Kwarenta Y Dos

1.3K 75 10
                                    

Isang linggo ang mabilis na lumipas at lubha akong nababagot. Abala naman sila Rin at Deo sa mga klase nila. Napansin ko rin na iba ang kulay ng buwan ngayon. Mabigat ang aura na nakapalibot dito. Sana matapos na panahan ng dilim na tinatawag nila, dahil sa totoo lang nahihirapan din ako sa bigat na mayroon ito. Pati ang Scythe na kwentas ko ay sadyang mabigat, nagkaroon na ako ng galos pero hindi ko naman ito pwedeng tanggalin. Hindi ko rin matatanggal, maliban na lamang kung magiging Satria ito.

Sabi nila sa ikatlong araw ko makakausap si Flame, pero isang linggo na ay wala pa rin siya. Hindi rin ako pupwedeng lumabas sa kastilyo na gaya ng sabi nila ay delekado sa akin. Pasalamat na rin ako sa kwentas na binigay ni Lily dahil hindi ako naamoy ng mga halimaw. May nakasalubong ako isang beses sa may veranda ng kastilyo pero hindi naman ako nito pinansin. Siguro, kung naamoy ako nito ay sinugod na ako agad.

Isang linggo na rin ang panaginip ko sa magkasintahan na iyon.. Konektado ang bawat panaginip.. hanggang ngayon ay kusa paring tumutulo ang luha ko sa trahedya na sinapit nilang dalawa. Napakasakit ng nangyari sa kanila.

Parang sinasaksak ang puso ko sa sakit na nararamdaman lalo na ng babae. dahil ba tao siya? Tila bawat pangyayari ay totoo at sariwa. Para akong bumabalik sa nakaraan ng babae na yon sa tuwing napapanaginipan ko siya. At dahil sa bigat ng aura na nakapaligid dito sa Denorya ay sobra akong nahihirapan na huminga.

Sino nga ba naman ang hindi masasaktan sa trahedya na sinapit nila. Ang mismong tauhan ng ama pa nong taga Denorya ang pumatay sa kawawang babae. Nang maabutan nya ito ay naghihingalo na habang siya ay halatang nag aagaw buhay rin para lamang makita ang babae. 

Parang echo sa tainga ko kung paano nya tawagin ang naghihingalong babae. Bawat sakit sa pagtawag nya rito ay parang sinasaksak ang puso ko sa hinagpis. Hirap man ay pilit na inabot ng babae ang pisngi niya.

"Pakiusap.. wag.. na wag kang.." hirap nyang sabi. "babalik.. sa kadi..liman, kahit anong mangyari." 

"Hindi! Gumising ka! Wag mong ipikit ang mata mo!" buong hinagpis nyang sigaw.

"Ma..hal.. kita..." yon ang huling nyang nasabi at tuluyan na siyang nawalan ng buhay. Tila huminto rin ang tibok ng puso ko sa pagkamatay nya.

"OYESSSSAAA!" malakas na sigaw nito.

"Patay na siya, umuwi ka na!" tawag sa kanya ng isang nakakapa na nilalang. "Hindi mo maibabalik ang buhay nya, sinundo na siya."

"Pangako, hahanapin kita.. hinding hindi ako titigil hanggat hindi kita nakakasama." bulong nya sa babae at binuhat ito.

"Bitiwan mo na sya! Wala na syang buhay! Hayaan mo na siya rito!" inis na sigaw sa kanya ng nilalang.

Biglang lumakas ang aura nya na kinatakot ng nilalang na pumipigil sa kanya. Napunta siya sa isang lugar na puno ng mga bulaklak at doon nilibing ang katawan ng babae. Hindi pa man nya naililibing ng maayos ang kasintahan ay may sumaksak na sa kanya.

Pilit nyang inabot ang kamay ng kasintahan..

"Hahanapin kita.. mahal na mahal kita." hirap nyang sabi at tuluyan na siyang kinain ng kadiliman..

====================================================================

Nasa may pasilyo ako nang makasalubong si Lily. Parang galing sila sa isang paliguan.

"Zella, baka nais mong gamiting yong hotspring? Nasa dulo sa kanan, walang gumagamit ngayon doon. Mukhang kailangan mo yon, may spirit healing ang tubig na dumadaloy doon." nakangiti nyang sabi. 

"Salamat, Lily." tanging nasabi ko sa kanya nang itulak na nya ako patungo sa dereksyon na yon.

"Kung ano man ang bumabagabag sa iyo, makakapag isip ka roon."

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon