Trenta Y Dos

1.2K 78 27
                                    






"Magalit ka pa Zella." nakangising sabi ni Keila habang sinasangga ang bawat atake ko. Hindi ako makapaniwala sa lakas niya. Hindi nga siya si Keila.

"Ibalik mo si Keila!" Sigaw ko sa kanya. Ibang nilalang ang nakikita ko gamit ang soul eye.

"Ako ang tunay na Keila at wag mong hanapin ang wala!" sigaw na ganti niya kasabay ang pagsugod. Ang lakas ng espada niya.

Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ang kakaibang lakas na mayroon ako ngayon, pero sa totoo lang hindi ko gusto ang bumabalot na itim na aura mula sa akin. Nakita ko si Rin na sinusubukang pagalingin ang sila Calixta habang si Deo naman ay tinutulungan si Ancient.

Maya maya ay siyang may mga dumating na kalaban. Ang lupon ng ama ni Moriyah.

"Napakatagal nyo!" angil ni Keila sa kanila.

"Patawad mahal na princesa, may pumigil sa amin sa daan." Napansin ko na sugatan sila at halatang galing sa laban. "Mga Asturkin na wala na ngayon."

"Hindi kami papayag na hindi masaksihan ang pagbabalik ng Hari. Mukhang malaki ang nagawa ng lason na nakuha ko mula sa Abycus." Ngisi ng ama ni Moriyah. Tiningala niya ang pinanggagalingan ni Moriyah at malapit nang magbukas ang portal.

Kaya pala, nilason sila. Kaya pala ganon nalang ang panghihina ng mga kasama ko.

"Keila! Bumalik ka na!" Sigaw ko sa kanya kasunod ng pagsugod.

"Sinabing ako ang tunay na Keila!" Galit na sigaw nito at malakas na sumugod sa akin. Naging pistol ang espada nyang hawak at hindi ko yon inaasahan at tumama sa dibdib ko.

Ramdam ko ang kakaibang kirot.

"Ate!" sigaw ni Rin at Deo. Sinipa ako ni Keila at tumalsik ako papunta sa isang puno. Sumuka ako ng dugo. Kakaibang sakit, parang nanunuot sa ugat ko.

Sumugod si Rin at Deo kay Keila pero lumusob sa kanila ang kampon ng ama ni Moriyah.

Papalapit sa akin si Keila at hinawakan ako sa mukha gamit ang isang kamay.

"Nakakaawa ka naman." ngisi niya sa akin. Tinutok nya sa akin ang pistol niya. "Paalam na, Zella.. dito na magtatapos ang paghihirap mo."

Katapusan ko na nga ba? Hanggang dito nalang ba? Napatingin ako kay Deo at Rin, Astor ko pa sila, kung mamamatay ako, paano sila? May makakatanggal ba sa kanila bilang Astor ko?

"Keila, pakiusap, bumalik ka na. Alam ko na naririnig mo ako." tumulo ang luha ko. "Keila, kaibigan kita, ikaw ang una kong naging kaibigan dito. Pakiusap, bumalik ka na."

"Sinabing ako ang tunay Keila!" Sigaw nito at pinagsisipa ako. "Napipikon na ako sa iyo!" Muli nyang tinutok ang pistol sa akin. Hinawakan ang pistol niya. "Purify.." hirap kong sabi.

"Walang magagawa yan! Puno ka na ng galit at hindi mo na magagamit pa ang kapangyarihan ng mga anghel!"

"Rin, Deo.. Re-" putol kong sabi nang plano ko na silang irelease bilang Astor ko, pero nanlaki ang mata ko at natigilan sa pangyayari. Napaluhod si Keila.

"Patawarin mo ako Princesa, kailangan kong gawin ito." Tumulo ang luha sa mga mata ng Astor ni Keila. Gamit ang punting punyal, sinaksak si Keila.

"Paano kang nakawala?" hirap na sabi ni Keila.

"Patawad Princesa.. hindi kita nagawang protektahan. Hindi ko natanggal ang demonyo sa katauhan mo. Patawarin mo ako, wala akong silbing Astor mo." Saka rin niya sinaksak ang sarili gamit ang puting punyal.

Nanlaki ang mata ko. Ang punyal na yon ay ang bond nila sa isa't isa.

"Lapastangan ka.." hinang hinang sabi ni Keila at tuluyan ng bumagsak. Sinalo siya ng kanyang Astor na nakikita kong nahihirapan narin.

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon