Nuwebe

1.2K 76 2
                                    

Masaya akong lumabas sa tagong silid na yon at nakasunod sa akin si Flame alam ko naiirita siya at ganon naman talaga siya kaya parang sanay na rin ako.

Paglabas ko naroon na ang iba at mukhang nagtagumpay sa pagsubok nila. Halata sa mukha ni Kalix at Blue at sa kanilang nga Astor ang pagkabigla.

"Paanong?" Gulat na tanong ni Kamiko.

"Welcome back Flame.." masayang bati ni Ancient. Napansin ko na nagkatinginan si Flame at Blue at napansin ko na may pagkakahawig sila.

"Mananatili ka nalang bang astor Flame?" Deretso tanong ni Blue sa kanya. Blangko ang emosyon ni Flame na tumingin sa kanya.

"Isang Demond. Kaninong pamilya ka nabibilang?" Tanong sa kanya ni Flame.

"Astrud." Nanlaki ang mata ni Flame. "That old man.."

"Hey Flame..it's been a while.. Twenty Years rin yon.." nag iinat na sabi ng Astor ni Blue. "Hindi ko akalaing may makakahawak pa sa sycthe na yan." Sabay tingin niya sa akin.

"Hey little girl." Bati niya sa akin. "Im Lei, a demon angel. Sana matagalan mo si Flame." Natatawa niyang sabi.

"She doesn't look special." Biglang singit ng Astor ni kalix.

"Finn.." banggit niya sa pangalan ng Astor ni Kalix.

"But she smells different." Sabi nito lumabas ang pangil. "Nakakauhaw ang amoy niya. Alam ko na isa siyang demon vampire dahil di maikakaila yon sa lakas ng aura niya.

I can see their soul or Aura. Yon ang isa sa mga katangian ko na hindi ko gusto. Pasalamat nalang ako dahil kaya kong iblock yon. Pero sa ganitong sitwasyon, mukhang kailangan ko yon.

"Is it okay if I bite her?" Tanong ni Finn kay Flame.

"Di what you want and I don't care.." malamig na sabi nito at hindi man lang ako pinansin. Aaminin ko nasasaktan ako sa coldness ni Flame sa akin.

"That's good. How I wish I can bite Moriyah too."

"Don't you dare think of that to her!" galit na sabi ni Flame sa kanya. Pakiramdam ko sinasaksak ang puso ko. Buti pa si Moriyah..

"I am just kidding.."

Tamad na naupo si Flame sa isang sulok at pumikit. Naupo nalang ako sa kabilang banda dahil alam ko na ayaw niya sa presensya ko. Dumating na rin sila Junio, kamiko, at Klein na mukhang nagtagumpay.

Pagpikit ko sobrang kaba ang naramdaman ko. Si Keila nasa panganib siya.

"KEILA!" Alalang banggit ko sa pangalan niya.

"Baka patay na yon!" Natatawang sabi ni Kamiko.

"Mahihina naman talaga ang mga Desorin, swerte itong isa dahil Caster siya eh yong babaeng Desorin mukhang walang silbi." Segundo ni hanako sa kanya.

Nagulat nalang ako sa mga sunod na nangyari nagpaulan ng palaso. Kinabahan ako sa nakita ko.

"Keila.." halos maiyak ako nang makita ang itsura niya. The demon inside her Satria took her body. Pula ang mga mata niya at may sungay na siya at matatalim na pangil.

Naiwasan ng lahat ang palaso niya pero napakalakas noon at nakakalusaw.

"Keila! Itigil mo yan!" Pilit akong lumalapit sa kanya pero patuloy siya sa pagpana at nakakatakot ang tawa niya.

Pilit kong iniiwasan pero masyado siyang mabilis. Naramdaman ko nalang na may bumuhat sakin.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Galit na sabi ni Blue. "She has been possessed at wala na tayong magagawa!"

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon