Trenta Tres

1.4K 90 16
                                    



Bubuksan ko na sana ang pinto nang lumiwanag, natigilan ako.

"Bakit hindi mo pa buksan?" inip na tanong ng nasa kabilang pinto.

"Hindi ba liwanag ang tatalo sa kadiliman?" tanong ko sa kanya.

"Nagpapatawa ka ba? Nasa Asturka ka!" Inis na sigaw nito sakin.

"Alam ko." Sagot ko.

"Kadiliman lang!" Ulit niya.

"Hindi ba kapag nasira ang Satria, maglalaho ka?" tanong ko sa kanya. Tila natigilan siya. "Hindi ba kaya may Asturkin ay para pangalagaan ang Satria? Kaya may Astor ay para mapalakas ang Satria? At ikaw? Paanong nasa Satria ka? Bakit ka nakakulong sa Satria? Ikaw ba ang Scythe ?" tanong ko at ramdam ko ang ngisi niya.

"Ikaw ang Scythe na nilikha ni Luria, ang Legendary Scythe." May naalala ako. Isang alaala na tila nawala. Nakapunta na ako sa bahaging ito ny Scythe, noong nag aastral pa ako para puntahan si Flame. Naligaw na ako minsan dito.

"Hindi mo na ako uli maloloko! Naalala kita! Ikaw ang demonyo ni Luria, ang ginawa niyang Death Sycthe!" bigla kong nasabi. Ibig sabihin, may memorya akong nawawala. Bumalik sa akin ang ilang bahagi ng memorya pero hindi ito malinaw. Magulo, pirapiraso at hindi ko maintindihan maliban nalang sa pinto na ito at ang nasa loob nito.

Muntik ko na itong buksan dati, muntik na akong maloko ng nasa loob nito.

"Airu." tawag ko sa pangalan niya.

"Naalala mo rin ako Zella." ngisi niya. "Pero marami pa rin sa alaala mo ang nawawala, lalo na ang alaala mo sa taong mahal mo. At sigurado ka bang ako nga ang demonyo ni Luria?"

"Anong alaala?" tanong ko.

"Ikaw lang ang makakapagbalik sa nawala mong alaala Zella. Malapit ng mawasak ang Asturka." sabi niya at tumawa. "Anong gagawin mo ngayon?"

"Hihiramin ko ang kapangyarihan mo Airu." ngumiti ako sa kanya. "Ako ang promoprotekta sa Scythe na ito at dahil din sa akin kaya hindi ka nawala. Kaya maniningil ako ngayon."

"Iba kang talaga." ngisi niya. "Pero marami ka pang hindi alam. Balang araw, makukuha ka rin ng dilim." Yon ang huli kong narinig mula sa kanya at naramdaman ko na bumabalik na ang diwa ko sa kasalukuyan.

Marahan kong dinilat ang mga mata ko. Bumalik na ang diwa ko sa nagkakagulong mundo ng Asturka.

"Airu, Death Sycthe.. pahiram ng kapangyarihan!" Nakita ko na napaatras ang Hari ng Kadiliman na nasa katawan ni Moriyah ngayon. Kakaibang pwersa ang nanggagaling sa Sycthe. Ramdam ko ang bigat at kapangyarihan at nahihirapan ako. Siguro kung normal na katawan ko lang talaga at wala akong kapangyarihan, abo na ako ngayon.

"Malaki ang tsyansa mo ngayon dahil hindi niya katawan ang gamit niya." narinig kong boses ni Airu. "At hindi pa siya kompleto."

"Soul eye!" ginamit ko uli ang kapangyarihan na yon.

"Magpapakamatay kang talaga!" natatawa niyang sabi sa akin.

"Ate! Wag!" Sigaw ni Rin at Deo.

"Rin, Deo! Patawarin nyo si ate.. kailangan kong gawin to para sa inyo at sa Asturka." nakangiti kong sabi sa kanila. "Tandaan nyo, mahal ko kayo."

"Zella! Hwag!" sigaw ni Flame. Alam ko na kaya niya ako pinipigilan ay dahil nasa katawan ni Moriyah ang Hari.

Itinaas na ng hari ng kadiliman ang kamay at gumawa ng napakadilim na aura na siyang gagamitin niya. Winasiwas ko ang Sycthe, mabilis ang bawat pagkilos ng Hari at nag aabang ako ng pagkakataon kung kailan ko maaring magamit ang buong lakas na mayroon ngayon. Isang tira lang ang pwede kong gamitin at kapag nagkamali ako, wala na at katapusan na ng lahat.

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon