Bente Cinco

1.1K 60 41
                                    



Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong paghihirap ngayon. Dahil sa paggamit ko ng purify at soul eye ng sabay para akong hinihimay himay sa sakit. Masyadong malakas ang magic para kayanin ng katawan ko. Pasalamat nalang ako na andito si Rin para sa akin.

"Ate! Laban, kaya mo yan." Alalang sabi ni Deo na nakaprotekta sa akin. Wala akong magawa kundi ang panoorin si Blue na hirap na kalabanin yong si Lufranco. Si Flame naman nakabantay kay Moriyah na bumagsak na. Sana tumalab ang magic kay Moriyah.

"Zella.." narinig kong boses ni Master Markus na papalapit sakin. Agad na humarang si Deo.

"Ang aking mahal na Asturkin. Masaya akong makita ka." Naiiyak na sabi nito. "Sanay mapatawad mo ako sa nagawa ko."

"Wag kang lalapit!" Sigaw ni Deo.

"Mga Astor kayo ni Zella? Masaya akong pinoprotektahan nyo siya." Sabi ni Master at tuloy tuloy na pumasok sa barrier na gawa ni Deo. Ibig sabihin siya na talaga si Master. Spirit Healer din si Master at tinulungan niya si Rin para mapagaling ako agad.

"Zella.. pakiusap.. iligtas mo ang Asturka."

"Alam ko Master." Cold na sabi ko sa kanya. "At si Moriyah." Wala kong ganang sagot. Tumayo na ako at lumakad pero hinawakan niya ako sa braso.

"Mauunawaan mo rin ang lahat." Sabi niya habang hawak ang braso ko.

"Mauunawaan ko naman kung pinaintindi nyo noon pa." Cold na sagot ko. Napansin ko na parang may kakaiba sa solistire. Unconsiously naramdaman ko na kusang lumabas ang soul eye ko.

"Lord! Malapit na subalit.. kailangan natin ng Vessel." Biglang may parang mangkukulam na lumabas kung saan.

"Sino sa tingin mo ang karapat dapat? Si Esmeralda ba?" Tanong nito. Mabilis akong lumapit kay Ancient para harangan sila. Si Blue napatalsik na siya ni Lufranco.

Tila nagkatinginan lang sila at parang nagkaunawaan. Laking gulat ko nang lumutang ang katawan ni Moriyah. Mabilis man siyang sinaklolohan ni Flame pero para siyang kinuryente. Nasa itaas ng solistire ngayon si Moriyah at para siyang hinihigop nito. Naririnig kong ang malakas niyang sigaw.

"Lufranco! Itigil mo na yan!" Sigaw ni Flame.

"Hindi! Walang kakayahan si Moriyah na maging Vessel?! Bakit siya?!" Sigaw ni Master.

"Siya ang unang nakahawak sa Scythe na gawa ni Luria. Siya lang ang makakapagpabas sa Hari ng kadiliman na kinulong ni Luria!" Malademonyong sabi ni Lufranco. "Isa siya sa descendant ng mga anghel at nasa bloodline niya ang susi."

"Pero anak mo si Moriyah!" Sigaw ni Master kay Lufranco.

"Wala akong anak na suwail! Pareho lang sila ng kanyang ina! Mas pinili ang pa ang mundong ito kaysa sa akin ang maghari sa lahat! Kinuha ko si Moriyah para magbago ang isip at sa akin pumanig pero matigas ang ulo at dahil yon sa basurang Denoryang si Flame!" Gigil na sabi ni Lufranco.

"Ngayon, imbes na ang walang kwentang kapatid ko na si Esmeralda ang gagawin kong vessel.. si Moriyah nalang dahil mas malakas ang spirit niya para buksan ang solistire!"

Nagulat ako sa narinig. Marami talaga akong hindi alam. Pakiramdam ko nanghimasok ako sa mundong ito.

Pilit na sinusugod ni Flame ang solistire pero hindi niya magawang makalapit. Nakukuryente siya. Paulit ulit niya yong ginawa. Tumalsik siya malapit sa akin at agad kong pinuntahan.

"Flame tama na!" Pakiusap ko sa kanya. Hinang hina na siya at halos wala na siyang kapangyarihan. Maging si Blue din at Ancient.

"Kasalanan mo ito zella! Kung sana tumulong ka noon pa hindi ito mangyayari! Kung bakit kasi umalis alis ka pa. Ngayon katapusan na ng mundo mo at ng Asturka! Kung di dahil sayo sana hindi naging vessel si Moriyah! Wala na tayong magagawa pa. Masyado kang makasarili!" Galit na sabi ni Flame. "Kapag namatay si Moriyah.. magbabayad ka sakin Zella."

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon