Trenta Y Uno

1.2K 80 13
                                    




Limang taon..

Limang taon nalang...

Ano ba ang pwede kong gawin sa limang taon?

Bakit ba ako nagkakaganito? Masyado na ba akong kinakain ng galit, sama ng loob at selos?

Bakit hanggang ngayon nasa puso ko pa rin siya?

Bakit hanggang ngayon, naghahangad pa rin ako na matulungan ang Asturka?

Dahil ba ito ang misyon ko?

Tumingin ako sa kawalan.. gabi na pala at kita ko ang bituin sa malawak na kalangitan.

I dream to be a super hero.. but not in this way.

Ito na ba talaga ang tadhana ko.

"Ang Asturka ang sentro ng demensyon. Sinabi dati ni Ancient na nagtulong ang mga tao at mga taga Asturka para maisara ang lagusan. Ibig sabihin, kapag bumalik na ang Hari ng kadiliman, mapapahamak ang mundo ng mga tao?" tanong ko sa sarili ko.

Kaya ba ako narito ay para sa mundo ko? Kaya ba ako ang nandito dahil sa descendant pa ako ni Sabina, ang babaeng minamahal nila Luria at Kahle?

Siguro nga tama, ang limang taon ng buhay ko, ay ilalaan ko na lamang para maayos ang mundo na ito para hindi mapahamak ang mundo ko.

Tumulo ang luha sa aking mga mata.

Isa lang akong sakripisyo..

Gusto kong maranasan ang pahalagahan.

Gusto kong maranasan ang mahalin din..

Ang mahalin ng taong mahal ko.

Gusto ko pang makasama si Flame. Kahit masakit.. gusto ko pa siyang makasama at makita na muling ngumiti.

Tutulungan ko ang Asturka para sa mundo ko. Gusto ko ring makausap si Flame. Masyado na rin akong kinain ng galit ko. Gusto ko ng mawala ang lahat ng bigat na mayroon sa puso ko.

Naisipan ko ng bumalik sa kastilyo. Gusto kong makausap si Flame. Alam ko kung saan siya naglalagi. Sa likuran sa malaking puno. Agad ko siyang nakita, nakatalikod siya sa akin. Napangiti ako. Lalapit na sana ako nang mapansin kong may kasama siya. Walang iba kundi si Moriyah, at halatang may malalim silang pinag uusapan.

Hindi ako nakagalaw. Nanatili akong nakatayo habang nakatingin sa kanila.

"Mahal ko siya." narinig kong sabi ni Flame.

"Alam ko." sagot ni Moriyah.

"Pero hindi nababagay dito si Zella, hindi siya para sa Asturka at kailanman hindi pupwedeng maging kami. Isa siyang mortal, balang araw mawawala siya. Maiiwan ako na nag iisa. Gusto ko na maging masaya siya bilang siya hindi dahil bilang Asturkin siya."

"Flame.." tawag ni Moriyah sa pangalan niya. May lungkot sa mga mata ni Moriyah.

"Pero mahal din kita Moriyah. Ikaw ang unang nagparamdam sakin ng halaga. Ikaw ang unang Asturkin ko."

"Flame, hindi pwedeng dalawa kami. Marahil naguguluhan ka lang." kalmadong sagot ni Moriyah.

"Oo, mula ng dumating siya, naguluhan ako. Nakikita ko siya sa iyo." sabi ni Flame at nasaktan ako sa sinabi niyang yon. May mga sinasabi pa siya pero hindi ko narinig pa. Para akong sinampal ng katutuhanan na hindi ako ganon kamahal ni Flame at hindi ko dapat na ipagpilitan ang sarili ko sa kanya.

"Ikaw ang pinipili ko Moriyah." narinig kong sabi ni Flame at niyakap niya ito. Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Moriyah. Hindi ko alam na lumuluha na pala ako.

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon