Kinse

1.2K 71 6
                                    



Magkasabay kami bumaba ni Flame sa may hall kung nasaan may nagaganap na pulong at andoon ang mga pinuno ng Blasterin at Wielya. Andoon din ang mga Asturkins at Astors. Pagpasok namin ni Flame nakatingin agad silang lahat sa amin.

Napansin ko naman na nakangiti sa akin ang lider ng taga Weilya.

"Sa wakas!" Narinig kong nagsalita siya at nagulat nalang ako na nasa harapan ko na siya. Maagap naman si Flame na humarang at tinago ako sa likuran niya. Masama niyang tiningnan ang lider ng Weilya. Napansin ko maganda ang lider na yon. Golden blond ang buhok at ang mga mata niya rin ay gold. Sakto ang kulay niya na maputi na namumula parang mestisa. Matangkad din siya na parang kasing taas ni Flame.

Nagulat ako nang parang biglang tumalsik si Flame sa may pader at di siya makagalaw.

"Flame!" Gulat kong banggit sa pangalan niya tatakbo sana ako kay Flame pero nasa harap ko na ang lider.

"Ikinagagalak kong makaharap ka Zella. Ako ang Pinuno ng Wielya.. Gastria ang aking pangalan." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng aking palad na kinagulat ko. "Narito ako para kunin ka bilang aking mate."

Halata sa lahat ang pagkagulat. Lalo na ako na hindi ko sila makuha at napakahalaga ng mate sa kanila. Sa totoo lang hindi ko gusto ang mate mate na yan. Iba kasi ang nasa isip ko.

"Layuan mo ang Asturkin ko!" Galit na sigaw ni Flame. Pilit kong inaagaw ang kamay ko pero hindi ko mabawi mula sa kanya. Bukod doon sobrang nanghihina pa ako dahil naubos lahat ng lakas ko.

"Sandali lamang! Si Zella ay hindi maaring maging sayo! Ako ang nauna! Sa akin dapag si Zella!" Biglang singit ng pinuno ng blasterin.

"Julia.. maari bang hwag kang makialam at sumingit." Cold na sabi nito. "Alam kong nais mo lang siyang makuha dahil sa amoy ng dugo niya. Pwede ba Julia, wag kang makasarili..iinumin mo lang ang dugo niya."

"Gusto ko ang nilalang na yan. Hindi lang dugo niya ang nais ko. Kakaiba siya at kahanga hanga." Madadama mo ang paghanga na sinasabi niya base sa pananalita at tingin niya sa akin. "Kaya akin siya."

"Hindi ako papayag!" Sigaw ni Gastria.

"Alam ko na nais mo lang siya dahil nalalapit na ang panahon ng pagmamate. Sigurado akong init ng katawan lang ang nais mo!" Ngisi ni Julia sa kanya.

"Nagkakamali ka dahil nais ko siyang maging kabiak!" Sigaw nito. Teka lang nawiwindang ako sa mga pangyayari.

"Bakit hindi na lamang natin ito daanin sa isang laban." Suhestiyon ni Juliet sa nag aaway na pinuno. Napatingin sila sa kanya na may ngisi sa mga labi.

"Magandang idea!" Sabay pa nilang sabi.

"Teka sandali lang." alanganin kong sabi pero para naman na hindi mahalaga ang opinyon ko.

"Hindi ako makakapayag!" Sigaw naman ni Flame na halatang galit na at mula sa pagkakadikit sa pader ay nadurog iyon at nakababa na siya.

"Dadaan muna kayo sa akin bago nyo makuha ang aking Asturkin." Kalmado pero nakakatakot ang awra na lumabas kay Flame.

Natawa lang yong dalawa.

"Hwag kang magpatawa Flame
lingid naman sa kaalaman ng lahat ang pagbaba ng kapangyarihan mo." Mayabang na sabi ng pinuno ng nga Weilya. Napatiin bagang nalang si Flame. Matagal din siyang nakulong sa Satria at nakatulog pero nararamdaman ko na sobrang lakas naman ni Flame. Pero ano ba ang pumipigil sa lakas niya? Ako bilang Asturkin niya? O pinipigil nya lang?

"Isa ka na lamang Asturkin Flame.. hindi ka na ang makapangyarihang white demon ng Denorya." Makahalugang sabi ni Julia.

"Manahimik ka dahil wala kang alam!" Inis na sabi ni Flame. "Hinding hindi nyo makukuha sakin ang Astor ko! Akin lang siya at wala kayong karapatan!" Hinila ako ni Flame papunta sa likuran nya. Ramdam ko ang lakas ni Flame. Lalapit sana ang dalawa pero napaatras sila mula sa nilalabas na aura ni Flame. Napangisi sila na parang nanghahamon.

"Mukhang maganda to." Sabi ni Gastria. "Mukang malakas ka pa rin pala. Marahil sasali ka sa laban na ito."

