Bente Tres

1.1K 61 4
                                    


At dahil sa mga sundo ko ay napaaga ang pagbabalik ko sa Asturka. Mabuti nalang nasulit ko ang mga oras na kasama ko ang pamilya ko. Hindi ko maipaliwanag pero pakiramdam ko..matatagalan akong makabalik at hindi mawala sa isip ko na baka..

Mamatay ako..

Hindi ako takot mawala o mamatay pero ang iniisip ko paano ang pamilya ko. Sabihin na natin na nasecure ko na ang mga pangangalingan nila pero paano nila malalaman na wala na ako o namatay ako? Anong balita ang makakarating sa kanila?

Pilit kong inaalis yon sa isip ko..

Hindi ako pwedeng mamatay..

"Anong iniisip mo?" Tanong ni Calixta at pinisil ang kamay ko.

"Aah wala naman." Tipid kong sagot. Hawak parin niya ang kamay ko at hinahayaan ko nalang siya. Naka sakay kami ng eroplano papunta sa England kung nasaan ang daan. Napansin ko nalang na nakaintertwine na ang mga daliri niya sa daliri ko. Napatingin ako sa kanya at matamis akong nginitian. Sa totoo lang ang ganda ganda talaga ni Calixta, maasikaso rin siya at mabait. Bukod doon napakatapang pa niya at makisig din.

Naramdaman ko naman ang pagbagsak ng ulo ni Blue sa balikat ko. Kanina pa kasi siya tulog. Napalingon ako sa kanya at napatitig. Pareho sila ng kulay ng buhok ni Flame.. mas parang bata nga lang tingnan si Blue pero marami silang pagkakaiba. Lalo na mas tahimik si Blue.

I really wonder why she kissed me? Pero after nun hindi na kami nag usap pa. Marami akong gustong itanong pero hindi ko alam kung paano ako magtatanong sa kanya.

Habang papalapit kami sa destinasyon namin mas lumalakas ang kaba ko. Napansin ko rin ang pagseryoso sa mukha ng dalawa kong kasama. Sigurado akong nararamdaman nila yon kaya nagmadali na kami.

"Zella!" Pigil sakin ni Blue nang papasok na kami sa lagusan. Hinawakan niya agad ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya. "Dito ka lang sa tabi ko. Mapanganib."

"Ako na ang mauuna." Seryosong sabi ni Calixta at nilabas ang satria niya.

Mabilis ang bawat kilos namin at nang makarating sa bungad ng lagusan na ay nakita na namin agad ang kaguluhan. Mabilis kaming inatake ng mga kalaban at mukhang inaabangan na nila kami pero mabilis naman yong natalo ni Calixta gamit ang espada niya.

Nagmadali na kaming pumunta sa Kastilyo na kung saan nagaganap ang kaguluhan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.

Sa sentro ng kastilyo may kakaibang liwanag akong nakikita na puno ng itim na aura. Lumabas ang napakaraming halimaw habang papunta kami sa Kastilyo. Malalakas ang mga kalabang halimaw at sobrang dami nila. Nilabas na ni Blue ang satria niyang sphere at ganun din ako sa scythe ko. Malapit na kami sa kastilyo.

"Mysta! Sa Satria!" Sigaw ni Calixta nang matanaw niya na si Calixta. Lumakas ba ang sandata niya at may humarang sa amin na malaking kalaban.

"Sa sentro! Bilisan nyo mauna na kayo!" Sigaw ni Calixta. Hinila na ako agad ni Blue. Napalingon ako kay Calixta na nilalabanan ang kalaban niya.

"Ingat Calixta.."

"Blue!" Tawag ng Astor niyang si Lei na kasalukuyang pabalik din pala ng kastilyo. Nagkatitigan lang sila at tumango at pumasok na siya sa Satria ni Blue.

May humarang uli sa aming halimaw na mukhang demonyo talaga at ramdam ko na sobrang lakas niya.

Papunta sa direksyon namin si Kalix at Eiria na gamit na ang Astria nila.

"Nagkalat ang mga halimaw!" Agad na sabi ni Eiria. "Zella mabuti at nakabalik ka na.."

"Kami ang bahala dito!" Sabi ni Kalix at sumugod na sa kalaban. Tumakbo na kami uli ni Blue papunta sa kastilyo. Nang nasa entrada na kami may barrier na parang kuryente.

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon