Dennise POV
Tatlong araw na din ang nakalipas nung mangyari ang mini "get together" namin ng team. Tatlong araw na din bumabagabag sa akin ang tanong ni Ella. What would I really do if I get a chance to see that person again?
"Dr. Lazaro are you ready?"
"Yes Dr. Ramos. Hundred percent ready."
"Good." Tumingin muna sa loob ng operating room si Dr. Ramos at huminga ng malalim. "It is a beautiful day to save lives people." dagdag pa nitong sabi sa lahat ng nasa loob ng O.R. "Let's start. 10 blade." Agad naman inabot ng isang O.R nurse ang scalpel kay doktora Ramos.
I am assisting Dr. Ramos on her surgery today. Ito yung patient na dinala sa E.R na involved sa vehicular accident. The patient had pulmonary embolism secondary to the trauma during the accident. Dr. Ramos is performing this surgery to remove all the blood embolus lodge on his lungs. Ang ginagawa ko naman ay magsuction ng dugo pero syempre tinuturo din naman sa akin ni doktora kung ano yung mga ginagawa niya. Finally, after 6 hours we finished the surgery. (A/N: Ang blood embolus po ay yung mga namuong dugo. Hindi lang ito maaring makita sa lungs, meron din pong blood embolus na makikita sa mga ugat natin sa katawan. Meron din tayong tinatawag na air embolus ito naman yung mga hangin na natrap sa loob ng lungs na hindi nakalabas. Ang mga embolus po ay maaring magbara sa daluyan ng dugo o hangin. Kapag hindi po ito naalis ay maaring magkakumplikasyon ang pasyente.)
"Good work Dr. Lazaro. Good job team." yan naman ang sinabi ni Dr. Ramos pagkatapos namin. "Dr. Lazaro tell the nurse to monitor his vital and urine output. Also work on his laboratory test we need to make sure that everything we did won't go to waste." dagdag pa nito habang nagtatanggal ng surgical gown. Lumabas na din naman agad ito ng O.R.
"Okay doc." tanging sagot ko na lang habang nagtatanggal ng gloves. Lumabas na din ako ng O.R at nag hugas ng kamay. Dinala naman na ang pasyente sa recovery area at maya maya at dadalhin na ulit ito sa I.C.U para ma-monitor ng maayos.
Pumunta na din ako agad sa resident's lounge para magpalit ng scrub suit na suot ko. Umupo ako sa couch na naandon at pumikit. Nakatulog ako pero saglit lang dahil sa ingay ng mga kapwa ko residente na pumasok dito.
"Yon! Gising na pala ang pambato natin sa surgery!" pambungad ni Prime.
"Yes! Papizza ka naman diyan Dr. Lazaro." sabi naman ni Lyra.
"Ikaw Dr. Primavera makapambato ka naman diyan. Nagkataon lang yun kaya ako nakapag assist Dr. Ramos. At ikaw naman Dr. Vito puro pagkain talaga? Haha." sagot ko naman sa dalawa.
"Nako Denden napakahumble mo talaga noh. Totoo naman kasi yung sinabi ni Prime kaya baback up-an ko si Lyra magpapizza ka naman. Ang galing mo kaya kanina sa loob. Napakasmooth ng galaw mo. Parang pinanganak talaga para maging surgeon eh." singit naman ni Dr. Shiloh Pua.
"Sige na. Let's order some pizza. Nagutom din ako sa loob eh." pagsang-ayon ko na lang sa kanila.
We ordered pizza and ate it. Nagkukwentuhan naman naman kami habang kumakain. Iba iba naman din kasi ang residency program namin. Tulad ko nga sa surgery. Si Prime naman ay sa anesthesiology. Si Lyra naman ay sa Family Medicine at si Shiloh naman ay sa Internal Medicine.
"Guys nabalitaan niyo na ba? Bumalik na daw si Phenom." Biglang sani ni Prime. Napatigil naman ako sa pagkain at natahimik. Para kasi akong nabuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ni Prime.
"Who is that phenom?" pagtatakhang tanong ni Lyra.
"Siya ba yung volleyball player na biglang nawala sa volleyball scene 5 years ago?" tanong naman ni Shiloh.
"Still don't get it guys. Sino ba yun?" tanong ulit ni Lyra.Sa pagkakalam at pagkakakilala ko kay Lyra ay hindi ito mahilig sa sports kaya hindi niya alam ang sinasabi ni Prime. Tinitignan ko lang ang mga reaksyon nila. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko. Pero bumalik na siya. Nandito na siya ulit!
"Oo Shiloh siya nga. Alam mo kasi Lyra si Alyssa Valdez yun. One of the greatest volleyball player during her time. Hindi ko din alam kung hoax yung balita kasi sa social media ko lang naman nakita and stolen shot lang sa airport yung kumalat na picture." sagot naman ni Prime.
Agad ko naman tinignan ang social media ko. I saw the news that Prime is talking about. I saw the picture. Malabo ito ang hindi madistinguish yung itsura nung tao pero may naka caption dito na "The Phenom is back!" at kuha nga ito sa airport.
"Ahm guys rounds lang ako ah. Baka pagalitan ako ng mga senior ko eh." sabi ko na lang sa kanila at mabilis na umalis.
Nagsimula na ako magrounds. Pinuntahan ko muna yung isang pasyente na inadmit ko galing sa E.R para kamustahin. Pagpasok ko ng kwarto ay nakita ko naman na kahit papano ay maayos na ang lagay nito. Nanonood na nga sa T.V eh. Kinausap ko naman ang mga bantay nito at nagpasalamat pa sa akin. Papalabas na sana ako ng kwarto ng biglang may news flash.
"Para sa mainit na balita! Ang tinaguriang Phenom sa mundo ng women's volleyball balik bansa na!" Muli na namang natigil ang mundo nung marinig ko ang balita. Nandito na nga ulit siya!
"Nakausap po namin ang isa sa kapatid ni phenom, Alyssa Valdez, at kinumpirma nga po nito ang pagbabalik bansa ng kanyang bunsong kapatid na babae."
Hindi ko na tinapos ang sinasabi sa balita. Nagpaalam ako agad sa bantay ng pasyente at lumabas agad ng kwarto nito. Nararamdaman ko na kasi na masyado ng bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Umuwi na siya! Umuwi na siya! Yan ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko. Tinawagan ko agad si Ella. Sinagot din naman nito agad ang telepono niya.
"Hell-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Ella.
"She's back!"
_______________________________________________________________________
A/N:
Hi! Pasensya na kung medyo mabagal ang mga update ko. Medyo busy po sa school eh :D
I am still studying po pasensya na. Sana po maintindihan niyo.
Love lots guys.
![](https://img.wattpad.com/cover/100117672-288-k480629.jpg)
BINABASA MO ANG
Maybe This Time (AlyDen) [Completed]
FanfictionMaybe this time we are for real. Maybe this time no more hindrance. Maybe this time we can start anew. Maybe this time there will be an "US". Maybe this time we can say "We are together eternally." A/N: Hi! First story ko to dito. Please bear with m...