"Hindi dahil wala akong dapat ilaban! Akin lang si Zella!" Galit na sigaw ni Flame.

"Hindi dahil astor ka nya ay pupwede ka ng magdesisyon ng ganyan! Bakit mated na ba kayo? Hindi pa naman diba? Wala pa siyang marka mula sayo kaya pwede ko siyang ilaban. Hinahamon kita Flame at Julia!" Formal na sabi ni Gastria sa kanila. "Para makuha ang magiging mate ko na si Zella."

"Tinatanggap ko ang hamon!" Agad na segunda ni Flame.

Nanlilisik ang mga mata ni Flame sa galit sa dalawa. Hindi ko rin maintindihan ang nangyayari at hindi ko nais ang ganitong usapan. Sa tuwing magsasalita ako at parang walang bigat ang sinasabi ko na siya ng kinakainis ko.

"Sinabing hindi ako pumapayag!" Sigaw ko.

"Ano na Flame magdesisyon ka na!" Panghahamon ni Julia sa knya.

"O baka naman laban lang namin ni Julia ito." Sabi naman ni Gastria.

"Walang labanang magaganap!" Inis na sabi ko. Pero hindi nanaman ako pinansin.

"Sigurado naman ako na ako ang mananalo!" Pagmamayabang ni Gastria.

"Wag kang kampanter Gastria." Mayabang na sabi ni Julia.

Sa inis ko ay di ko na kaya.

"Sinabing walang magmamay ari sa akin!" Inis na sigaw ko at nagtawanan lang sila na parang hindi mahalaga ang kahit anong sinasabi at opinyon ko. Si Flame naman hindi na makapag salita na mas kinainis ko.

"Hindi ako isang bagay na pwedeng angkinin!" Kalmado pero may diin ang bawat salita ko. Alam ko na naglalabas na ako ng awra dahil napansin ko ang atensyon nila sa akin at natahimik sila.

"Ako si Zella ng Lumiya at walang kahit na sino ang magdedesisyon para sa akin!" Hinawakan ko ang kwentas ng Scythe at kinumpas ko ang kamay ko para mahawakan ito dahil magiging Satria na ito.

"Hindi ako magiging mate ng kung sino man sa inyo!" Inis na sabi ko at mula sa itaas ay hawak ko na ang Sycthe na sobrang laki niya.

Napatahimik at napatingin silang lahat sa akin.

"Bakit nag iba ang Legendary Sycthe?! Mas makapangyarihan na ito kaysa noon? May iba pa bang wangis ito?" Tanong ng isang elder mula sa Blasterin.

"Walang nakakaalam sa tunay na kapangyarihan ng Satria na yan." Sagot ng isang elder. "Walang makakasagot kundi ang may likha ng Satria. Subalit walang nakakaalam kung sino. Maari yang maging mapaminsala depende sa humahawak."

"Paano nangyari iyo? Wala akong nakikitang espesyal mula sa Asturkin na yan?" Sabat ng isa pang elder na nagmula naman sa Weilya.

"Lubhang nakakapagtaka.."

Wala akong pakialam sa sinasabi nila. Wala naman silang alam at kahit ako ay naguhuluhan din.

"Flame.. umuwi na tayo. Tapos na ang misyon natin dito." Sabi ko sa kanya.

"Hindi maaari!" Sabay na sabi nila Gastria at Julia.

"Kung ganun.. ako ang harapin nyo." Cold na sabi ko sa kanila.

Hinawakan ni Flame ang kamay ko para pakalmahin ako.

"Ako na Mahal kong Asturkin." Confident na sabi niya. Hinawakan ang kamay ko saka hinalikan ang likod ng palad ko na nagpakalma sa akin.

"Hindi ako papayag na makuha ka nila mula sa akin.. dahil akin ka lang."

Mabilis kong napansin ang pagbabago ng kulay ng mata niya at naglabas siya ng napakalakas na aura na nagpayanig ng paligid. Ibinalik ko na ang Sycthe sa pagiging kwentas.

"Imposible." Bulalas ng lahat mula sa kapangyarihan ni Flame.

Bigla namang dumating si Ancient.. lahat sila nagbigay galang.

"Sinusundo ko lang silang lahat." Nakangiti niyang sabi. "Tapos na ang misyon nila at hindi sila pwedeng magsayang ng oras. Maraming salamat sa tiwala nyo at masaya ako na naayos na ang hidwaan sa parehong kaharian. Hanggang sa muli." Sabi ni Ancient at isang kumpas lang niya ay nasa kastilyo na kami ng Asturka.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Nasa mga kwarto na rin lahat ng gamit nyo. Magpahinga na kayong lahat." Sabi ni Ancient at isang kumpas muli nasa kanya kanya kaming kwarto. Nahiga na ako sa kama dahil pakiramdam ko drained pa ako.

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon