Trenta Y Otso

1.2K 87 8
                                    

"Nasaan ako?" tanging natanong ko. Para akong nasa kawalan. Ito ang ayaw ko sa lahat. Maya maya nag karoon ng parang mga ulap sa paligid. Nang mapansin ko iyon ay para itong mga alaala..

Alaala simula ng magkaisip ako. Napangiti ako nang makita ko ang buhay ko sa regular na mundo. Nanatili lamang akong nakatingin hanggang sa nagbago ang mga ulap at naging memorya ko sa Asturka. Memorya mula ng nagsasanay ako.

Naging masaya rin ako.

Nagkapalunod lang ako sa sakit at lungkot. Sa mundo na ito, marami rin ang nagmamahal sa akin. Lalo na sila Deo at Rin.

Nalungkot ako nang makita ang pagkamatay ni Keila. Ang una kong naging kaibigan.

Mula sa mga nakakalunod na alaala, may isang bahagi na pilit kong hinahanap. Ang nawawala kong memorya.

Nasa kaliwang bahagi, naaninag ko ang malabong ulap. Nang lapitan ko ito ay lumalayo ng kusa. Gusto kong maalala ang kung ano man ang nawawala..

Pero paano?

Pinilit itong lapitan.. Hanggang sa parang may bumunggo sa akin. Para akong kinain ng ulap. Madilim, malamig at nakakatakot.  

Nakita ko yong daan papunta sa Sycthe, noong nasa mundo pa ako at biglang napupunta sa loob ng Sycthe kung saan nakakulong si Flame. Pinilit kong tumakbo papunta doon. Pero may parang humila sa akin. Tumakbo ako ngunit wala itong katapusan. Hindi ko maabot ang daan na yon pero hindi ako sumuko. Nakita ko liwanag na parang lumapit sa akin.

"Zella! Dito!" narinig kong sigaw nya.

There was a demon..

Isang demonyo na pinipilit akong hilahin sa  spirit world. Habang pabalik ako ay may madilim na daan na minsan akong parang hinila doon.

Hindi ko alam kung paano niya ako nahila pero alam ko na plano niya akong gamitin para makalabas siya sa Hellworth Abys na kung saan siya nakakulong sa walang katapusang kadiliman.

Ramdam ko kung gaano siya kalakas at talagang nakakatakot siya. Hindi ko alam kung paano siya tatakasan. Malakas sila ng sobra sa teritoryo nila at mapanlinlang. Natatakot ako dahil baka hindi na ako makabalik. Baka hindi ko na sya nailigtas. Hanggang may liwanag na biglang humila sa akin at sa liwanag na iyon,nakita ko ang..

Isang kamay..

Ang kamay na yon..

Si Blue..

Hindi..

Si Flame..

Ang tunay na pangalan ni Flame.. Bigla kong naalala.

Flame Bluery Astroagnaut.

Zella! Hwag kang bibitaw!"

"Flame! Bumalik ka na! Malulusaw ka kahit ispiritu ka pa ngayon! Kahit ang katawan mo ay nasa Sycthe! Pakiusap!" iyak ko dahil nakikita ko kung paano siya nahihirapan. Lumabas siya sa katawan nya para mailigtas ako rito.

Nakakulong siya sa Scythe at walang paraan para makalabas siya sa ganitong paraan. Kailangan nya ng Asturkin para makalabas siya at ako iyon. Pero sa pagkakataong ito, sinusugal nya ang buhay nya. Sigurado ako na nag susuffer din ang katawan nya ngayon.

Isang sumpa ang makulong sa Satria.. Hindi sila makakaalis.

"Hindi ako papayag na mahulog ka sa Abyss! Kahit na ikamatay ko Zella! Sigaw nya at pilit akong hinihila.

"Ayaw kong maglaho ka Flame." iyak ko.

"Wag kang mag alala Zella, nasa Scythe parin ang katawan ko. Hindi ako maglalaho."

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon