Trenta Y Cinco

1.2K 88 13
                                    

Malamlam ang mga mata nya na nakatingin sa akin. Nakikita ko rito ang lungkot at pangungulila. Kagaya ko labis din ang sakit na nararamdaman nya. Ano kaya ang tunay na estorya sa kanila ni Sabina at Luria. Kahit ako nahihiwagaan kay Luria. Ilang melenya man ang lumipas, ang puso ni Kahlee ay na kay Sabina. Wala bang reincarnation? Hindi ba totoo yon? Hindi pa pwedeng maging masaya din si Kahlee?

"Handa ka na ba?" tanong ni Kahlee sakin.

"Oo." tipid kong sagot. "itong bracelet na ito, kailan mo tatanggalin?" tanong ko naman at napansin ko na kamukha ng hikaw nya sa kaliwang tainga iyon.

"yan ang link natin at hindi mo yan matatanggal kahit putulin mo ang kamay mo."

"alam ko."

Ngumisi sya sa akin.

"talagang tinangka mong putulin ang kamay mo." sinamaan ko siya ng tingin.

"nakadepende na sa akin ang buhay mo ngayon. Tatlong taon tayong nagsanay, hindi mo ba napansin?"

Nagulat ako sa sinabi nyang yon at nanlambot. Wala na ba talaga ang buhay ko?

"hindi ka ba nagtataka at buhay ka pa hanggang ngayon?"

Hindi ako makaimik.. Naramdaman ko nalang ang sakit sa dibdib ko. Paano na ang buhay ko? Yong totoong ako? Yong totoong mundo ko. Napansin ko na lumamlam ang itsura nya.

"akala ko, ilang buwan palang ang lumilipas."

"Pasensya na. Hindi ko isinaalang alang ang lagay mo at pinagpatuloy ko ang pagsasanay mo." malungkot nyang sabi.

"miss na miss ko na ang pamilya ko."

Nagulat ako nang hawakan nya ang mukha ko at pinunas ang luha ko.

"kumusta sila?"

"ang totoo nyan.. Sa mundo mo, ang alam ng magulang mo nadamay ka sa aksidente nang bumukas ang lupa. Isa ka sa mga nawawalang tao."

Wala na akong magawa kundi ang umiyak.

"habang nagsasanay ka. Sinubukan ng mga mga kampon ng kadiliman na sumalakay sa mundo nyo. Yong nag iisang lagusan na nagdudugtong sa mundo nyo at Asturka ay kinailangang tuluyang isara. Hindi ka na makakabalik pa sa mundo mo Zella. At mas makakabuti na rin ito para sa mga tao. Lalo na sa pamilya mo. Kung malalaman nila na isa kang mortal at kung sino ka, uunahin nila ang kahinaan mo, ang mundo ko, ang pamilya mo. " paliwanag niya. Hindi ako makaimik.

Kabutihan ng lahat.

" kailangan na nating bumalik sa Asturka. Masyado ng lumalakas ang kadiliman. "

" Kahlee, pakiusap.. Iwan mo muna ako kahit saglit lang. "

Walang imik na umalis siya. Saka ko binuhos ang ng todo ang luha ko.

Gusto ko lang naman na makatulong sa Asturka at normal na buhay sa mundo ko. Bakit ganito??? Bakit ako nahihirapan ng ganito?!

Bumalik lahat ng sakit.

" huli na ito. " mapait kong sabi. "sana matapos na ang laban na ito at babalik ako sa mundo ko. Hindi pa huli ang lahat."

Kahit maliit na tyansa.. Uuwi ako sa amin. Babawiin ko ang normal na buhay ko. Inayos ko na ang sarili ko. Ngayon kami babalik sa Asturka at sigurado akong magkikita kami nila Flame at Moriyah. Ipapakita ko sa kanila na iba na ako. Hindi na ako ang dating Zella..

Sinuot ko na ang black uniform at binitbit ang satria na pinahiram sakin ni Kahlee. Isang Samurai.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon