Bente Uno

1.1K 68 7
                                    



Tamad na tamad ako sa police station habang kinukunan ng statement. Naiirita rin ako sa mga interrogation nila sa akin. Nasobrahan din ata ang gawa ko kaya ganon nalang ang pagtataka nila. Masyado rin kasi akong nagpadala sa galit ko. Mabuti nalang hindi ganon kalala yong sinapit nila kundi lagot din ako sa Asturka. May mga rules kasi doon lalo na kapag nasa tunay na mundo ka na. Kahit isa pa akong outsider..isa na rin daw akong mamayan ng Asturka.

"Nag aral nga po ako ng martial arts sa London. At saka dahil sa pangyayari na rin kanina. Symphatetic nervous system..Fight response." Tamad na tamad na sagot ko.

"Pero tila imposible. Base sa report yong isa sa kanila nahulog mula sa bintana. Yong isa bali ang paa. Yong isa nahimatay daw dahil sa suntok sa sikmura. Yong isa naman bali ang paa? Yong dalawang lalaki nalagasan ng ngipin. Ikaw lang ba talaga ang may gawa non?" Kunot noong tanong uli ng pulis.

"Oo ako nga." Tamad na sagot ko. "Sir ilang ulit ko bang sasabihin sayo na nag aral nga ako ng martial arts sa London. Isa pa buhay ng pamilya ko ang nakasalalay at hindi ako nagsisisi sa ginawa ko kanina. Tuloy ang kaso lalo na sa attempted murder! Imposible akong makasuhan lalo na sa loob ng bahay ko nangyari yon. Tinangka nila kaming pagnakawan at kalalaki nilang tao lalo pa at pito sila!"

"Hindi ba ito madadala sa usapan nalang? Tingnan mo ang ginawa mo sa kanila mabuti nalang at walang namatay."

"Usapan!" Inis na sabi ko at hindi ko na naiwasang mag init ang ulo. "Are you kidding me!" Nanggagalaiti kong sigaw sa pulis na yon. Alam ko na nakakatawag pansin na kami. "I'm going to file a case! Whatever it takes! The damage has been done and you don't have the right to tell me what I should do!"

"Wag mo akong sinisigawan!" Sigaw sa akin ng pulis. Mas lalong kumulo ang dugo ko sa kanya. "Baka nakakalimutan mong ako ang pulis dito!"

Sarkastiko akong tumawa sa kanya.

"Ako ang biktima dito! Sinasabi ko sayo mamang pulis ang nangyari. Bakit ba paulit ulit ka? Pasalamat ka dahil walang nangyaring masama kahit na kanino sa pamilya ko kundi pati yang isang yan na pamangkin mo sisiguraduhin kong mabubulok din sa bilangguan at kahit saan pang impyerno yang mga yan magtago ay hahanapin ko sila." Natahimik siya sa sinabi ko lalo pa na ibuko ko na pamangkin niya ang isa sa kanila. Yon yong lumuhod at nagmakaawa sakin na wag siyang saktan.

"Wag mo ng ideny pa mamang pulis. Narinig ko kayo at may ibedensya rin ako." Bulong ko sa kanya. "Baka gusto mong mawalan din ng trabaho. Kaya ako sayo aayusin ko ang trabaho ko at ilalagay sa tama."

Hindi na siya nakaimik.

"So pwede na ba akong umalis?" Inip na tanong ko.

"Oo." Sagot niya. Ngumiti ako sa wakas makakauwi na ako. Nakakadrain ang araw na ito. Lumabas na ako sa police station nang biglang may tumawag sa akin.

"Zella..sandali." Tawag nito at nilingon ko.

"Uhmm magkabatch tayo nong college. Naaalala mo pa ba ako? Naging classmate din tayo sa isang minor subject."

"Oo kilala kita. Sherwin Naval?"

"Oo tama. Mabuti naalala mo pa."

"Hindi naman ako makakalimutin saka 4 years palang naman nung grumaduate tayo. Buti police ka na rin." Sabi ko sa kanya.

"Ikaw kumusta ka na? Balita ko kababalik mo lang sa London 3 months ago. Babalik ka pa doon?" Tanong niya.

Tatlong buwan na pala ang lumipas mula nung umalis ako pero pakiramdam ko kailan lang yon. Sa loob ng tatlong buwan marami rin akong nagawa sa mundo kong tunay. Napaayos ko ang bahay namin na pangarap ko at nabigyan ko ng sasakyan si daddy. Kailangan ko na sigurong bumalik sa Asturka para tapusin ang misyon ko.

The Legendary Scythe (Dimension of Asturka)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon