Trenta Y Siete

1K 81 8
                                    

Sa paborito kong lugar ako laging nagapapalipas ng oras. Sa ilalim ng pinakamalaking puno ako laging nakaupo at nakatingin na lamang sa kawalan. Kung saan nakakapag isip ako. Kung saan ako komportable.

Hindi ko naman kailangang maging malungkot ng ganito. May oras pa naman ako. Tatlong taon.. salamat kay Kahlee. Minsan naiisip ko na baka mas masaya kung naging normal nalang ang buhay ko. 

I should let go..

I should move on..

I should live to the fullest for the remaining years of my life.

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Laking gulat ko nang imulat ko ang aking mga mata. Nasa harap ako ng kulungan ni Auria. 

"Anong ginagawa ko rito?" gulat kong sabi. Nakamasid lang sya sa akin. Tila may gustong sabihin pero mas nanatili siyang tahimik. Minsan ko nang hiniram ang kapangyarihan nya at dahil doon ay nagamit ko ang Death Scythe. Hindi ko rin sigurado kung siya nga si Auria, naalala ko na may nawalang demonyo si Luria at tinawag nyang Auria. 

Nong sinabi ko sa kanya iyon noong panahong iyo, may sinabi siya. Kung sigurado daw ba akong siya ay si Auria at tungkol sa nawawalang alaala. Hindi maikakaila ang lakas ng kapangyarihan nya. Bahagi lang ang ginamit nya pero hindi ko maipaliwanag kung gaano ito nakakakilabot. Halos hindi kayanin ng katawan ko ang kapangyarihan na mayroon siya. Aaminin ko, nakakatakot dahil ang kapangyarihan nya ay parang nanggaling sa kadiliman.

Nakakabingi ang katahimikan. Nakatingin lamang siya sa akin. Kung ano man ang nasa isip nya ay wala akong ideya.

"Uhmm.. alam mo ba kung paano ako nakapunta rito?" tanong ko upang mabasag ang katahimikan. Malamlam ang mga mata nyang nakatingin sa akin subalit hindi siya umimik. "Salamat nga pala sa pinahiram mong kapangyarihan."

"Natutuwa ako na makita ka uli." sabi nito. "Akala ko tuluyan ka ng nawala."

"Sino ka nga bang talaga?" tanong ko sa kanya.

"Hindi mo pa rin ba naaalala ang lahat? Mukhang hindi mo maibalik ang nawawala mong memorya." siya namang sagot niya.

"Anong nawawalang alaala? Hindi ko talaga lubos maisip na may nawawala akong alaala." sagot ko at nakikita ko sa mga mata nya ang pagkadismaya.

"Alamin mo." cold nyang sagot at lumayo na sa pinto na parang rehas. Dahil sa lumayo siya ay di ko na siya makita sa dilim.

Sino nga bang talaga siya at bakit ganon siya makatingin sa akin.

"Sandali lang!" tawag ko sa kanya. Lumapit ako sa rehas na pinto. "Anong pangalan mo? Yong tunay mong pangalan. Patawad nga pala dahil akala ko ikaw yong si Auria." Laking gulat ko nang bigla siyang nasa harapan ko na siyang bigla. Parang nagteleport at hinila ako. Tumagos ako sa rehas na pinto at nakapasok sa loob ng lugar niya. Pakiramdam ko nasa ibang demensyon ako.

Kaya nya pala akong ipasok sa loob non, pero di naman nya magawang makalabas.

Nasa bisig nya ako at nakatingin kami sa mata ng isa't isa. Parang kilala ko siya. Isa kaya siya sa mga nawala sa alaala ko. Pero bakit siya nakakulong sa Scythe?

Ibubuka ko na sana ang aking bibig upang magtanong, pero hindi ko na nagawa nang halikan nya ako. Isang halik na pamilyar sa akin. Hindi ko lubos maunawaan. Wala akong lakas para itulak siya. Bumilis ang tibok ng aking puso at kusa na akong gumanti sa halik niya. Nararamdaman ko sa bawat halik nya ang pagkalungkot, pagksabik at pangungulila.. Sino ka nga bang talaga? Para akong bumalik sa nakaraan.. Isang nakaraan na sobrang malabo at siya lang ang nakikita ko. Parte sya ng kung ano mang nakaraan ko na hindi ko maalala.

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon