Trenta Y Nueve

1.2K 73 5
                                    

Ilang linggo ang mabilis na lumisan. Napakatahimik ng Asturka. Sa totoo lang, hindi nakakatuwa ang ganito dahil nakakakaba sa kung ano ang pupwedeng mangyari. Noong nakaraang linggo umalis si Flame. Ang balita ko babalik siya sa Denorya sa isang dahilan na hindi ko alam. Sa pagkakatanda ko, ayaw nyang bumalik doon.

Napapikit ako sa naalala ko, yong paalis na siya at tumungo lang sa akin. Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya at dumating na ang kalesa na maghahatid sa kanya sa Denorya. Makaluma siguro ang mga gamit sa Denorya. Modern na kasi Lumiya, Desorin, at Blasteria. Sa Weilya naman para itong farm, pero sobrang ganda. Gusto kasi nila ang nature.

Kamakailan lang napansin ko na parang inaayos ang isang bahagi ng kastilyo.

"Mukhang may ikakasal." masaya kong bulong sa aking sarili. Napakaganda ng dekorasyo.

"Zella!" masayang tawag ni Calixta at Eiriah na nag uunahan pa.

"Pwede ka bang maging partner sa kasalan?" sabay nilang tanong. Nagbabangayan nanaman silang dalawa. Sa totoo lang nakakatuwa sila at alam ko naman na gusto nila ang isa't isa. In denial pa.

"Sinong ikakasal?" tanong ko.

"Si Master Markus!" sagot naman ni Henny.

"Wow! Ikakasal na pala siya."

"Oo, nakaraan ka pa nya hinahanap, pero kasi umalis ka kasama ng Diety kaya di na nya naabot ang inbitasyon mo." sabi ni Kalixta.

"Ah oo nga pala.. nagtraining kasi kami." sagot ko.

"Training nga ba?" mahalay na biro ni Eiriah at siniko naman siya ng Astor nya. "Biro lang! Ang hot naman kasi ng Diety na yon. Sabihin mo nga Zella, kumusta naman kayong dalawa?"

"Huh? Kung ano man ang iniisip nyo, mali yon." natatawang sagot ko at Inilagay ko na muna sa bulsa ko ang imbistasyon. 

"Seryoso? pero diba napagkamalan ka nyang yong kilala nya?" napapaisip na sagot naman ni Calixta.

"Oo, napagkamalan nya ako. Siguro kasi pareho kaming mortal, pero alam na niya di ako iyon at hindi rin ako reincarnation nong kilala niya." sabay sabay na kaming lumakad papunta sa dinning area. Tanghali na kasi at kakain na kami.

Habang masaya kaming kumakain, dumating naman si Moriyah. Parang mas naging okay na rin siya. Nagulat nalang ako nang lumapit sya sa akin.

"Pwede ka bang makausap." tanong niya. Bahagya akong napabuntong hininga. Ayaw ko kasi ng usapan patungkol sa Scythe.

"Uhmm. Hindi naman ito tungkol sa Scythe." bigla nyang sabi. "Hintayin kita sa may puno. Alam mo na kung saan yon." sabi niya at umalis na. Nakikiramdam lang ang mga kasama ko sa dinning area. Kumuha na uli ako ng pagkain at kumain na rin sila. May alam ba sila na hindi ko alam?

Pagkatapos kumain, nagpaalam na sila at may pupuntahan pa daw sila. Tumayo na rin ako at naisipan na pumunta sa lugar na sinasabi ni Moriyah. Nakatayo lang siya doon at nakatingin sa malayo. 

"Anong pag uusapan natin?" tanong ko.

"Uhmm.. ano kasi.. si Flame, hindi pa bumabalik mula nang umalis siya papuntang Denorya." panimula nya. "Nakakapag alala kasi."

"Paanong nakakapag alala?" tanong ko.

"Yong ama kasi ni Flame.. ayaw na ata siyang pabalikin dito. Ang masama pa noon, baka matulad ito nong dati siyang bumalik.. kinulong siya at pinarusahan sa paraang di mo magugustuhan." paliwanag niya. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Kailangan mo ba ng kasama para sunduin siya?" tanong ko.

"Hindi ako pupwedeng tumapak sa Denorya.. papatayin nila ako dahil sa Ama ko." malungkot niyang sabi. "Ikaw lang ang makakapagligtas sa kanya." 

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon