Dose

1.4K 70 17
                                    

Kinabukasan naghanda na ako para sa lakad namin ni Keila. Agad kong hinanap si Flame at nakita ko siya na nakahiga sa isang sanga ng puno.

"Flame!" tawag ko sa kanya. tamad naman siya na tumingin sa akin mula sa ibaba.

"Pwede ka bang sumama, aalis kami ni Keila, hahanap kami ng Astor niya."

"Pwede ba Zella, wala akong oras sa kalukuhan mo. Magtraining ka nalang para naman lumakas lakas ka." Tamad na sagot nito.

"Parang training naman yon eh kasi syempre baka may maencounter kami saka bilang Astor ko dba dapat kasama kita."

"Di naman misyon yan, bahala ka sa buhay mo! Tawagin mo nalang ako gamit ang isip mo kung nanghihingalo ka na! HAHAHA!" pang aasar niya.

"Fine! Bahala ka sa buhay mo!" inis na sabi ko. tumalikod ako, "Mahulog ka sana." bulong ko at buhat doon ay nahulog nga siya sa sanga kaya nagmadali na akong tumakbo palayo. Halos kasi lumubog siya sa lupa sa lakas nang pagkakahulog. Hindi ko alam pero natatawa ako sa kanya.

"ZELLA!!!! HUMANDA KA SAKIN!" sigaw niya pero hindi ako natatakot at bagkos nakaramdaman ako ng gaan sa loob. I know she's not mad, hindi ko alam pero pakiramdam ko nakangiti siya na nakatingin sa akin.

Naabutan ko si Keila sa may labas. Nakangiti siya sa akin at kumaway. Mukhang ready na siya.

"Sorry natagalan ako." sabi ko rito.

"Okay lang. Tara?" tanong niya.

"Oo."

"Sige para makabalik agad tayo para sa misyon mo sa susunod na araw."

"Okay." nakangiti kong sagot sa kanya.

Mabilis kaming umalis ni Keila at sumakay sa sasakyan na inupahan niya para pumunta sa lugar na kung saan ay maaari kaming makakita ng pwedeng maging Astor. Pagdating sa paanan ng bundok kakaibang awra na ang naramdaman ko rito. Halo halong emosyon pero mukhang okay naman.

"Andito na tayo!" excited na sabi ni Keila. Sinimulan na naming maglakad papunta sa kasukalan ng gubat ng bundok, pero sa totoo lang maganda ang lugar at hindi nakakatakot, marami ring mga cute at ligaw na hayop.

Pakiramdam ko may sumusunod sa amin at alam ko na nararamdaman din yon ni Keila kasi naging alerto siya.

Pinapakiramdaman namin ang paligid pero patuloy parin kami sa pagpunta sa pakay namin. Nung nasa may gitna na kami bigla kaming napalibutan. Nasa harap ko si Keila at hinarang nya ang kaliwang braso sakin na para bang pinuprotektahan ako.

"Asturkins sila pero walang mga Astor." narinig kong tinig ng isang babae sa likuran.

"Nothing special." sabi naman nung isa.

"Baka naligaw lang yang. Mga bata lang naman." sabi naman ng isa pa.

"Pasensya na po sa abala pero may pakay lang po kami. Sana po paraanin nyo kami." pakiusap ni Keila pero nagtawanan lang sila.

"Nakakatawang mga bata."

"Lamang tiyan na rin ang mga yan." sabi ng isang babae na ang halay kung tumingin.

"Akin yong nasa harap kasi mukhang palaban!" excited na sabi nung lalaki sa harap.

"Pwede namang salitan tayong lima sa dalawang yan." suhestyon ng isang lalaki.

"No way! Kadiri kayo, akin yong babae sa na tahimik sa likuran niya." sabi nung isa na maganda sana kaso ang weird niya.

"Can we share?" tanong ng babae na naunang magsalita.

"Deal!" sagot agad nito.

"So saming tatlo yong matapang?" ngisi nung maangas na lalaki.

"Saksak mo pa sa baga mo kuya!" sabi nung magandang babae.

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon