Siete

1.3K 68 1
                                    

Wala akong magawa kundi ang umiyak. Ang sakit ng puso ko na makita siyang nasa ganung kalagayan.

Nagising ako na may luha sa aking mga mata.

"Flame..." bulong ko sa aking sarili. Inasikaso ko na ang aking sarili para sa orientation. Sinuot ko na ang uniporme ko at itinali ang aking mahabang buhok. Nag aalala parin ako kay Flame. Sana doon ako mapadpad muli, natatakot ako ng sobra.

"Bakit parang ang lungkot mo?" puna sa akin ni Keila pagkalabas ko sa aking kwarto.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko.

"Medyo lang. Hinihintay kasi kita." nakangiti niyang sagot at bahagya akong ngumiti. Hindi na siya umimik noon at nagsabi ako na ilalagay ko lang headset ko sa aking tainga. Hindi ko nais makipag usap ngayon dahil sa nararamdaman kong ito. Nag aalala ako ng husto sa kanya.

Tahimik lang kaming kumakain ni Keila. Kahit anong pakikinig ko ng music ay hindi parin mawala sa isip ko si Flame. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Alam ko na tinititigan ako ni Keila pero pinagsasawalang bahala ko nalang muna. Hindi ko nais makipag usap ngayon.

"Hi sweetie.." bati sakin ni Calixta at pinagitnaan nanaman nila ako.

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ni Eiria. Naririnig ko sila pero nagpanggap ako na hindi dahil sa earphones ko.

"What happened to her?" tanong ni Calixta kay Keila.

"Hindi ko rin alam. Ganyan na siya kanina pa. Parang may problema siya." sagot ni Keila.

"Nagalit siguro sa inyo." sabi ni Mysta habang sarap na sarap sa apple na kinakain niya.

"Siguro nga! Ayaw kayong pansinin eh!" segunda naman ni Henny.

Narinig ko ang pagbuntong hininga ng dalawang katabi ko. Wala ng umimik mula hanggang sa orientation. Tinanggal ko na ang earphone ko pero katabi ko pa rin itong dalawa.

"May kasama tayo ngayong 8 asturkin na nagsanay na simula nung mga bata pa sila. Gaya ng nakagawian natin, isang linggong ang ibibigay para malaman kung handa na ba silang humawak ng Astria na may Astor na. Mayroon tayong 6 na Astria na may mga nakakulong na Astor. Sana matulungan nyo sila." sabi nung Ancient.

"Sana makawala na si Ate!" biglang sabi ni Mysta.

"Kaya nga eh! dalawamput isang taon na siyang nakakulong at wala pa ring Asturkin na nakakapagpakawala sa kanya." malungkot na sabi ni Henny.

"Ang sampong Asturkin na ito ay sina.
Kalix Bloodster mula sa Blasterin!"

"Una talagang binanggit ang kapatid mo!" natatawang sabi ni Eiria. Tumayo ito at lumapit na sa harap na kung saan ay may walong upuan.

"Klien Howard mula sa Weilya!
Hanaro Humiko mula sa Blasterin!
Junio Klaster ng Desorin!
Kamiko Nomika ng Blasterin!
Keila Hanford ng Desorin!
Blue Demond ng Denorya!"

Lahat nagbulong bulungan dahil sa isang taga Denorya yong Blue. Maganda siya sobra at mukhang matapang. Tahimik lang siya at parang laging nakamasid.

"At ang ikawalo, Mula sa Lumiya Zella Dutche!" nagulat ako ng tawagin ako. Paano nila nalaman yon? Akala ko walang may alam. Mas malakas ang bulung bulungan nung ako na ang tawagin."

"Go sweetie!" sabi ni Calixta.

"As I expect!" masayang sabi ni Eiria.

"Lakad na! Sana mapalabas mo si Ate!" excited na sabi ni Mysta.

"Yehey!" excited naman na sabi ni Henny. "Sana makawala na si Ate!'

Wala na akong nagawa kundi lumapit. Nakita ko ang nakangiting mukha ni Keila sa akin subalit nakakatakot na tingin mula sa dalawang babae, si Blue at Kalix. Para silang nakikiramdam.

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon