Bente Dos

1.1K 68 5
                                    



I have decided para matapos na ito. Babalik ako ng Asturka at ililigtas ang mundo nila. Ako ang nakakuha sa Legendary Scythe at alam ko na mayroon sa katauhan ko ang dapat kong matuklasan. Alam ko na tao lamang ako pero nakakapag takang isipin kung bakit ako ang napili. Aalamin ko ang sagot sa pagbabalik ko sa Asturka. Ipapakita ko ang halaga ko sa kanila.

Sa totoo lang napamahal na rin sa akin ang mundong yon. Pakiramdam ko isa siyang bahagi ko na bumuo sa pagkatao ko. Subalit may mga bagay pa ba kailangan kong alamin.

Noon hindi ako nagtanong.. alam ko na wala silang isasagot sa akin kaya ako na mismo ang maghahanap ng sagot sa lahat ng katanungan na nasa isip ko ngayon..

At si Flame.. ipapakita ko kung ano ako sa buhay niya. Alam ko na may puwang din ako sa puso niya at gagawin ko ang lahat para ako lang ang makita nya.

Sinulit ko ang natitirang araw ko sa mundo namin. Sa susunod na linggo ay aalis na ako. Sinigurado kong secure ang pamilya ko sa at binigay lahat ng pangangailangan nila gaya ng pangarap ko dati pa.

I enjoyed every moment of my life with my family and friends dahil baka matagalan bago ako makabalik uli. Pero iisa lang ang sinisugurado ko.. hindi ako mamatay. Tuwing gabi palihim akong nag aastral para mag sanay at hindi mapag iwanan. Hindi ko alam pero nararamdaman ko na may matindi akong kakaharapin sa pag babalik ko sa Asturka.

Kung sakali bang matapos ko ang misyon ko..ano na ang mangyayari sa akin? May puwang pa ba ako sa Asturka?

"Zella!" Tawag sa akin ni Pete nang makauwi na ako sa bahay galing sa lakad namin ng mga kaibigan ko.

"Oh Pete? Bakit?" Tanong ko sa kanya na papasok na sana ako sa gate. Bandang alas siyete na kasi ng gabi. Napuna ko naman yong isang motor sa loob ng gate namin.

"Ano kasi.. aakyat ako ng ligaw.." nahihiya niyang sabi at saka ko lang napansin ang suot niya at may dalang bulaklak. Maang akong napatingin sa kanya.

"Huh? Seryoso ka ba?" Bahagya kong pinipigil ang matawa. Bata pa lang kasi ay inaasar na kami sa isat isa pero para sa akin ay isa siyang kababata lang talaga.

"Oo.. nag paalam na kaya ako sa mama at papa mo." Nahihiya niyng sabi. "Para sayo nga pala."

Tinanggap ko naman yong bulaklak. Nahihiya naman ako kung papauwiin ko siya.

"Pasok nga muna tayo." Aya ko sa kanya at ngumiti naman saka sumunod sa akin. Nang nasa loob na kami ng bahay nagulat naman ako dahil andoon si Sherwin na kausap si mama. Nakaayos din siya ng damit at hindi naka uniporme.

"Ma.. andito na ako." Anunsyo ko at napatayo naman agad si Sherwin.

"Good evening Zella." Bati niya.

"Good evening din. Anong meron? May issue ba doon sa kaso?" Takang tanong ko.

"Ah hindi.. aakyat sana ako ng ligaw." Sabi naman niya na kinabigla ko. Napansin ko na napatingin siya sa hawak kong bulaklak at sa likuran ko kung saan nakasunod si Pete.

"Seryoso?" Bahagya akong napangiwi. Ngumiti naman siya at tumango.

"Naku ang anak ko dalaga na at dalawa pa ang manliligaw." Biro ni mama sa akin. Iiling iling lang ako na natatawa kay mama.

"Pete upo ka nga muna doon." Turo ko sa tabi ni Sherwin.

"For you Zella." Sabay abot nya ng chocolates at flowers.

"Kukuha ko nga muna kayo ng meryenda." Sabi ni mama at pumunta na ng kusina.

"Uhmm.. guys di na ako magpapaligoy ligoy pa at kailangan nyo naman na malaman din agad ito. I appreciated this flowers that you brought for me.. pero gusto ko lang na malaman nyo na aalis na ako next week pabalik sa England.. 5 years ang contract ko doon at hindi ako makakauwi. As of the moment yong mission ko doon ang focus ko kaya sana sa iba nyo nalang ibaling ang time nyo." Deretso kong sabi sa kanila.

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon