Tres

1.6K 76 2
                                    

Mula nung umalis si Master Markus ay nagsimula naman nang muli ang kakaibang panaginip ko.

Alam ko na hindi ko na makikita pa si master sa panaginip ko at hahanapin ko sya balang araw.

There was a beautiful woman who was sleeping in darkness. Hirap na hirap akong lapitan ito dahil lumalayo ito ng kusa. Noong una takot na takot ako sa dilim hanggang sa nakasananyan ko na. Dahil siguro sa naging training ko at naging matapang ako.

Lahat kasi bumalik sa isip at alaala ko kung paano ako lumaban at lahat.

"Please save her.." narinig kong boses. Mula sa kaliwa ko ay may isang napakagandang babae na tila ay nakakulong.

"Sino ka?" tanong ko.

"Hindi mo nanaisin na makilala ako, pero iligtas mo siya." turo niya sa babaeng natutulog. "Wag mong hayaan na kainin siya ng kadiliman.."

"Sino siya?" tanong ko.

"A powerful Astor...my astor.." sabi ng babae at bigla siyang nawala. Pilit akong lumalapit sa babaeng nakahiga pero napakahirap parang may harang. Hindi ko alam kung paano ko siya ililigtas. Sa tuwing malapit na ako sa kanya saka ako nagigising.

Lumipas pa ang araw, linggo at buwan. Nakapagtapos na ako ng pag aaral at hindi na muling bumisita si master sa aking panaginip hanggang sa halos makalimutan ko na ito. Subalit lagi ko paring napapanaginipan yong magandang babae sa kadiliman na kahit anong gawin kong paglapit at hindi ko magawang malapitan man lang.

I need to save that woman.. Yon ang bagay na nasa isip ko nung panahong nakita ko siya. I really need to save her..

"Hi!" bati ko sa kanya. "Andito nanaman ako sa mundo mo. Hindi ka parin ba gigising?" natatawa ako dahil kinakausap ko ang tulog na babae.

"Si Sleeping Beauty ka ba?" natatawa kong sabi dito. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ako sa kanya at mas nakita ko ang maganda niyang mukha. "Ay ang ganda mo nga. Kaso bakit tulog ka lang?" Naupo ako sa baba ng kama na hinihigaan niya. Niyakap ko ang tuhod ko. "Lagi nalang akong nandito, ano ba ang dapat kong gawin? Naaawa ako sa kalagayan mo pero hindi ko naman alam ang gagawin. Paano kita magigising? Alam mo ba gusto kitang tulungan? Hindi ko alam kong bakit pero yon ang gustong mangyari nito." sabi ko dito habang nakaturo sa puso ko.

"Ilang buwan na bang ganito ang panaginip ko? Dalawang buwan na ba o tatlo? Ang weird nga eh.. Sino ka ba talaga?"

Maya maya nagulat nalang ako sa liwanag at nasa harapan ko ang isang Sycthe. Napakaganda nito at nakakamangha. Malaki din ito. Naaalala ko ganitong armas ang pinagsasanayan ko.

Paghawak ko dito at sobrang kinilabutan ako. Pakiramdam ko ay missing part ng buhay ko ang sycthe na ito na para bang ang saya ko na nahawakan ko ito.

"HWAG MO YANG HAWAKAN!" narinig kong boses ng babae at paglingon ko ay nakita ko ang babaeng tulog na masamang nakatingin sa akin.

"Mabuti at nagising ka na!" masaya kong sabi dito. Hindi ko alam na kahit sa kabila ng nakakatakot niyang itsura ay hindi ako natatakot, bagkus masaya ako na nagising siya. Ang mga mata niya na tila ay ginto at para siyang isang dyosa.

"Sinabi kong hwag mong hawakan yan!" galit na sigaw niya. "Wala kang karapatang hawakan ang Legendary Sycthe! Si Moriyah lang ang may karapatan diyan!"

"Si Moriyah? Dba matagal na siyang nawawala?" sagot ko dito at halata sa mukha niya ang pagkalungkot. "Alam mo bang ako ang magliligtas sa kanya?"

Tumingin siya sa akin at para bang iniinsulto ako ng mga titig niya.

"Ikaw? nagpapatawa ka ba? Mukha ka lang mahinang nilalang!" kasabay nun ay pagtawa niya at napuna ko na may pangil siya pero hindi naman siya maputla para masabi ko na isa siyang bampira.

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon