Trece

1.3K 73 28
                                    


Ngayon na ang araw ng pagpunta namin sa Blasterin. Hindi ko alam pero parang nararamdaman kong may kailangan akong gawin.

Kompleto na kami at tahimik na bumyahe gamit ang isang karwahe. Naiilang talaga ako kay Finn. Nakakairita rin siya at alam ko na tinitingnan niya ako. Tahimik lang kami hindi naman kasi close ng mga kasama ko rito kaya sinuot ko na ang headset ko.

Tahimik lang akong nakaupo sa karwahe at naiinip na rin ako. Sana mabilis lang ang misyon na ito. Katabi ko si Blue at sa kanan ko si Flame. Ang weird ng dalawang ito dahil feeling ko may something sa kanila.

Nararamdaman ko ang bigat ng aura sa paligid kaya napahawak na ako sa dibdib ko. Hindi ko gusto ang atmosphere sa paligid pero napapansin ko wala itong epekto sa mga kasama ko.

Ito pa yong weird may lugar akong gustong puntahan..

"Flame.." tawag pansin ko sa kanya.

"Oh?" Sagot niya habang nakapikit.

"Uhmm..pwede mo ba akong samahan. May pupuntahan ako mamaya, mahalaga kasi." Dumilat siya at tumingin sa akin.

"Saan?" Tanong niya.

"Doon." Turo ko sa isang bundok.

"Zella..magconcentrate ka nalang sa misyon. Hindi tayo namamasyal dito at saka pa sobrang layo ng bundok na yan. Baka saka umatake ang mga Weilya sa Blasterin."

"Pero saglit lang naman."

"Kung gusto mo ikaw nalang." Muli siyang pumikit at napabuntong hininga ako.

"Okay." Tamad na sagot ko at nilakasan ko na ang music sa headset.

Dumating na kami sa isang malaking palasyo. Napansin ko medyo sinauna ang dating ng lugar na ito pero mukhang high tech. Weird! Pagbaba namin sa karwahe napansin ko agad ang tingin sa akin ng mga bampira.

Haaaaist! Kung siguro hindi ako trained ni Master Markus at ngayon palang ako nag sisimula matatakot ako sa mga bampira na  ito. Ano bang meron sa dugo ng mga tao at gustong gusto nila. Buti nalang wala sila sa mundo ko.

"Flaaaaaaame!" Isang excited na sigaw ang narinig namin mula sa itaas. May isang babae na pabulusok patungo sa dereksyon ni Flame at niyakap niya ito kasabay ng halik sa labi.

"Totoo nga nakalabas ka na sa Satria!" Kinikilig pa siya at tinatadtad ng halik si Flame. Ito namang si Flame mukhang tuwang tuwa pa. Sabagay ang gandang bampira ba naman niya kaso ang putla.

"Easy! Marami pang oras." Natatawang sabi sa kanya ni Flame na kinaiinisan ko ng sobra.

"Sino naman ang nakapagpalaya sayo at bago mong Asturkin?" Tanong niya. Tumingin siya sa amin nila Blue at Kalix.

"Oh! Hi Finn and Lei! Long time no see!" Niyakap niya rin yong dalawang Astor. "Sino mga Asturkin nyo?" Tanong niya at tinuro naman nila ang mga Asturkin nila.

"They look strong!" Nakangiti niyang sabi. "So this little girl is your Asturkin?" Balik niya kay Flame. Tumango naman ito. "What happened? Sira na ba ang legendary scythe?" Tumingin siya sa akin at naiinis ako. "She looks weak but.." alam ko inaamoy niya ako. "Smells delicious.." sabi pa nito habang dinidilaan ang ibabang labi.

"Indeed and her blood is very rich!" Singit ni Finn at parang natatakam.

"Flame can I have her please?" Hinawakan niya ang kamay ni Flame at ang pula niyang mata ay kumikinang. "It looks like shes delicious to bed and feed on her. I swear Im going hard on her!"

Ito ang kinaiinisan ko sa mga halimaw na ito ang minamaliit ako. Okay ako na ang maliit physically! Naku Flame wag kang magkakamali ng sasabihin at talagang sinasabi ko sayo! Grrrr!

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon