Bente Kwatro

1.1K 75 9
                                    



"Rin? Paano sila maaalis sa komokontrol sa kanila? Yong nakikita kong linya na nakatali sa kanila ay parang buhay? Baka kapag pinutol ko yon mamatay sila." Tanong ko sa bata.

"Oo ate buhay yon. Hindi ko alam kung paano sila mawawala sa hipnotismo. Wala akong makitang paraan para maalis yon. Sorry." Malungkot na sabi ng bata.

"Eh kung matalo natin yong itim na mama?" Tanong ni Deo.

"Deo..masyado siyang malakas. Natalo niya si Ancient." Kabadong sabi ni Rin.

"Mayroon pa bang paraan?" Alalang tanong ko.

"Soul merging sana kaso parang kulang. Kung isasama natin si Flame sa scythe kung di siya willing.. mahihirapan si ate sa pagkontrol at kay ate Zella ang balik. Hindi ako papayag na mapahamak si ate Zella." Sabi ni Deo.

"Subukan natin. Gagawin ko ang lahat para matalo ang leader nila na yan." Desendido kong sabi at agad na sumugod pero laking gulat ko nang humarang si Master Markus. Agad niya akong sinugod pero naiharang ko ang scythe ko.

"Master! Gumising ka!" Sigaw ko sa kanya. Pero walang ka emosyon emosyon ang mga mata niya at walang tigil sa pagsugod sa akin. Sobrang lakas ni Master.

"HAHAHA!" Malademonyong tawa ng halimaw. "Isa ka lang bata at wala kang magagawa."

Napatalsik ko si Master at nagmadali akong sumugod sa halimaw pero humarang naman si Moriyah. Walang emosyon din ang mukha niya. Hindi ko alam pero kusa ko na siyang sinugod. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit ko sa kanya.

Kaharap ko ngayon ang babaeng mahal ni Flame. Ang babaeng kaagaw ko sa puso niya. Ang babaeng sobrang pinapahalagahan ni Flame.

Hinawakan ni Moriyah ang scythe ko at para siyang nakuryente doon.

"Aaaaaaaaahhhhh!" Malakas niyang sigaw at iyong ang nagbigay nang pagkakataon sakin para masugod siya pero bago pa man ako makarating at matamaan siya ng scythe ko ay mabilis na humarang si Flame. Kahit sobrang hirap ay pinilit kong iiwas ang pag atake ko sa kanya na sa kasamaang palad ay tumama kay Master Markus.

"Master!" Alalang tawag ko kay Master. Galit na tumingin ako kay Flame.

"Flame ano ba!" Galit na sigaw ko sa kanya. "Hindi ko naman siya papatayin!"

"Wag na wag kong sasaktan si Moriyah!" Galit na sigaw niya sa akin. "Iligtas mo siya dahil yon ang misyon mo! Kung bakit kasi umalis alis ka pa ngayon lalo tayong nagkakaproblema!" Singhal niya sa akin.

"Kasalanan mo Flame! Umalis ka diyan!" Sigaw ko sa kanya.

"Kapag namatay si Moriyah." Gigil na sabi niya. "Ako mismo ang papatay sayo kahit na Asturkin pa kita."

Parang sinaksak ang puso ko sa sinabi niyang yon. Sobrang sakit.

"Wala akong pakialam! Gagawin ko ang gusto ko!" Sa inis ko ay sinipa ko siya na kinatalsik niya. Si Moriyah wala na rin ata siyang malay. Susugurin ko siya pero nagising naman siya at mabilis na nakaiwas.

Takang napatingin ako dahil papalapit siya doon sa Lufranco. May patalim na hawak ito at nakatutok sa leeg ni Moriyah.

"Flame.. papatayin ko ang mahal mong si Moriyah kapag hindi mo iniligpit yang si babaeng humahawak sa Scythe." Cold na sabi ni Lufranco. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Nakita ko rin sa mga mata ni Flame ang galit.

"Nakakainis!" Galit na sigaw ni Deo.

Napansin ko rin ang pagdilim ng paligid. Kunting oras nalang at aangat na ang solistire. Hindi yon pwedeng mangyari.

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon