Trenta Y Quatro

1.3K 86 12
                                    


Para akong lumulutang sa kawalan. Hindi ko alam kung nasan na ako ngayon. Ang huli kong natataandaan ay yong unti unti na akong naglalaho at mukha ni Flame ang huli kong nakita.

Masakit makita na yong mukha nyang naaawa sakin ang huling nakita ko bago ako mawala. Binigay ko ang lahat para sa Asturka. Pero ngayon paano naman ako? Paano ang tunay kong mundo?

May pamilya rin ako na naghihintay sa akin. Ganito ba talaga kapag namatay na? Bibigyan ka pa ng chance na alalahanin ang lahat? Parang nagbalik tanaw ako sa buhay ko sa mundo kong tunay.

Isang simpleng buhay. Mula sa pagsilang hanggang sa paglaki. Masaya ako sa buhay na mayroon ako. Simple at kompleto. Hindi kami napabayaan ng magulang namin. Maayos kaming magkakapatid. Hindi kami mayaman, simple lang pero masaya at natutugunan ang lahat ng pangangailangan.

Nakita ko ang magulang at mga kapatid ko. Yong bahay namin na napaayos na. Namimiss ko na sila. Pero hindi ko na sila muli pang makakasama. Hindi ko man lang sila nakita bago ako mamatay.

Kung hindi sana sa Asturka, buhay pa ako. Siguro isa na akong nurse. Siguro, masaya ako at hindi nasasaktan ng ganito. Kasama ko ang pamilya ko, mga kaibigan. Siguro, may kasintahan na rin ako.

Pero lahat yon wala.

Naging sakripisyo ako sa Asturka. Minahal ko si Flame pero hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko. Totoo nga ang sabi, minsan lang magmahal ang tulad nila. Si Moriyah parin mula noon hanggang ngayon. Kahit kunting pagtingin, hindi ko nakuha kay Flame. Ang relasyon namin ay dahil lang sa ako ang taga pangalaga ng Legendary Sycthe, bilang Asturkin niya.

Sobrang sakit dahil naniwala ako na mag puwang ako sa puso niya. Isang kasinungalingan lang na sinabi niyang mahal niya ako. Siguro mahal niya ako dahil naawa siya sakin, mahal niya ako pero si Moriyah ang talagang mahal niya.

Para akong nilalamon ng lungkot at sakit.

Habang para akong palutang lutang sa kawalan. Unti unti namang may liwanag akong nakikita. Pilit kong inaabot ang liwanag pero hindi ko ito maabot.

Parang may naririnig ako.

"Zella, ano ba ang gusto mong mangyari?"

"Ang gusto ko?" Halos walang boses kong tanong sa kawalan.

"Hanggang dito nalang ba?"

"Tapos na ang misyon ko, wala ng may kailangan sa akin." buong hinanakit kong sabi.

"Bakit mo niligtas ang Asturka? Pwede ka namang umalis nalang?"

"Para.. para protektahan ang mundo ko." mapait na sagot ko.

"At dahil kay Flame. Ang taong mahal mo." pumasok sa isip ko lahat ng pangyayari sa amin ni Flame, noong una kaming nagkakilala hanggang sa huling sandali bago ako mawala. 

"Sa kabila ng lahat.. hindi pa rin siya nawawala sa puso mo."

"Masakit." iyak ko. "Gusto ko na siyang makalimutan at mawala sa puso ko."

"Ano ang gusto mong mangyari?"

"Hindi ko alam.. gusto kong maging mapayapa, sana hindi nalang ako. Sana normal nalang ang buhay ko." iyak ko. "Hindi ko akalaing hanggang dito nalang ako."

"Zella.. tingnan mo ang paligid." 

Minulat ko ang mga mata ko. Sa kaliwang bahagi ay ang mundo ko, sa kanan ang Asturka. Maayos ang mundo ko, walang pinagbago pero ang Asturka mayapa ngunit ramdam ko na parang may babala.

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon