Dise otso

1.1K 66 4
                                    



Isang bagay ang napagdesisyunan ko. Uuwi na muna ako sa amin. Gusto ko munang malayo kay Flame. Isa pa namimiss ko na ang normal kong buhay. Namimiss ko ang mundo ko, ang mga magulang ko, mga kapatid at kaibigan ko. Kumusta na kaya sila? Masyado akong naging abala sa mundong ito..

The world that I am starting to love but feels like taking me for granted.

Nag manifest ako ng papel at panulat para mag iwan ng mensahe na aalis na muna ako at wag akong hanapin dahil kaya ko ang sarili ko. Tapos tineleport ko yon papunta sa kwarto ko. Siguro naman pupunta sila roon para silipin ako o baka hindi naman nila mapansin. Nagsimula na akong maglakad patungo sa dinaanan ko nung pumunta ako rito. Hindi naman na ako napapagod pang lakarin ang masukal na lugar na yon. Parang dinadala na ako ng paa. Maya maya pa ay napansin ko na yong lagusan na tila bahaghari sa aking paningin. Nang makalusot na ako sa lagusan na yon ay nasa London na ako. Sa kaliwang braso ko ay ang nga documento na kailangan ko.

"This is the real world." Bulong ko sa sarili ko. Natutuwa talaga ako sa bansang ito kaya naisipan ko na ring magliwaliw na muna dahil gusto ko ring makapunta sa lugar na ito dati pa.

Natutuwa ako kahit papaano pero hindi pa rin nawawala ang sakit sa puso ko. Madalas na sumasagi sa isip ko si Flame. I really fall in love with her. I fall inlove with a half demon woman that loves her former Asturkin.

I am so stupid! Inis na sabi ko sa isip ko dahil binigay ko sa kanya ang sarili ko. Pakiramdam ko ang laki ng pagkakamaling nagawa ko lalo pa isa siyang babae at hindi lang yon..hindi kami nabibilang sa iisang mundo.

Realization starts to hit me..

Flame and Moriyah were from the same world..at sino nga ba naman ako. Isang normal lang na tao.

Patuloy ko lamang pinapanood ang mga bagay sa paligid ko.

This is where I belong..

Pero.. sinasabi ng puso ko na mahalaga na sa akin ang Asturka at parte na ito ng buhay ko.

Kahit pa ginagamit lang nila ako.

Kumuha na ako ng airplane ticket para makauwi sa probinsiya namin. Medyo matagal tagal din ang byahe pero parang wala lang yon sa akin dahil okupado ng Asturka ang isip ko.

Namimiss ko ang dimesyon na yon... ang mga naging kaibigan ko. Naging misyon.. at si Flame.

Malalim akong napabuntong hininga. Alam ko naging unfair din ako kay Rin at Deo dahil wala naman silang kinalaman dito. Hindi ko man lang nagawang mag paalam sa kanila.

Gamit ang link namin bilang Asturkin nila at kumonekta ako sa isip nila..

"Rin, Deo.." nahihiyang tawag ko sa dalawang bata.

"Ate!" Agad nilang sagot sakin at umani na agad ako ng napakaraming tanong mula sa kanila. Kapwa sila nag aalala sa akin.

"Pagpasensyahan nyo muna si ate.. may biglaan kasi akong kailangang asikasuhin. Pero wag kayong mag alala sa akin dahil maayos lang ako." Nakangiti kong sagot at iniingitan ko na hindi nila madama anv lungkot ko. Tila nakahinga naman silang dalawa sa sinabi ko.

"Ganun ba ate.. nauunawaan namin. Pero namimiss ka na namin." Sabi ni Deo.

"Sorry talaga kids.. yaan nyo babawi ako sa susunod. Pangako." Nakangiti kong tugon.

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon