Katorse

1.3K 84 19
                                    

Pakiramdam ko pagod na pagod ako at masakit ang buong katawan ko. Siguro hindi kaya ng katawan kong normal ang lahat, kahit pa sabihing malakas na ako physically pero iba ang pakiramdam ko sa spirit ko. Marahan kong dinilat ang mga mata ako at nakita ko ang mukha ng dalawang bata na nag aalala sakin. Marahan akong bumangon at ngumiti sa kanila.

"Deo, Rin.. kumusta kayo? Okay lang ba kayo?" tanong ko sa kanila.

"Okay kami ate pero ikaw ang inaalala namin." alalang sabi ni Deo.

"Okay na ako, napagod lang ako sa laban natin, hayaan nyo pag nakakain na ako at maayos na pahinga okay na." Nakangiti kong sagot. Bigla naman nila akong niyakap na dalawa at umiiyak.

"Ate salamat sa pagtulong mo samin! Kung di dahil sayo, baka patay na kami ngayon." iyak ni Deo.

"Ate salamat sa pagligtas mo sakin. Promise aalagaan ka namin ni Kuya." sabi ni Rin.

"Ako na ate nyo mula ngayon." niyakap ko silang dalawa at pinunas ang luha nila. Ngumiti naman sila.

"Ate pwede din ba akong maging Astor mo?" nahihiyang sabi ni Rin.

"Oo naman..pero tandaan nyo, ate nyo parin ako at kapag alam ko na nasa panganib kayo, wag nyo akong kokontrahin sa mga hakbang ko ha. Popretektahan ko kayo."

"Pero ate, malakas kami..We can protect you." sabi ni Rin.

"Rin, just promise me."

"Opo." alam nila na wala naman sila magagawa hehehe.

Inilahad ko ang kamay ko na siya niyang inabot at may liwanag na nagbind sa contact namin at nagkaroon siya ng krus na hikaw sa kaliwang tainga.

"Ate masaya kami na nakilala ka namin." sabay na sabi nila.

"Ate nagluto ako!" sabi ni Rin.

"At ako ang humuli ng isda!" pagmamalaki ni Deo.

"Wow! Ang gagaling nyo! Tara kain na tayo."

Masaya naming pinagsamahan ang pagkain at nanumbalik na ang lakas ko. Hapon na pala at ang paalam ko kay Flame ay dalawang araw lang akong mawawala pero ikatatlong araw na ngayon. Bahala siya sa buhay nya, sigurado hindi naman niya ako hahanapin.

"Ate alam mo ba na pinag aaway ang Weilya at Blasterin?" singit ni Deo. "May komokontrol sa kanila."

Nabanggit ko kasi sa mga bata ang misyon ko at tungkol kay Flame.

"Manipulator?" tanong ko.

"Oo, nasa Weilya ang kalaban at nagpapanggap na Lycan. Kasamahan nila yong mga tinapos mong demonyo. Sila kasi ang sumakop samin at dapat susunod sila doon para isagawa ang plano nila na patayin ang ilang mamayan ng Blasterin at palabasin na Weilya ang may gawa. Ganon din sa Weilya and gagawin nila."

"Tama nga ang hinala ni Blue." nasabi ko.

"Paano ko makikita ang kalaban?" tanong ko.

"Isa lang siya ate pero sinasabi ko sayo sobrang lakas niya. Tapos sa ikalimang araw kapag may nanalo na sa digmaan saka lalabas ang mga halimaw at demonyo para ubusin ang lahi ng Blasterin at Weilya, sasakupin nila ito."

"Sino ang kalaban?" takang tanong ko.

"Hindi sila taga Denorya ate, kasi plano nilang sakupin ang buong Asturka. Hindi namin alam kung saan sila nagmula, basta karamihan sa kanila Demonyo."

"Narinig ko ate maingat sila. Hindi alam kung sino ang boss, pinag uusapan ng mga demonyo yon nung nakatakas si Kuya." sabi naman ni Rin. "Makikita mo ate ang kalaban gamit ang kulay ginto mong mata, ang soul eye. Itim na itim ang spirit nila."

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon