Cinco

1.4K 70 13
                                    

Kung sa labas palang ay nakakamangha na ang lugar dahil sa napakaluwag na espasyo nito at kakaibang itsura ng palasyo, mas hahanga ka sa loob. Napakaganda nito at ang masasabi ko lang para siyang pinaghalong moderno pero may myth o tradisyon. Nakalutang ang chandelier sa gitna nito. Napakalawak sa loob.

Marami din ang mga estudyante at kagaya ko ng uniform pero napansin ko lang yong neck tie namin ay Blue. Yong dalawang nakita ko kanina ay pula ang neck tie nila.

Kunting introduction lang at pinapunta na kami sa aming mga kwarto. Narating ko na ang ikawalong palapag at nakita ang kwarto ko. Napangiti ako at pumasok na.

"Ang ganda!" masaya kong sabi. Maluwang ito at maaliwalas din sa loob. May kama, lamesa, aparador at ang nakakatuwa at napakarefreshing nito.

Ilang oras palang akong nagpapahinga nang may kumatok sa pintuan. Agad ko naman yong binuksan.

"Hi!" masayang bati niya sa akin. Isang babae na kasing tangkad ko rin at mukha siyang masayahin. Itim na itim ang kanyang mga mata.

"Hello.." sagot ko sa kanya.

"Bago ka rin ba dito? Ako si Keila. Wow ang ganda ng room mo!" Mangha nitong sabi at pumasok sa loob. "Anong name mo?"

"Zella.." sagot ko.

"Isa ka din bang mamayan ng Asturka? Saan ka nagmula? Ako nagmula ako sa Disorin. Sa Blasterin, Wielya or Denorya ka galing?"

Naalala ko iyong mga lugar na yon. Naituro sa akin ni Master, Ang Disorin ang nasa hilaga, ang mga normal na mamayan ng Asturka iilan lang ang may kakayahan sa salamangka pero matatalino sila at magaling sa pakikipaglaban. Ang Blasterin naman ang lugar ng mga bampira. Ang Weilya naman ang mga wolf and lycans. At ang Denorya ang lugar ng mga fallen angels at demons ang pinakamalalakas sa lahat. Naroon din ang mga iba pang spirits at karamihan sa kanila ay malalakas na Astors at napakabihira na may Asturkin sa lugar na yon.

"Galing ako sa Lumiya." sagot ko.

"Huh? Sa Lumiya? Kung saan magkakasama ang lahat!? Ang galing naman!" masaya niyang sabi sakin.

Ang Lumiya naman ang ang lugar kung saan pwede mong makasalamuha ang lahat, nagsasama sila ng maayos ang mga Asturkins, Astor. Karamihan sa kanila malalakas at ang lugar ng Lumiya ay mapayapa.

"Sana maging magkaibigan tayo." sabi nito sa akin at masaya ko namang pinaunlakan.

"Bakit hindi!" masaya kong sagot.

Kinuwentuhan niya ako sa lugar nila na Disorin. Mukhang masayang lugar doon at sana mapuntahan ko rin balang araw. Marami daw doong magaling sa mga halamang gamot at parang sa tingin ko ay farming and technology sila. Mahilig daw sila sa mga halaman at namangha ako sa mahika niya.

"isang puting rosas para sayo Zella."

Napangiti ako sa rosas na inabot niya sa akin. Ginawa niya yon mula sa mahika niya.

"napakaganda nito! Salamat Keila." inamoy ko ang rosas na yon at ang bango nito. Napansin ko na para siyang nagbublush habang nakatingin sa akin kaya nginitian ko.

"Labas tayo!" excited na sabi niya at hinila ako palabas.

Namasyal kami sa palasyo na ito na eskwelahan pala para sa mga Asturkins. Nakakamangha talaga dito kasi napakaproper ng mga tao.

Ang daldal ni Keila ang dami nyang kwento at para rin siyang isip bata. Natatawa nalang ako sa kanya.

"Zella! Nakakatuwa kang tumawa!" masayang sabi nito. "Para kang yong ate ko!" napansin ko na para siyang nalungkot nung nabanggit ang ate niya. Tatanungin ko na sana siya ng bigla siyang bumagsak sa sahig dahil sa may nabunggo siya.

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon