga make up naman ni Juliane ay nakaayos naman sa may lamesa.

Sa tingin ko'y kakatapos lang niyang ayusin ang kanyang sarili. She was wearing her pastel pink off shoulder dress. Bohemian kasi ang theme ng party ni Tita Abi. Hindi niya alam kaya ipinasyal siya ni Tito Pao buong araw para makapag ayos kami dito sa bahay.

Dumeretso ako sa banyo para makapaghilamos . To freshen up. Nadudugyotan pa din talaga ako kay Ricci kanina. Binilisan ko na at magrereklamo na naman si Juliane.

My hair was into a messy bun awhile ago kaya ng nilugay ko ito ay kumulot ang dulo niya. It has almost reached my waist sa sobrang haba. The natural highlights in my hair was more defined.

I looked at Juliane holding my white crop top with a rose embedded on it. Kasama nito ang shorts na plain white lang. It was okay pero inaalala ko na baka gabihin ang party kaya lalamigin ako. Labas pa naman ang tiyan ko sa suot ko.

"Okay lang yan, ano ka ba. Fashion 'yan in case hindi ka informed." She pushed with it. Sabi niya'y kumuha nalang daw ako ng cardigan kung sakaling malamig nga mamaya.

I suggested na ibraid niya yung buhok 'ko pero hindi siya pumayag. Maganda na naman daw kasi kaya hindi na tatalian. She wrapped the arm bands around our right arms na binili namin bago pa kami pumunta dito. Pati na rin yung mga parang flower crowns nilagay niya na din sa ulo namin.

I didn't know it took us an hour sa pag aayos. Niligpit pa kasi namin yung mga kalat sa kwarto kaya natagalan. Pagkalabas kasi namin ng bahay nila Ricci ay may mga bisita na sa garden. It was kept private. Iilan lang ang mga supporters nila na naandon.

We were waiting sa may kitchen to check out what food was being served. I bet these are all Tita Abi's favorites. Juliane was checking out each and every single dish.

Nanalaki ang mga mata 'ko sa isang tray ng cheesecake na may magandang design! Kung hindi ko lang talaga kaya kinuhanan 'ko na iyon.

Lalapit pa sana ako to admire its beauty and beautiful aroma when I heard Riley from my back.

The Epitome Of MeWhere stories live. Discover now